Fathers and son Part 15


” Tita Leslie,saan po tayo pupunta?”
” Diyan lang sa tabi tabi. Mamamasyal lang tayo. Na miss kasi kita kaya gusto ko munang makasama ka. ”
Si Leslie ang kumuha kay Viel sa school nito. Nagkataon kasing napadaan siya sa tapat ng room ni Viel at nakita ang huli. Hinahanap niya rin ang matalik nyang kaibigan na isang titser at naging karelasyon ni Rodney noon. Gusto niya itong sorpresahin. Matagal na kasi silang hindi nagkikita at nagkakausap kahit sa telepono man lang. Ang huling balita niya sa kaibigan ay titser na ito sa isang pampublikong paaralan.
Hindi naman akalain ni Leslie na makikita niya si Viel sa mismong paaralan kung saan nagtuturo ang matalik na kaibigan niyang matagal niyang na mimiss. Bigla na lang kasi itong nawala matapos magtapat sa kanya na buntis ito.
” Paano nyo po nalaman na dito po ako nag aaral?”
” Actually ,hindi ko naman alam. Hinahanap ko kasi yung kaibigan ko na titser rin. At doon siya nagtuturo sa school mo.”
” Ganoon po ba?”
” Mm..” sinabayan pa niya ng tango ang kanyang sagot.
” Nagkita na po ba kayo?”
” Hindi pa nga,eh. Ikaw kasi ang una kong nakita kaya,ikaw na lang muna ang ipapasyal ko.” Nakangiti niyang saad kay Viel.
” Eh,tita Leslie. May klase pa po ako noong isinama niyo po ako. Tiyak hinahanap nako ni Titser Yssa.”
” Yssa?!” Nanlaki ang mga mata ni Leslie nang banggitin ni Viel ang pangalan ng titser nito.
” Opo.”
” Ah…alam mo ba ang tunay niyang pangalan?”
” Nakalimutan ko po,tita. Palagi kasing titser Yssa ang tawag ko sa kanya. Pero parang mahaba po yun. ”
Napaisip si Leslie. Posible kayang ang kaibigan niya at ang Yssa na tinutukoy ni Viel ay iisa. Yssabel kasi ang pangalan ng kaibigan niya at Yssa rin ang tawag niya dito.
” Viel,may narinig ka ba na tinatawag siyang Yssabel?”
” Mm…” Nag-isip naman ang bata kung narinig na nga ba nya na tinatawag ng Yssabel si Titser Yssa niya. ” Naalala ko po. Noong minsang may nagpunta na titser din sa room namin. Lalaki. Tinawag siyang ate Yssabel.”
Napabulong naman si Leslie. ” Kung ganoon ,ang titser ni Viel at si Yssabel ay iisa. At ang lalaking titser nito na tinawag siyang ate ay kapatid ni Yssabel” Sa isiping iyon,napangiti si Leslie. Makikita na rin niya si Yssabel. Ang totoo niyan. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil siya ang dahilan kung bakit nasawi ito sa pag ibig. Nabuntis at saka iniwan. Siya lang naman kasi ang nagpakilala kay Yssabel sa kuya niyang si Rodney. At hindi niya alam kung ano na ang nangyari buhat noong bigla itong naglaho.
” Tita…” Tawag ni Viel sa kanya nang mahalatang tila lumilipad ang isip niya.
” Ah. Ako na ang bahala sa titser mo. Ako na ang magpapaliwanag sa kanya.”
” Sige po.” Tugon ni Viel. ” Pero teka lang po tita. Nakakalakad na po ba kayo?”
Naalala nga pala ni Leslie. Hindi siya naka wheelchair ngayon. Nawala yata sa isip niya.
” Ah....


Oo! Nakakalakad nako. Huwag mong sabihin sa papa Rodney mo ha. Hindi kasi niya alam na magaling nako.”
” Pero,tita. Masama po ang magsinungaling.”
” Alam ko naman yon. Ginagawa ko lang naman ito kasi,si kuya Rodney kasi..yung papa mo…hindi kasi siya umuuwi sa amin. Nagpapadala lang siya ng pera para samin ni mama. Hindi uuwi kung wala saming nagkakasakit. Kaya si Mama,nalulungkot. Pati ako. Minsan lang kasi namin siya nakikita. May mga araw na hindi talaga. