Ako Ang Girlfriend! Pero Sa Kan’ya Ka Sumasama!”


Ako Ang Girlfriend! Pero Sa Kan’ya Ka Sumasama!”
Nangdito kami ni Gerald sa bench nitong school. Habang nag re-research para sa gagawin naming thesis. Si Gerald ang boyfriend ko. Isang linggo palang kaming dalawa sa aming relasyon.
Nang biglang dumating si Trixie. Si Trixie ang childhood best friend ni Gerald. Pag-lapit niya sa amin. Binati niya kaagad kami bago siya nag salita.
“Hi, Bea, pwede ko bang hiramin muna si Gerald mag papatulong lang sana ako sa kan’ya. Meron kasi akong hindi ma intindihan sa lesson namin. Wag kang mag-alala sa library lang naman kami” tumingin muna sakin si Gerald, bago siya ulit bumaling kay Trixie.
“Sure. Okay lang.” yon nalang ang tanging nasabi ko sa kan’ya. Agad namang tumayo si Gerald nginitian niya nalang ako saka siya lumapit kay Trixie. Tumalikod na silang dalawa sa akin. Nakita ko pa na inakbayan ni Gerald si Trixie habang masayang-masaya sila na nag kwentuhan papuntang library.
Nakaramdam naman ako ng selos pero binaliwala ko nalang dahil alam ko naman sa sarili ko na matagal na silang may pinagsamahan.
——
Kinabukasan may sports activity kami sa school. Hindi sinasadyang madapa ako kaya dinaluhan kaagad ako ni Gerald para dalhin ako sa clinic. Pero pagbuhat niya sa akin ay bigla nalang nagsigawan ang lahat yon pala ay bigla nalang nahimatay si Trixie dahil natamaan pala ito ng bola.
Nagulat nalang ako ng ibaba ako ni Gerald.
“Sorry, Bea ibababa muna kita dadaluhan ko lang si Trixie. Sigurado naman ako na hindi malala yang paa mo.”
“Okay lang Gerald. Sige puntahan muna si Trixie para madala muna siya sa clinic.
Tumakbo naman agad si Gerald patungo kay Trixie. Makikita mo talaga sa mata nito ang labis na pag-aalala. Binuhat na niya ito saka patakbong pumunta sa clinic.
Hindi ko na naman mapigilan ang makaramdam ng selos.
——
Pauwi na kami nangako si Gerald sa akin na pupunta kami ng mall. Manonood daw kami ng sine. Kaya naman subrang excited ko talaga.
Napawi nalang bigla ng sumigaw si Trixie. Habang tinatawag ang pangalan ni Gerald.
“GERALD!”
Kaya naman napatigil kami sa paglalakad.
“Oh, Trixie, Bakit?” tanong ni Gerald sa kan’ya.
“Nakalimutan muna ba? Birthday ni Papa ngayon. Ano Tara? Gusto ka din niyang makausap” todo pa ang ngiti ni Trixie sa kan’ya na para bang hindi niya ako nakita.
Tumingin naman sakin si Gerald na para bang nagtatanong ang mga mata nito.
“Okay lang. Sige na Gerald pumunta ka na. May next time pa naman para makapanood tayo ng sine”
“Yon naman pala, eh. Tara na...


Gerald” sabay tingin ni Trixie sa akin.
“Oh, sige tara.” maligaya pang sabi ni Gerald sa kan’ya.
Umalis na silang dalawa inalalayan niya pa si Trixie na sumakay sa tricycle. Yong excited na naramdaman ko kanina ay bigla nalang napawi at napalitan ng lungkot.
——
Monthsary namin ni Gerald ngayon. Kaya nagpunta kami sa plaza may celebration kasi ngayon dito at may magaganap ding sayawan. Meron ding mga Ibat-ibang damit na itinitinda. Hanggang sa makita naming dalawa ni Gerald ang couple na jacket kaya agad namin itong binili at sinoot.
Maraming tao ang narito kaya naisipan muna naming umupo. Nagulat nalang ako ng biglang may lumapit sa aming babae. Hindi pa malinaw ang mukha nito dahil nasa madilim na parte naman kami naka upo. Nakilala ko nalang siya ng mabosesan ko siya.
“Gerald sayaw naman tayo, oh! Okay lang bang makasayaw ko muna si Gerald, Bea?” tanong ni Trixie sa akin.
“Sige Okay lang. Magsayaw na kayo.”
“Thanks Bea” hinila naman kaagad ni Trixie si Gerald. Magkahawak kamay pa silang pumunta sa gitna. Masayang-masaya sila. Na para bang sila lang ang tao dito. Hindi ko naman mapigilan kusa nalang tumulo ang aking mga luha.
Hanggang kilan ba magiging ganito? Ako nga ang girlfriend niya. Pero pakiramdam ko mas girlfriend pa niya si Trixie kisa sa akin.
Sa mga “okay lang” na mga sinasabi ko ang totoo nito ay nasasaktan na pala ako.
——
Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko. Nagulat nalang ako ng ginising ako ni Mama ang sabi niya nasa labas daw si Gerald at gusto niya akong makausap.
Pagbaba ko ay nasa labas nga siya at naghihintay sa akin.
“Gerald? Ang aga mo naman ata. May problema ka ba?”
“Bea, I’m sorry” sabi niya habang umiiyak.
“Huh? Bakit ka nag so-sorry? Wala ka namang ginawang kasalanan”
“Bea, Let’s break up!”
“May nagawa ba akong mali, Gerald?”
“No, wala kang nagawang mali. Ang totoo niyang kaya ako makikipag-break sayo dahil may gusto ako kay Trixie.” napaiyak nalang ako sa mga sinabi niya pero agad ko din itong pinunasan.
“Okay lang Gerald. Sana maging masaya ka! At sana maging masaya kayo sa piling ng isat-isa” Yon nalang ang tanging nasabi ko saka ko siya tinalikuran.
Sa mga “okay lang”. Ang kapalit nito sa akin ay daang-daang sakit. Kahit masakit man para sa akin. Titiisin ko para sa kan’ya. Dahil ganon ko siya kamahal. Kung magiging masaya siya sa piling ni Trixie ay magiging masaya na din ako para sa kan’ya.
**********************
Work of fiction,






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top