KUYA PWEDE BA KITANG LANDIIN


KUYA PWEDE BA KITANG LANDIIN
Nasa library ako ngayon.I’m now holding a big English dictionary para hanapin yung pina-assignment sa’min ng teacher namin na longest word in English dictionaries daw.
“pneumonoultramicros­copicsilicovolcanoco­niosis”
Punyeemass nayan, ni hindi ko nga mabigkas eh!
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nun ng word nayan when a man spoke behind me.
“pneumonoultramicros­copicsilicovolcanoco­niosis, a word that refers to a lung disease contracted from the inhalation of very fine silica particles, specifically from a volcano; medically, it is the same as silicosis.” A manly voice said.
Nilingon ko kung sino yun at bumungad sa akin ang gwapong lakaki. Naks! May bago nanaman akong crush! Hehehehez
Naglakad sya at umupo sa upuan na katapat ko at pinagpatuloy ang pagbabasa ng librong hawak nya.
Ewan ko ba pero nakaka attract talaga ang mga lalaking may hawak na libro. Awiiieee Kaya eto napatitig na’ko kay kuya.
“Why? Need something?” Halaaa nahalata na ata ni kuya na nakatitig ako sa kanya. Ehhhhhhh naman ehh


/> “Wala lang kuya, ang gwapo mo kasi eh.” Sabi ko.
At nakita ko nalamang lihim na napangiti si kuya. Ayieee keleg keleg si koyaah hshahs
Eh Kung sample-lan ko kaya ‘to ng mga banat ko?
Umayos ako ng upo, pinatong ko ang siko ko sa lamesa at pumangalumbabang tumingin kay kuya.
“Psst Kuya.”
Lumingon sya sa’kin.
“Dictionary ka ba?”
“Dictionary? Why?”
“Kasi lahat ng hinahanap ko nasayo na ehh.” Ngumisi ako hihihihi.
Nakita ko namang umiling-iling sya.
Teka etooo paaaa!
“Kuya alam mo para kang libro.” Pilyang sabi ko.
“Hmm bakit?”
“Pinati-BOOK mo kasi ang puso ko eh.”
Hahaha nakita kong nag-smile sya. Halaaa sheeemaayy ang cutieee ng smile nya!
Pero teka baka naaabala ko na’tong si kuya…
“Kuya pwede ba kitang landiin?” Tanong ko.
Nagulat ako ng bigla syang tumayo at pinitik ang noo ko! Waaaaahhhhh mapanaket ‘tong si kuya ah!
“Kuya ka dyan! Boyfriend mo ako baliw!”
Ayy oo nga pala jowa ko pala ‘to hijhijihihihi.
-END.
@prttymae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top