Beautify Chapter 10


Ilang araw pa ang itinagal ni belle sa ospital bago ito pinalabas ng doctor. Pagka uwi niya sa kanila ay nagpahinga muna siya ng isang araw bago siya pumasok sa school. Ang akala niya ay so Kurt ang susundo sa kanya sa ospital pero si Seb pala. Nalungkot siya dahil hindi man lang nito ipinakita na naguilty siya dahil sa nangyari sa kanya sa halip ay lalo pa itong lumayo sa kanya.
Wala siyang alam na nagawang mali kaya bakit ganun ang pakitungo nito sa kanya.?
Kinabukasan ay pumasok na siya dahil pakiramdam niya namn ay kaya na niya mag isa. Hindi na siya sasabay sa mga kaibigan kaya maaga palng ay pumasok na siya.
Si Kurt naman ay dinaanan siya sa kanila pero nakaalis na pala ito. Kaya nagmadali niyang pinaharurot ang motorsiklo niya sakto namang nakita niya itong papasok na sa gate ng University kayat hinarangan niya ito gamit ang motor niya.
” Anong ginagawa mo? ” tanong nito sa lalaki. Bahagya pa itong napaatras dahil sa gulat.
” I just want to say sorry.” bumaba na siya sa motor
” Sorry for what?”
“S-sa pambabalewala k-” napatigil siya dahli tinawag siya ng isa sa mga classmates nilang lalaki.
” Belle! Kumusta ka na?” Si albert.
” Ok naman na. Salamat sa pagalala.”
“Ang aga mong pumasok ah. Nag almusal ka ba? Tara libre kita” diretso nitong aya niya sa kanya saka bumaling kay Kurt. ” Join ka na rin libre ko ” pagyaya din niya dito .
” Ah sige tara. Dipa nga ako kumakain. ”
“Ok tara. Ikaw dika ba sasama?
“No thanks. I can buy my own.” sabi niya na masama ang pagmumukha niya dahil naudlot ang pag uusap nila ni belle. Saka sumakay sa motor at pinaandar na palayo.
Nilingon pa ni Belle si Kurt habang papalayo ito. He’s saying sorry. Salamat nalang dito kay albert at dumating siya dahil kung hindi ay siguradong bibigay siya dito. Marupok si ate belle noyo eh. Natutuwa siya dahil narealize na ni kurt ang ginawa niya.
Natapos ang maghapon at napagdesisyonan na din niyang umuwi nalng ulit magisa. Ayaw niya munang makita si Kurt. Ang totoo niyan dipa ito nahingi ng tawad ay napatawad na niya ito.
Habang naglalakad siya ay may humintong sasakyan sa tabi niya.
” Iha, where are you going?” si Mrs Salvador iyon.
“Pauwi na po ako.”
” Halika ihahatid na kita. ” alok ng donya.
” Ah hindi na po. May dadaanan pa po lasi ako.” tanggi niya dito.
” Sigurado ka ba?”
“Opo , salamat po.” Tumango na lamang ang ginang saka sinara ang bintana ng kotse.
Ring
Ring
Ring…
” Bantayan mo siyang mabuti . Hindi dapat sila magkita. ” saad ng ginang
“Yes maam makakaasa ka po.” sagot ng lalaki sa kabilang linya.
“Aasahan ko talaga yan dagil pag nagkataon ay sayang lang ang binabayad ko sayo.” angil niya s kausap. Saka ibinaba ang telepono .
Habang naglalakad si belle ay pakiramdam niya ay tila may sumusunod sa kanya. Bahagua siyang lumingon ngunit wala naman siyang nakitang tao . Nagkibit nalikat na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Sa kabila ng nakakailang na pakiramdam niya ay naka uwi naman siya ng ligtas. Nadatnan pa niya si Seb sa kanila na ipinagtaka naman niya.
“Oh seb anong ginagawa mo dito.” deretso lang ang tingin niya sa kausap.
