ALEXA’S MISSION CHAPTER ONE


Huminto ang itim na Van sa napaka laking mansyon ng mga Vergara, sinalubong sila ni Mister Vergara Kasama ang binatang Anak nito na nakasuksok ang dalawang kamay sa pocket ng pants nito.
naunang bumaba ang malaking lalaki naka suot ito ng sunglass at Combat na nagpapatunay na mula sya talaga sa Phoenix,
” hello Sir, i’m Captain Borex. ” pakilala nya kasabay ng pag abot nya ng kamay senyales na humihingi sya ng Shake hands na kaagad namang ginantihan ni mister Vergara.
“Nice meeting you Captain Borex. ” tatango-tangong saad ni Mister Vergara.
sumunod ang may kaliitang lalaki, manipis ang katawan nya kumpara sa una pero sapat na para patumbahin ang dalawang tao sa isang suntok nya.
” Ako si Amoriz. “pakilala nya sa Sarili, may kanipisan ang boses nya kaya’t bahagyang napatawa ang binatang anak ng Vergara, palibhasa ay pilyo ito kaya’t ganuon na lamang kung magreact ito.
Bumaba ang isa pang lalaki naka comoFlodge ito ng t-shirt na halos pumutok na ang manggas dahil sa muscle ng braso nito, sa balikat ay naka sukbit ang Armalite nya na may mahabang sinturon ng Bala.
Kukurap-kurap ang binata at bahagya pa itong napaatras ng umabante ang lalakeng may hawak ng baril.
‘sya kaya ang magiging personal guard ko? ‘ kabang anito sa isip nya.
“Kevin Sir. ” nangiting anito.
“kaming tatlo ang nakadestino upang pangalagaan kayo Mister Vergara. ” ani Borex.
“hah! “sigaw ng binatang Vergara. “at Pano ako? Wag nyong sabihin na iyong sampung Guard na naman ang isasama nyo sakin! ” hurumintadong anito dahilan para matawa naman si Amoriz sa Reaksyon nya
” anong itinatawa-tawa mo! ” nakangusong anito kaya mabilis na itinikom ni Amoriz ang bibig nya.
“Akala ko ba ay Apat kayo? ” puna ni Mister Vergara
“Ang totoo po ay kaming tatlo lang ang galing mismo sa Phoenix.” sagot ni Kevin.
“pero paano ang anak ko? “alalang tanong ni Vergara samantala ang anak nyang binata ay nawalan na ng pag asa kaya’t bagsak ang balikat nitong tumalikod.
Nag tinginan pa ang tatlong agent tsaka tumango sa isa’t’isa.
Lahat sila ay lumingon sa paang tumapak sa lupa na naka combat shoes na patigue mula sa Van na sakay nila.unti-unti itong bumaba sa Van, naka puti itong t-shirt, naka tack-in sa patigue nitong army pants, hanggang balikat ang buhok nito at naka suot din ng Sunglass habang may supal-pal na toothpick sa gilid ng bibig nya.
“Alexa Chandreia Valdez, ako po ang naka assign para bantayan ang anak nyo. ” kalmadong pakilala nito.
Kumibot-kibot ang nguso ni Jiro dahil taliwas ang inaasahan nya, iniisip nyang lalaki ang magbabantay sa kanya pero isang babae ang dumating na kahit sumuntok yata ay hindi nito magagawa.
“Bwahahahahahah! ” humagalpak ang tawa ng binatang Vergara, iniisip nyang baka biro lamang ang palabas sa harap nya. “Ikaw?hahaha..panong ikaw? Anong magagawa mo hahahaha mag pacute maghapon sa mga nagbabanta sa buhay ko? ” dire-diretsong saad ng binata sa gitna ng pagtawa nya.
Napailing na lamang si Alexa sa pangmamaliit na ginagawa sa kanya ng Binata kaya wala syang nagawa kundi bunutin ang 45 na baril na nakasuksok sa baywang ni Amoriz, itinutok nya iyon kay Jiro dahilan para manlaki ang mata nito.
“Anong ginagawa mo! ” suway ng kapitan nila pero hindi intensyon ni Alexa na saktan si Jiro sa halip ay ihinarap ni Alexa ang bunganga ng baril sa sarili nya samantala ang gatilyo naman ay pinaharap nya kay Jiro tsaka nya inisa-isang tanggalin ang bala noon ng wala pa yatang isang minuto, na tila nag hihimay lang sya ng Mais at walang kahirap-hirap.
Ginawa nya iyon para ipabatid na magaling syang humawak ng baril, hindi pa natapos doon inikot ikot ni alexa ang baril sa kamay nya bawat paghinto noon ay nakay jiro ang bunganga ng baril.
