Bulaga!! Masayang wika ni Karena sa anak niya.. Tatlong buwan matapos manganak ni Karena ay nag trabaho na uli siya sa ibang hospital, hindi na siya bumalik sa dating pinag trabaho nan dahil ayW niyang ususain pa siya ng mga dating kasamahan tungkol sa anak niya. Lalaki ang naging anak nila ni Gregor na si Nathan..
Habang lumalaki ang bata nkikita niya dito ang mukha ni Gregor.. Hindi niya lubos maisip
Kung pano niya nagawang patulan si Gregor..
Isang araw, habang nagpapahinga siya.
“Karena may bisita ka.” . Ani ng nanay niya na si Amelia
“Sino po nay papasukin nyo po..
” Halika dito Sir Jerald pasok ka! Wika ng matanda sa binata.
Nanlaki ang mata ni Karena na makita si Jerald Hindi niya inaasahan ang pag bisita nito.
“Kayo pala Sir pasok ka!
” KumustA Karena, pasensya ka na na bigla kita..
Hindi ako nakpagpasabi na pupunta ako, ang totoo niyan, may pinuntahan kasi ako dyan sa kabilang bayan, dumaan lang ako dto sainyo..
Okay lang po sir Jerald upo po kayo!
Yan na ba ang anak mo?ang pogi ha.! Ani lalaki at pinagkatitigan nito ang mukha ng bata..at napapngiti ito.
Opo sir! Pogi nga to mana sa akin hindi ba baby?
Saan nga pala ang tatay nito, hindi ba iyon magagalit na dinalaw ko kayo!?
“Ah..Hindi.. Po wala po siya ngayon. N.. Nasa abroad po! Pagsisinungaling niya..
” Okay,! Minsan dumalaw ka sa amin, tinatanong ka kasi ni mama sa akin kung nanganak ka na daw?
“Opo. Sir hayaan nyo. Minsan pupunta ako sainyo…. Napilitan niya lang na sabi.. Maya maya ay ngapalaam na ang lalaki hinatid niya ito sa may kalsada kasama ang bata. . Nakita sila ng kapitbahay nila..
Hello Nathan, sya na ba ang tatay mo,? Kamukha mo ha pareho kayong pogi..!
Oo nga kaya naman pala eh, may pinagmanahan. Wika pa ng isa.
Napangiti si Jerald sa sinabi ng kapitbahay.. “Pasensya ka na sir ha nagbibiro lang ang mga yon!
” Okay. naintindihan sige na bye. Bye.. Baby.. Wika ng lalaki saka ito sumakay ng kotse.
Nakahinga ng maluwag si Karena ng umalis na ang lalaki.. Ngunit Hindi pa yon doon nag tapos dahil makaraan ang dalawang linggo nmasyal si Karena at ang bata sa mall.. Nakaupo sila sa mesa sa labas ng isang testo ng makita sila ni
Jerald.. Nagulat pa siya ng Makita ito.
Sir ,, kayo po pla! bakit po kayo nan dito?
Karena? Wag mo na nga akong tinatawag na sir
Hindi ka na nagtatrabaho sa akin!
Okay!maiksi niyang sagot.
“Nathan, nagkita uli tayo! .baling ng lalaki sa bata. . Nakapag order ka na ba?
Hindi pa nga eh!
Okay, leave it to me. ako na ang bahala..
Kumain sila sa resto na yon, kunting kwentohan sumakay pa sa karosil ang mag tito. Halatang ma’s nag enjoy pa si Jerald kisa sa hawak ang bata . Namasyal sila at sa huli binilhan pa ni Jerald ang bata ng mga gamit at laruan..
__☘️🍀🍀🍀_
Sandaling nakalimutan ni Jerald ang Kanyang problima ng mga sandaling iyon. Nalibang talaga siya kasama ang mag ina..nawala ang stress sa niya kapatid.
Hindi na talaga niya mapipigilan ang pagpapakasal nito kay Elise. Nabibilang na niya
Ang araw niya bilang CEO kapag nagkataon
Maaring isa kay Elise a kay Gregor ang pweding pumalit sa kanya..
Hanggang ngayon Hindi pa niya alam kung anu ang mga susunod niyang hakbang..
Imbes na mapagod ang utak niya kaskaisip kung anu ang gagawin, ay pumunta uli siya sa bahay nila karena, natutuwa talaga siya kapag nkikita niya ang anak nito, na sabi ng mga tao ay kamukha niya..
“Karena,! wika ni Jerald na Nakatingin kay Karena na seryoso. Kalahating minuto na rin silang nag uusap.
” Bakit Jerald?
Pinasok mo ba ako sa kwarto ko nung Nasa Mansyon ka pa!
“Napahagalpak ng tawa si Karena.. Okay ka lang
Jerald? Bakit mo naman natanong yan si
Donya Martha ang palagi Kong pinapuntahan nun sa kwarto Hindi ikaw.?
” Marami kasing nagsasabi na magkamukha kami ni Nathan, nalapgkamalan pa kaming mag ama. Karena kung sasabihin mo sa akin na mayroon nangyari sa atin na lasing ako at si Nathan ang bunga, maniniwala agad ako sayo!
” Ah hahaha! mapagbiro ka talaga Jerald!!! Ang totoo, niyan, magkamukha kasi kayo ng tatay niya..!
…. Anu?gulat na tanong ng lalaki.
A.. Ang… Ibig Kong sabihin.. Si Nathan mas kamukha niya ang tatay niya… M.. Magkamukha sila alam mo yon? Natataranta niyang pa liwanag.. Dahil muntikan na siya ng madulas.. Nakagat niya ang dila niya at huminga ng malalim saka pumikit saglit..
“Okay!kumbinsidong wika ng lalaki.” Karena ipapasyal ko kayo ni Nathan sa mall Tara..
Pag iiba ng lalaki.
Ayoko Jerald ikaw na lang!
“Pasensya ka na Karena problimado lang ako ngayon dahil sa kapatid ko! Kaya gusto Kong
Mag relax, dito ako napapunta natutuwa kasi ako sa anak mo..
Nakita ni Karena na malungkot nga ang lalaki
Kaya pumayag na siyang mamasyal sa mall
***, *🍀☘️🍀☘️
Nauna si Gregor pumunta sa mall
Nayon magkikita sila ni Elise, imimeet nila sa isang resto sa mall ang wedding coordinator
Na gusto ni Elise na mag aayos ng kasal nila..
30 minutes na din siyang naghihintay sa mall na yon. Nasa itaas siya nakatayo.
Natanaw sa ibaba.. Nakita niya si Jerald
May karga itong bata nakaupo sa isang single chair may mesa sa tabi, kasama ang isang babaeng Maganda, pinagmasdan niyang mabuti ang katabi nito,
Karena!
Dali dali siyang bumaba ng hagdan, ngunit pag dating niya sa ibaba ay wala na ang dalawa.. Nagpalinga linga siya sa paligid, ngunit Hindi niya ito makita..
Nag ring ang Kanyang cellphone si Elise..
Hindi na niya yon sinagot.
Umuwi na lang siya ng Hindi makita sina Jerald..SA Mansyon matiyaga siyang nag hintay kay Jerald alas dyes na ito nakauwi.
Matagal na rin niyang hinahanap si karena kaso Hindi niya lang talaga ito matagpuan.
Hindi niya alakain na si Jerald din ang mapapnagpo sa kanila.
Seryoso ang mukha nito at Dumeretso sa itaas sa silid niya..
Si nunDan ito ni Gregor
Jerald!
Bakit problima mo?!
Nakita kita kanina sa mall, sino yong kasama mo? may karga ka pang bata?
Oh eh anu namang pakialam mo! Ani ng lalaki at ititulak ang pintok pasara ngunit Pinigilan ito ni Gregor..
Saan mo naman na kilala si Karena?
“Tika kilala mo si Karena.?takang tanong ng lalaki
Oo.maiksing sagot ni Gregor.
Dating nurse sya ni Mama, Dito sya nkatira dati.
Anu? Dito sya nkatira dati!?
Bakit Hindi no alam? Ay oo nga pala dahil. Lagi kang wala..
Yon bata kanina kaninong anak yon. Anak nyo ba?
Ah yon bata,, oo anak ko! bakit? Pagsisinungaling niya. Hindi ka ba makapaniwala na nakabuntis ako? Akala mo siguro bakla ako no? . Lalaki din ako at Napatunayan ko na yon! . Ikaw sa ilang babaeng naikama mo? nakabou ka na ba?O Baka nman baog ka?pang asar ni Jerald.