” Ah dinala ko lang itong plane ticket mo. Since last week na ng semester ay nagplano si chloe ng vacation natin. ” saad nito
“Ah kasi di pa ako nakapag paalam kay mama eh. Saka bakit bumili ka kaagad baka kasi di ako payagan . Syang naman ang pinambili mo jan. ” sagot niyang may pag aalinlangan. Di niya kasi alam kung makakasama siya . Lalo na at kasama pa si Kurt.
“Don’t worry may 1 week ka pa para magpaalam kay tita.” at sakto naman na lumabas ang ina niya mula sa kusina. ” Oh tita since nandito ka na ipagpapaalam ko na po si Belle the week after next week.” pagpapaalam niya dito.
” Bakit anong meron?” tanong naman ng ina niya.
” Kasi tita Chloe planned a vacation for the four of us somewhere in Palawan . Its just a week tita since tapos na din naman ang semester” paliwang nito sa ina.
” Ahhh.. ” tumingin kay belle” ikaw gusto mo bang sumama ? ” Pagsisguro nito sa kanya.
” Ah ma kasi diba kailangan niyo ako dito?”
” Ok lang anak . Mag enjoy ka rin kahit minsan. Kaya ko na dito.” nakangiti pa ito.
“So pano ba yan . Pumayag na si tita. ” Si seb
“Ok.” maiksing sagot na lamang niya .
Huling araw na ngayon ng semester. Naglalakad siya papasok ng gate...


ng University ng may lumapit sa kanyang isang bata na may dalang bulaklak . Tulip yun na kulay yellow. Favorite color niya ito kaya pati si SpongeBob ay favorite din niya. Maya maya pa ay may isa pang bata na nagbigay ulit ng yellow tulip. At isa pa , dalawa tatlo hanggang ang iilang hawak niya ay naging isang dosena.
” Salamat” tanging bigkas niya sa mga nag abot ng mga iyon sa kanya. Nang wala ng kasunod ay nagpasya siya na ituloy na ang paglalakad at siya namang dating ng motorsiklo sa harapan niya mga limang metro ang layo nito sa kanya. Alam niya kung sino ito kahit naka helmet dahil kilala niya ang motor. May hawak ang lalaki na isang bouquet ng yellow tulips . Bumaba na ito sa motor at nagtanggal ng helmet . Bahagya pa nitong sinuklay ang buhok gamit ang kamay dahil nagulo ito . Unti unti itong lumapit sa kanya hanggang sa isang metro nalang ang pagitan nilang dalawa. Nakatingin lamang siya dito. Ano kayang pakulo ang iniisip ng binata bakit may pa gnito pa.
Nakita niya rin na nagtakbuhan ng mga batang kaninay nag abot sa kanya ng mga bulaklak. May hawak ang mga ito na papel at inangat. “I AM SORRY ” ang nakasulat dito.
Lumapit pa ito ng kaunti sa kanya saka inabot ang bouquet. Marahan niya namang tinanggap iyon at saka inamoy. Hindi niya maipliwanag ang nararamdaman. Naiiyak siya dahil sa tuwa at para siyang mababaliw dahil pinipigilan niyang ipakita na kinikilig siya. Napapangiti na lamang siya sa kanyang isip.
“Belle I’m really really sorry . Pasimula nito. Makikita ang sincerity sa mikha niya .
I’m sorry kasi binalewala kita. Sorry kasi nang dahil sa akin nagkasakit ka. I’m sorry kasi hindi ko ibinaba ang pride ko para humingi ng sorry sayo ng mas maaga. Soory kasi alam kong nasaktan ko ang damdamin mo. At sorry kasi ganito ako. Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako ngayon . Handa akong maghintay sa kapatawaran mo. Narealize ko na hindi ko mahahanap ang saya sa ibang babae.” naluluha nitong sabi sa dalaga. I’m really sorry . I promise not to do it anymore. Iiwasan ko kung anong makakasakit at makakapagpalungkot sayo. San mapatawad mo ako.”