“Mukhang mali ang pagkakaintindi mo sa, dalagang iyan anak.” natatawang saad ng Ama.bumaling ito paharap sa Anak. “Gusto kong makilala mo ang anak ko.” ani Mister Vergara. “Rein jiroVergara ang pangalan nya, makaka asa ba’kong iingatan mo sya? ” tanong nito kay Alexa.
“ibibigay ko po ang buhay ko para kay Master Jiro. “sagot ni Alexa.
“Dadddy! Hwag mo akong ipagkatiwala sa kanya!”ani Jiro.
“Gusto mo ba talagang makita ang kakayahan ko? ” nawawalan ng pasensyang saad ni Alexa pero na namatiling kalmado ang boses nya. “Ikaw. ” itinuro nya si Kevin. ” patamaan mo ako ng isang suntok sa mukha.” hindi mayabang ang pag kakasabi ni Alexa parang natural lang, kahit pa kaonting takot ay hindi sya kakikitaan.
“Ako? “takang tanong ni Kevin.
“Bakit? Duda ka din ba sa kakayahan ko? ” tumaas ang kilay ni Alexa.
“Hindi naman, inaalala ko lang ang mukha mo, sayang kasi kung masusugatan lang. ”
“Sige tignan natin.” ani Alexa dahan dahan nyang ibinuka ang mga binti nya at gumawa ng 90 degree na distansya, binend nya ang tuhod nya at ipinorma ang kamay nya pang dipensa.
Humakbang palapit si Kevin para umatake pero nag aalanagan sya na baka masaktan nya ang dalaga kaka’t nawala sya sa Focus pati na ang target ay nawala sa Harap nya.
‘Ang bilis. ‘ nasabi ni Kevin, naramdaman nya na lang na may nakatutok sa leeg nya.
“Ngayon bata, sabihin mo kung ayaw mo padin akong maging Personal guard mo.” tanong ni Alexa.
Hindi kumibo si Jiro sa tanong nya. ” a-ano… kukunin k-ko na yung kotse ko. “paalam ni jiro habang hindi makapaniwala sa, natunghayan, nya.
“Heto ang Badge ko.” ihinagis ni Alexa kay Kevin ang Badge nya na ikinalaki ng mata nito.
“Alpha? “tanong ni Kevin. “mula ka sa alpha? ” ulit pa nito. Alam kasi ng lahat na ALPHA ang pinaka sikat na agents world wide at nandoon din ang pinaka magagaling na member kaya’t kung alpha ang isa sa kanila ay posibleng hindi sila mabawasan sa mabigat na mission na kakaharapin nila.
Tumango si Alexa. “Captain ako ng Alpha. ” nakangising...


aniya tsaka naglakad papasok sa kotseng kararating lang na drive ni Jiro.
Nakapikit si Alexa habang naka cross arms, pikit ang mata nya ngunit alam nya ang mga nangyayare. “Mag focus ka sa pag d-drive at hwag mo akong titigan.” walang ganang anito.
“psssh! Sino me sabing tinitignan kita! ” kontra ni Jiro.
“Hindi mo kailangang makaramdam ng takot sakin, nandito ko para pritektahan ka at hindi kung ano pa. ”
Napalunok si Jiro at pilit na inilayo ang mata nya sa babaeng katabi nya.
Malalim na bumuntong hininga ang dalaga tsaka inalis ang sunglass nya.
“h-hoy manang, wag mong sabihing pupunta ka sa school ng ganian? ” tanong ni Jiro sa dalaga, naroon parin ang pagkairita sa itsura nya.
“what’s wrong? It’s cool isn’t it? ” nakangising saad ni Alexa habang ang mga braso nya ay nakatuon naman ngayon sa ibabaw ng upuan ni Jiro na parang isang lalake kung umasta.
“arrrgh..”napalukot ang Mukha ni Jiro sa paraan kung paano sya kausapin ng dalaga.
“Isa pa, 21 lang ako at isang taon lang ang tanda ko sayo Bata kaya hwag mo akong tawaging manang.” nakangising saad na naman ni Alexa.
“B-bata? “kumikibot-kibot ang kilay ni Jiro dahil sa itinawag sa kanya ng dalaga. “Are you kidding me! Are you kidding me! “sigaw nito tsaka inis na pinreno ang kotse “you should call me Master! not Jiro at lalong hindi Bata! !” hindi naitago ni Jiro ang pagkainis nya halos naglabasan na ang litid sa leeg nya.
Ipinasok ni Alexa ang hinliliit ng daliri nya sa tenga nya. “ang ingay mo, kalalaki mong tao e” angal pa nya tsaka nya hinipan ang dulo ng daliri pag tanggal nya dito.
“ang Dugyot mo…” halos maiyak si Jiro sa ginawa ni Alexa. Hindi kasi ito sanay sa mga ganung senaryo.bumaba ang paningin ni Jiro sa mga binti ni Alexa na naka dantay sa ibabaw ng harapan ng kotse. “babae ka ba talaga? ” nakangiwing aniya.