Tsk.!!! . Okay lang maging baog matinik naman!!
Yong ina ng anak mo nga pala, ako ang Naka first base doon.! Pag mamayabangng lalaki. “Syang nga lang at natapon lang” .dagdag pa nito.
…
. A.. Anu…? Kailan yon?takang tanong ni Jerald
Nung nag alumni tayo sa laguna..!kung Hindi ako nagkakamali napag
Kamalan niya akong ikaw..! Swerte Diba
Bumigay agad siya sayo, ay sa akin pala! Nakangisi nitong Saad..
Ah talaga? Okay lang yon! Sanay na akong palagi tayong magkahati! Hahahaha! Galing mo talaga Gregor ha! Problima lang sayo Hindi ka
Sharp shooter! Naka gising wika ni Jerald saka nito isinara ang pinto..
Naiwang nkakngaga si Gregor sa labas. Nagtataka sya bakit Hindi man lang naasar sa kanya si Jerald at parang tawang tawa pa ito sa sinabi niya..*
*
Sa loob ng kwarto Nakangisi si Jerald.. Hay naku Gregor! Wla kang kaalam alam tatay ka na pala. Kawawa nman ang anak mo sayo wala
Kang kwenta.. Kaya pla kamukha ko si Nathan
Dahil anak siya ni Gregor, hindi totoo ang sinasabi ni Karena na nsa ibang bansa ang tatay ng anak niya..
Haii naku Gregor, tapos ang kayabangan mo sa akin, sakin na ang mag ina mo!
Ginagalit mo ako, ngayon kaya humanda ka!
Ilang Linggo matapos silang mamasyal
Nina karena sa mall muling
Sinundo ni Jerald ang mag ina.
Sinabi niya dito na mamasyal lng sila.
Hanggang sa iniba niya ng derection ng sasakyan..
Saan tayo pupunta Jerald?
Sa Mansyon, may kukuhain lang akong importante
Malayo pa yon Hindi ba?
Oo pero bibilisan ko!wala nmang traffic
M kakarating din agad tayo doon.
Pero Jerald next time na lang pwedi ba.?
Bakit ayaw mo? Magandang pag kakantaon ito para mgkita kayo ni mama.. Ang totoo niyan gusto nyang makita ang anak sinabi ko kasi sa kanya na npapagkmalan kami ni nate na mag ama..
Alam mo tawang tawa sya.. Sinabi nga niya
Baka daw may nangyari sa atin isang beses kaya si nate ang bunga.. Sabi ko wla. Sana nga
Meron anu karena?nak gising wika nito..
Jerald.! . Ang nsabi ni Karena na puno ng pag alaala ang Kanyang mukha.
Ilang sandali pa ay nkarating sila ng Mansyon
Tuwang tuwa ang Donya na makita ang anak ni
Karena..na noon ay walong buwan nagsisimula na itong tumayo..
Dumating si Gregor.. Sinalubong iyon
Ni Jerald na karga ito si Nathan.sinundan
Iyon ni Karena.
Kambal nadyan ka nga pala..! Ito nga pala si
Nathan! Anak ko! Si Karena mama niya..! Wika ni Jerald sabay tingin nito kay karena, sunod nitong tininggan si Gregor.
Si Karena ay Nanlaki ang mata sa sinabi ni Jerald pero Hindi na niya ito magawang kontrahin.
baby ay say, hi to Tito Gregor! .. Wika ni Jerald at inilapit pa nito ang bata kay Gregor
Hawakan mo naman ang pamangkin mo..!
Kinarga din ni Gregor ang bata.Parang iba ang pakiramdam niya sa batang yon nakangiti ito na Nakatingin sa mukha ni Nathan..si nathan nman ay Tahimik lang habang sipsip ang daliri..nakamasid sa mga tao sa paligid..
Anu Nathan !?anu masarap ba mag karga ang tito mo? Huwag kang malilito sa amin. Dahil mas pogi ako diyan sa may karga sayo
! Kapag pareho kami ng damit, Makikilala mo pa kaya kung sino amin ang tatay mo?Anu sa tingin mo Karena?
Hindi nakapgsalita si Karena, kabang kaba siya Hindi niya...
bakit wlang episode sa June 2 plane post nyo na nag iintay na kame pls sender