” Uhmm sige.”
“Yes! Pinapatawad mo na ako? Bato na tayo?!” tumalon pa siya dahila akala niya ay wala ng karugtong ang sasabihin niya.
” Ang sabi ko sige pag iisipan ko kung patatawarin kita o hahayaan kitang lamunin ng konsensya mo ” sabay talikod niya na kunwariy galit parin siya. Pero nangingiti siya sa binata. Kinikilig siya ng sobra.
Ginagap ni kurt ang kamay niya kaya napaharap siya uli dito na ikinagulat pa niya dahil magkalapit ang mga mukha nila. Nagkatitigan sila. Napapalunok naman si Belle dahil dumako ang tingin niya sa mga labi nito. Kaya mariin siyng napapikit hanggang unti unting lumuhod si Kurt kya napamulat siya.
“I’m sorry na please patawarin mo na ako.” nag pouty lips pa ito na parang bata.
“Uy ano bang ginagawa mo tumayo ka nga jan . Nakakahiya pinagtitinginn na tayo dito oh” nakatingin sa kanila ang mga studyante. kasama dito ng ibang mga classmates nila. Pati na rin si Kiesha na kadarating Lang kaya napasimangot nalang ito at saka padabog na naglakad palayo.
“Ah basta hindi ako tatayo dito hanggang di mo ako pinapatawad.” di talaga ito nagpapatinag.
” Bahala ka jan .” aalis na sana siya nang magsigawan ang isa sa mga nanunood sa kanila. “Patawarin mo na kasi ”
” Oo nga segunda naman ng iba. Namumula na ang pisngi niya dahil sa magkahalong hiya at kilig.
” Patawarin mo na ako.. ah basta hihiga ako dito at di ako tatayo hanggang dimo ako pinapatawad ” humiga nga ito na di alintana ang dumi ng sahig.
“Akala ko ba hihintayin mong mapatawad kita ha eh bakit ngayon parang namumwersa ka jan.”
“Pleaseeeeee!” nakapout na naman ito at naka prayer hand pa.
” Apology accepted ! Apology accepted!” paulit ulit na sigaw ng mga naroon kaya wala na siyang nagawa kundi…
“Oo na sige na pinapatawad na kita kaya pwede ba tumayo ka najan nakakahiya. ” hinila pa niya ito para makatayo.
“Hooooooooo!!! ” hiyawan ulit ng mga nandoon. Pagkatayo nito ay bigla itong yumakap sa kanya na ikinagulat namab at ikinapula ng pisngi niya. Wala siyng nagawa kundi yumakap na din siya pabalik .
Kadarating pa lang ng magpinsan na sina Seb at Chloe. Nakita nila na magkayakap ang dalawa. Lumungkot naman ang mukha no seb ngunit mabilis niya itong pinawi dahil alam niyang masaya si belle. Ayaw niyang maging hadlang aiya sa kligayahan ng dalaga kahit na may kirot sa kanyang puso dahil sa nakikita.
“Anong nangyayari dito? napakalas naman sa pagkakayakap ang dalawa.
“Well, bati na kami” nakangiti pa si kurt na ibalita ito sa sa kanila .
“Wow ! That’s good to here. Mabuti naman at naisipan mong humingi ng tawad” nakahalukipkip pa si chloe at nakataas ang kilay .
” Congrats bro” si seb na tinapik pa ang balikat ni Kurt.
” Let’s go? Baka naman malate pa tayo kahit nandito na tayo” aya ni chloe . Lumapit pa si Kirt kay Belle at hinawakan ang kamay niya.
“Thank you” bulong niya dito at nag init na nmn ang mukha noya dahil sa mainit na hininga ng binata sa lanyang tenga. At naglakad na sila papasok habang magkahawak ang kamay.
*Sorry po sa matagal na update
Enjoy reading 😊
_jerilou❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top