Ngumisi si Alexa at akmang mag aalis ng sinturon. ” oh anong gagawin mo? ” nanlalaki ang matang tanong ni Jiro.
“bubuksan ko ang pants ko para ipakita sayo ang laman sa loob, para ikaw na din ang humusga kung babae nga ba ko. ”
” Hindi ako makapaniwala na ganitong klase ng Personal Guard ang makukuha ni Daddy! ”
“Hwag kang spoiled kapag kasama mo ko dahil hindi ko kukunsintihin ang mga kalokohan mo, tatawagin kitang master sa loob lang ng pamamamahay mo. ” seryosong saad ni Alexa.
“Oo na, Oo na… Pero yang suot mo, kailangan mong palitan baka mag takbuhan ang mga kaklase ko kapag nakita ka nila. ” iniliko ni Jiro ang kotse nya papunta sa Mall.
‘ VIRGO MALL ‘
“Good morning master.” yumuko ang guard na nasa harap ng entrance door ng mall para mag bigay galang kay Jiro.
Samantalang si Alexa ay Prenteng naglalakad lang kasunod nya habang naka pasok sa bulsa ang parehong kamay nya.
“nagulat ka ba?” maangas na tanong ni Jiro ng lingunin nya si Alexa.pag yayabang ang intensyon nya.
“Hindi, bago ko pumunta sa mansyon nyo ay alam ko nang may limang mall na pag aari ang pamilya nyo, anim na five Star hotels mga yate sa palawan at ilang beach ressort pero sa dami ng properties nyo ay hindi na ko naging interesado. ”
Napanguso si Jiro, kahit pa hindi intensyon ni Alexa na Yabangan sya ay ganon ang dating para sa kanya.
Pumasok sila sa isang boutique. “Pumili ka ng damit na gusto mo pero siguraduhin mong hindi ako mapapahiya sa mapipili mo. ” Saad ni Jiro tsaka naupo sa itim na sofa, pinag krus nya ang binti nya tsaka nag tingin ng mga magazine.
“Pwede na? ” lumabas si Alexa sa Fitting room suot ang luis vuitton na long sleeve na peach kapares ang slacks na katerno noon.
Hindi nawala kung paano pumorma si Alexa, naka pasok padin ang isang kamay nya sa bulsa.
“Tayo na. ” hindi pinahalata ni Jiro ang reaksyon nya.
‘maganda nga sya pero magaspang padin ang ugali nang amasonang yan.’
~
“Woah.. Si Jiro ba yan? ”
“hala parang walang pinag bago ang itsura nya”
“gwapo pa din! ”
Napangiti si Jiro sa ilang pamumuri ng mga Estudyante sa kanya, nilingon nya si Alexa pero parang wala itong paki alam sa kung ano ang nangyayari.
“pero sino yan? ”
“Ang ganda grabe. ”
“hala girlfriend nya yata yan eh. ”
“Ohy.. Long time no See.” bumungad ang mukha ng maitim at malaking lalaki nang pumasok si Jiro sa room nya. “sino sya ha?”nakangising tanong nya kay Jiro patungkol sa dalaga.
“a-ano.. Ah.. T-tumabi ka.. Dadaan ako. ” utal-utal na saad nya.
“oh.. Tumapang ka na? “nang iinsulto ang boses ng lalake.
‘Ano ba! wala ka bang gagawin? ‘ inis na bulong nya sa isip nya patungkol sa babae sa likod nya na abala sa pag iikot ng mata sa paligid.
“sumagot ka!” sigaw ng lalake, akmang dadakutin nito ang kuwelyo ng damit ni Jiro pero lumihis ito ng tapikin iyon ni Alexa.
“Hindi maaaring sumayad ang kamay mo sa taong ito.” hindi nag babanta ang boses nya tila nakikipag kwentuhan lang habang naka ngiti. “pasensya na.” aniya pa.
“Ah ganun! Eh di ikaw na lang! “sigaw ng lalake.
Kaagad na ginapangan ng kaba si Jiro para sa dalagang kasama nya dahil kilala nyang basagulero ang lalakeng iyon.
Sinuntok nito sa mukha si Alexa pero hindi nakita ni Jiro kung paanong nangyari basta ang alam nya lang ay hindi nakatama ang lalake na kinatatakutan nya at ngayon ay nakadapa ito sa sahig.
Tinapakan ni Alexa ang likod nito. “hwag mo kong dadaanin sa yabang mo dahil mas mayabang ako…pumasok kana sa loob ” utos ni Alexa kay Jiro.
“Ah- – O-oo. ” gusto nyang ngumiti dahil sa tuwa. Ngayon ay wala na syang dapat katakutan dahil sa babaeng amasona.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top