Meant to be? Chapter 2


” Ihahatid kita malapit sa inyo, magbihis ka na!”inabot ni Ace ang mga damit nya.
Wala sya sa sariling nagbihis, tumalikod na lamang ang binata.
” May makakain ka ba dyan, nagugutom ako.”
” Tsk, tsk…” bilisan mo dyan”
Hinintay sya ni Ace at sabay silang nagpunta ng kichen nito, sadyang ganon sya. Mabilis syang kumain, mahirap nang walang lakas.
Nangangatog ang tuhod ng pumasok na sya sa gate. Ngunit pinilit nyang maglakad ng normal.
Nakita sya ni Khate.
“San ka natulog kagabi? Iniwan mo pa ang cp mo tanga!! ”
Kina Mitch..
Ow talaga e bat hinahanap ka nya?
Ahh.. Hindi kina Mildred. Magkamukha kasi sila e..
Yong totoo babae!
As if may paki ka ate. Wala naman diba. It’s just an ordinary night just neglect it. Good morning!
Tsh.. Pasaway!
” Ako pa pasaway, ako tong binubully nya at pinapasalo lang ng ayaw nya. Bat ba ako nalasing. Dahil sakin nya pinasa lahat ng torno nya, ako tong tanga! ”
May binubulong ka? Wag kang mag alala di ito malalaman ng papa mo, sabihin nating gumawa kayo ng project sa house ng classmate mo”
Narinig ni Ace ang pag uusap ng dalawa. Nang makapasok na si Nice, lumabas na sya at nagpakita kay Khate.
“Hi Babe good morning..”
May flowers pa syang inabot dito, galing sa ref nya. Kaya fresh pa.
” Tnx! so early huh!”
“Ah, may pupuntahan kasi ako, e madadaanan pala dito so, eto ako.”
“You’re so gwapo babe! Fresh na fresh ang look. Promise me, sakin lang yang kagwapohan at abs’terrific mo na yan huh? .. ”
” Uh.. O – oo naman” ahm babe sino yong babaeng kasama mo last night”
“Si Nice? .. Ang nice ng name pero sama ng ugali. Well, anak sya nong family driver namin, naging kababata ko na sya kasi bata pa, dinadala na sya ng papa nya dito sa house para makalaro ko. Til now, here na sya tumutuloy. Para pag may lakad ako, sya ang nagiging chaperone ko.” minsan naman katulong sya pag walang pasok. Yon”
” Huh? ” halata ang pagkadismaya sa mukha ni Ace.
” Why babe, what’s wrong?”
Nah-nothing sige ha, una na ako babe, send my regards to your parents and your siblings. K bye love you. ”
” I love you more babe. Thank you for delighting my morning. Take care huh! ”
“O- Ok babe”
Hinagkan sya sa pisngi ni ACE.muntik pang makabunggo ni Ace ang sumalubong na si Mang Anton, ang papa ni Nice. Nakita iyon ng dalaga dahil sumilip sya sa may bintana mula sa kwarto nya na nasa ikalawang palapag.
Pasensya na sir..
Tumango lang ang binata tsaka muling kumaway kay Khate.
Maghapong nakaratay lang si Nice sa higaan. Ni di na sya nagtanghalian. Buti na lang nakakain sya ng agahan sa unit ng lalaking gumiba ng kanyang pgkapuro.
Di sya mapakali at kahit anong pilit di mabura ang lahat ng naganap sa kanya at ng binata. Nagpapasalamat sya at nailigtas sya nito mula sa mga tsongong yon! Pero sa ungas pa ring iyon ang bagsak nya. Ganon pa rin yon, wala na. Panay buga sya ng hangin, pero di maibsan ibsan ang bigat na dinadala nya at wala man lang syang mapagsasabihan, at nang maalala ang sinabi nitong dapat walang makaalam. Mas lalo syang nadurog.
Ok lang, matatanggap nya kung ganon ang naging kapalaran na hindi sa lalaking pakakasalan maibigay iyon, wala na syang maibabalik pa. Pero yong puso nya sobrang naghihinagpis sa labis na pagsisisi.
Yon na nga lang ang maipag mamalaki nya sa kabila ng kahirapan, ngayoy putik na putik na sya, walang yaman walang puri at dangal. Yuck na yuck!! In just one snap! And one night.
Ang binata ay di rin mapirme sa iisang pwesto, palakad lakad sa loob ng unit nya, hihiga ito at uupo. At pinagmamasdan ang kumot na may bahid na tuyong dugo. Litseng dugo! , kung di lang sya nakonsyensya sa dugo na nakita sa kanyang kamay , di nya babalikan ang babaeng yon. Tuloy ngayon. pero alam nyang di iyon aamin.
Mapapatay sya ng papa nyang Governor pag nagkataong nagbigay sya ng kahihiyan. At imbes na sa anak ng congressman ay sa anak ng family driver ng mga ito...


