Meant to be? Chapter 48


“hello Alvin magkasama ba kayo ni Ace ngayon?
” Oi musta Nice, hindi kami magkasama e. Nasa mall ako ngayon.”
.
” Ganon ba.. Kapag kumontak sya sayo.. O makipagkita, ipaalam mo agad sa akin ng sekreto ha.”
” Oh sige.. Walang problema.”
” Salamat.. Bye
“Gee Ingat Nice! Bye..”
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko, sa totoo lang di mabilang na buntong hininga na ang nagawa ko mula pa kanina.
Alas 5 na kasi ng hapon, hindi pa rin umuuwi si Ace, at di nya sinasagot ang tawag ko. O kahit man lang ireply ang mga chats at texts ko di nya magawa. Gustuhin ko mang magpahinga dahil nanghihina na ako sa kakaisip at pag aalala. Pero di rin ako dalawin ng antok.
Tapos yong paninikip ng dibdib ko di naiibsan, masikip pati ang paghinga.
Nakita kong papalapit si itay, nasa veranda kasi ako. Kasi presko yong hangin don habang inaabangan ko si Ace.
“Anak?..”
” Tay?.. May kailangan po kayo?”
“Namiss ko lang makipagkwentuhan sayo. Lagi ka na kasing abala. Musta ka na anak..”
Nakakainis.. Baka di ko na kayaning pigilan pa ang mga luha ko. Tatay naman e.
“Ah.. Okay lang ako tay.. Minsan namimiss ko lang si na – nay. . ” tuluyan na akong bumigay.. At nang makita nya ang pagpatak ng aking luha. Agad syang lumapit at niyakap ako.
Ninais kong yakapin ako ni Ace, at sabihan nyang naniniwala sya sakin. Kaso iniwan nya ako.. Niyakap ko pabalik si itay. Sana naniwala na lang ako sa kanya dati. Na kahit kami lang dalawa Kakayanin namin. E di sana nagluwal na ako. E di sana kasa kasama ko na ngayon ang anak ko.
Pero nadala ako ng mabulaklak na salita ng ama nya. Na ang daming gustong umangkin! Kung hindi ko lang sya mahal e..
Sa kakakwentuhan namin ni itay, nalaman kong may iba pa pala syang kamag anak sa ibang lugar na di ko pa napupuntahan. Ipinaalala nya uli sa akin ang mga hilig at kakulitan ko noong bata pa. Kaya ayon, napawi ang mga luha ko. Si itay kasi pag nagsalita kahit joke na ang seryoso pa rin ng datingan. Tapos di pa talaga natatawa. Kaya nasolo ko tuloy ang malutong na pag tawa.
Sandaling lumuwag ang dibdib ko. Salamat kay itay. Tsaka ko pa kinuha yong pahabol kong gift sa kanya.
“Belated Happy Father’s day Tay! Mahal na mahal ko po kayo. Sobra! “tsaka ko sya niyakap. At nagteary eyes uli
Pagkalas ko, may butil ng luha akong nakitang lumandas sa pisngi nya.
” Patawarin mo ako, kung mahirap lang ang tatay at di naibigay sayo ang buhay na gusto mo. Na kailangan mo pang pagdaanan ang hirap ng maraming aapi dahil umibig ka sa di natin kauri.”
“Gusto man kitang pigilan dahil alam kong masasaktan ka pagdating ng panahon, pero pinakiusapan pa rin kitang pakasalan sya.
Kasi akala ko sapat na na mahal mo sya para maging maligaya ka anak.. Pero.. Nasasaktan ka ngayon, at doble ang sakit non sa akin.”
” Tay!”
” Kapag nakikita ko ang lungkot mo kapag pumupunta dito ang anak sa iba ng asawa mo. Nasasaktan ako para sayo. Tinatago ko lang.
At pati sa governor umiiwas akong magkita kami sa coffee shop. . Minsan na nya akong minura pinagsalitaan ng masakit sa harap ng maraming tao. pero tinatagan ko lang aking loob at yumuko na lang.
“E Wala tayong magagawa, nagmahal lang ang mga anak natin. “yon lang ang naisasagot ko
“Tay… ” muli akong naiyak.. Niyakap ko sya uli ng mahigpit.ilalaban pa kita Ace.. Pero pag pakiramdam ko di ko na kaya. Susuko na rin ako. Dahil ang di ko alam, nahihirapan na rin pala si itay…
Sa kaiiyak ko kahit na nong nasa kwarto na ako. Di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa tapik ni manang Ces sa aking balikat. Kakain na raw ng hapunan. Wala akong gana nong malaman kong di pa rin sya umuuwi.
At wala rin syang reply o kahit anong paramdam. Pinilit kong kumain kahit, bumabara sa aking lalamunan ang pagkain.
Pero pinatawa uli ako ni itay kaya, nakakain din ako at pinasalo na namin ang dalawang katulong.
May mga alam na rin akong lutuin, nagpaturo ako kay manang Ces, in case lang at least di ako nganga kay Ace kapag ng request syang magpaluto sa akin. Si itay din naman
marunong.
Saktong pagkatapos kong uminom ng tubig at nagtawanan pa kami dahil biglang nag burp ako. Kakahiya..
Nagring yong cp ko, tumayo ako at kinuha. Tumatawag si Rica.
” N-Nice..” papaos na boses ni Rica mula sa kabilang linya
“Anong nangyari sayo?”
“Si kuya! Nasa kritikal na kondisyon sya ngayon. Hindi namin alam ang nangyari, may sumugod sa kanya dito sa ospital. Nakita syang duguan sa may highway sa may pampang. Nahulog sya sa slope. ”
“Si Ace agad ang naisip ko..Asan si Ace.
Asan ka na Ace!! ”
Parang binabayo ang dibdib ko.
Matapos kong icheer up si Rica ay
muli kong kinontak ang mga kaibigan at kakilala ni Ace.
Alas 11 na.. Di pa rin ako dalawin ng antok at dahil wala pa rin sya. Maya maya may ugong ng sasakyan akong narinig. Mabilis kong tinunton ang garahe ..
Nakita kong pababa na si Ace ng sasakyan. Mukhang nakainom, Agad akong lumapit.. At amoy ...


alak nga siya. Pero nong hahawakan ko na sya, itinaas nya lang ang kanyang kamay. Ayaw nyang pahawak. Umikot sya sa kabilang pinto at dahil tinted ang sasakyan tsaka ko pa nakita ang babae na inakay nya ng bumaba.
Tila sinaksak ng ilang libong punyal ang dibdib ko. Hindi sya lasing, nakainom lang. Matino syang inaalalayan ang babae. Sinadya nyang ganoong oras umuwi dahil tulog na ang lahat para walang makahalata sa kanila.
Tulalang napako ako sa kinatatayuan habang pinapanood syang nilampasan lang ako, ni hindi nya ako tinapunan ng tingin. Para akong nananaginip na kung saan gustong gusto ko syang pigilan, gusto ko syang ilayo sa babaeng yon, gusto kong sabunutan ang haliparot, hanggang sa maubos ang kanyang buhok! .
Bakit di ako makagalaw. Parang gusto nang sumugod nang kaluluwa ko. Pero ayaw sumama ng nanghihina kong katawan.
Bakit?
Icinompose ko ang aking sarili… Huminga ng malalim. Ilang sandali pay patakbo kong tinungo ang loob ng bahay dire diretso sa pangalawang palapag kung saan nakita ko pa ang dalawa na malapit na sa huling baitang ng hagdan.
Ace!
Pero tuloy2 lang sila.
Sa bilis ng takbo ko nakuha ko pang maabutan ang buhok ng babae. Hinila ko ito ng ubod lakas na nagpatili dito.
Hindi ko ito binitawan. Nasa malapit na kami sa kwarto
“Nice ano ba! Baka magising sila!”
Sabay pilit na pagluluwag nya sa pagkakahawak ko sa buhok ng malanding bwesita nya!
“Ang sama mo Ace! Lumabas din ang totoong kukay mo! Lintik kang Playboy ka!”
“Patas lang tayo..”
“Hindi totoo yan. Kailanman hindi ako nanglandi..”
“Yeah….hindi talaga” pang iinsulto nitong sabi.
Sabay pangiti ngiti nya pa na parang nakakaloko.
“Kung gusto mo, don na rin kami sa kwarto matutulog.”
“Don din ako matutulog!”
” pwes Tara!.”
“Ace…?”
“Tara! ” Sabay akbay nya sa katabi at nagpatiuna na.
Naabutan ko silang naghahalikan. Tinapunan ko sila ng unan na nagpahinto sa kanila. Iginaya nya pahiga ang nakakagigil na bwsit na babaeng to. Tinataas taasan pa ako ng kilay!!
Agad ko syang sinugod at hinila uli ang buhok ng di nakabantay si Ace. Pero muli nya lang hinawakan ang kamay ko para alisin ang pagsasambunot ko sa babae.
Tinitigan nya ako
“Pasalamat ka nga, dito na ako tumambay, kesa itago ko sayo at magmotel ako. Mas masakit yon, katulad ng pagtatago mo! .. May # ka pa talaga sa kanya. So kelan nyo pa ako niloloko huh?
Pweh.! . Sinasayang mo ang oras ko.”
Tsaka nya hinapit sa beywang ang babae. At binuhat, malaki ang hakbang na akmang lalabas.
” Kapag lumabas ka ng pinto na yan ngayon, lalabas na rin ako at aalis sa bahay na to.”
Mahinang turan ko pero sapat para marinig nya.. Plano ko nang sumunod sa paglabas nang huminto sya.
Ibinaba nya ang babae..
“Umuwi ka na muna”saad niya dito.
“Huwhat!! Ganon ganon na lang? But we’re not yet done! Ni hindi pa nga nagsisimula.”
“Better luck next time. I’m not in a mood already.
Lika hatid na kita pababa.”
“No way! Hindi pa bumababa ang climax ko.”
Iritang bulyaw nito.
“Gusto mong magshower muna para bumaba yan.”
“Haisst..”
Pero lumapit lang ito sa kumag at humalik pa talaga.
“I’m just here waiting. You can escape to my world whenever you want. I can ease your pains and pleasure you the way no one can. ”
I love you Ace! ”
” Okay.. Thanks for the time. Ihahatid na kita.”
” Hindi na, pahinga ka na. Good night”
” Goodnight, ingat ka.”
Bwesit na bwesit ako.. Sakit! sakit.! .
Naiwan kaming nagpapakiramdaman. Maya maya naglakad sya papunta sakin.
Ipinapadyak padyak ko yong paa ko na nakataas ang kilay habang papalapit sya..pero dumiretso rin sya sa kama at patapong tumaob don.
Alam kong galit sya.. Pero gaganti agad ng ganito! E pano dito sya bihasa!
Kinuha ko yong cellphone ko at humakbang patungong pinto.
“Stop! Bumalik ka dito!”
Hindi ko sya pinansin..
“Bumalik ka sabi dito!” sumigaw na sya sabay tapon ng babasagin na design sa bedside table.
Wala akong nagawa kungdi sumunod.
Nong nasa gilid na ako ng kama..habang pumapadyak pa rin sa galit inabot nya ang kamay ko, habang nakataob pa rin.
“Higa!
“So ito ang isa sa pinagkaabalahan mo sa buong araw!”
“Tigilan mo ko! , I’m damn tired and miserable. ”
Hihiga ka o hindi!
Hindi!
Mabilis syang bumangon mula sa pagkakataob tumayo at hinila ako palanding sa dibdib nya.
“At dahil pinaalis mo yong flirt ko, do what she has left undone. Be my stripper tonight. Paligayahin mo ko, total obligasyon mo yon bilang asawa.”
Tinapunan ko sya ng matalim na titig. Na sinalubong nya rin ng parehas.
Iniwasan kong di bumigay, naalala ko ang dating sinabi nya na di ako kailanman magiging stripper nya dahil lubos nya akong nirerespeto. E ano to?
Umatras ako.. Pero muli nyang kinabig.
“Akitin mo ako, gaya ng ginawa mo sa kanya nong gabing yon.!
” Sinabi ko na sayo Ace! Epekto yon ng pill. Bakit di mo kayang paniwalaan? ”
” Tss.. Dami mong drama. Iparanas mo naman sa akin ang pagnanasa mo! Hindi yong para kang tood dyan. ”
Umakyat ang cells ko sa ulo sa sinabi nyang yon. Tood pala ha.
Pero ang ending nakatulog din kami. Dahil pareho kaming wala sa mga tamang mundo namin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top