ang bagsak nya. Ipinilig nya ang ulo hanggang sa nakatulugan nya ang kaiisip.
Tatlong araw na nilagnat si Nice, di nya alam kung bakit. Kaya tatlong araw din syang absent. Buti inintindi sya ng mama ni Khate, ito lang ang may paki sa kanya sa bahay na yon maliban sa papa nya.
Gusto nya kasing tawaging papa ang itay nya nong bata pa. Kahit man lang daw sa pagtawag e magtutunog mayaman ang tatay Anton nya.
Sinabihan pa syang ambisyosa ni Khate.
Kinabukasan, medyo. Ok na ang pakiramdam nya. At pagsapit ng hapon sinabi ng mama Shine ni Khate na may pa dinner sila at ng mga magulang ng nobyo ni Khate. Ang Governor..
Kaya hiniling nitong isa sya sa magserve ng pagkain. Di naman sya makahindi dahil katulong na rin naman sya.
Hapon pa lang nagpunta na ng parlor ang mag iina. At sila ng mga katulong at chief ay abala na sa kusina at paghahanda ng settings ng lugar. Sa may garden ng malaking bahay.
Pinalamutian ito ng mga light decors.
Matapos nyon, ay naligo at nag ayos na rin si Nice kahit naka uniform ng katulong ay di maitatago ang kanyang ganda . Di rin nagkakalayo ang itsura nya sa magkakapatid, tila anak mayaman din ang kanyang kutis. Mas malakas pa nga ang sex appeal nya. matangkad sya ay may poist. . Kaya mas naiirita si Khate sa kanya, dahil sa kanila mas mapagkakamalan pa syang sosyal . Isa pa ang pagiging palaban nya kaya lihim na nanggagalaiti si Khate at ng kapatid nito.
Impontong alas 8 nang may nag doorbell. Ayos na ang lahat pati ang pamilya Bermudes.
Siniguro ni Khate na sya ang pinakamaganda na makikita ng mga mata ni Ace ng gabing yon.
Kasali din si Nice sa mga nakaabang na katulong upang magsilbi sa hapag.
Taas noo syang nakangiti pa sa mga dalagang anak ng amo. Kung pakikipagplastikan lang naman, join na join sya.
At nang makita ang mga panauhin na paparating, tila nahipnotismo pa ang tatlong dalaga sa taglay na kakisigan ni Ace ng gabing yon, kasama ng isa nya pang binatang kapatid at isang nagdadalaga. Masayang nagbatian ang dalawang sosyal na pamilya at dalawang politicians na ama.
Diretso yakap at smack sa lips naman ang mag kasintahan. At nang mapadako sa gawi ni Nice ang tingin ng binata, sandali syang napatitig dito. Nagtama ang paningin nila pero agad ding bumawi si Nice at yumuko.
Nang makaupo na silang lahat, ay tahimik lamang na nakikinig sa mga magulang nilang nag uusap. Nasali na rin ang tungkol sa kanilang relasyon.
Di mapigilan ni Ace na sumulyap sa dako ni Nice binabantayan nya lang na walang makapansin sa kanya.
Nakayuko lang ang dalaga. Kita ni Ace ang lungkot sa mukha nito.
At nang mag umpisa nang magserve ng pagkain, lihim na sinusulyapan nya ang dalaga.. Patay malisya lang si Nice na parang di kilala ang binata. At nang mapunta si Nice sa side ng binata, sinadya pa nitong sagiin ang balat nya. Napatingin agad sya dito ng nakaarko ang kilay
Nang matapos kumain. Nag paalam na mag babanyo si Ace, pero ang plano nyay hanapin ang dalaga. Nakita nya ito na may kasama, hinintay nyang makaalis ang isa pang katulong at mabilis syang lumapit. Habang hawak sa siko dinala nya ito sa likod bahay.
” May pinagsabihan ka ba? ” halos pabulong nito.”
” syempre Wala!”
” Good!
“Musta ka na?”
“Bumalik ka na don.. ”
Ayokong may kumalat na kahit ano Nice. Please..
Alis na, at baka ngayong gabi ay maboking ka pa. ”
Kumain ka na ba..
Alis!!
Totoo ngang sabi ni Khate..
Na ano huh!
Na wala kang breeding! ..
Hahaha..fyi sayo ako magpapabreeding. Hihilingin ko na sana makabuo tayo nong gabing pinagsaluhan nating dalawa ang kaligayahan. I heard may lahi kayong German, o e di may breeding na German na magiging bunga natin! O diba pak na pak!! ‘Cited na c akitz! ”
Psh..!
Hahahaha. .. Bye!
Iiling iling ang binata na bumalik sa hapag.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Ganda ng story..nakakainis lang c ate nice
    permission to narrate my dear author ☺

Leave a Reply


top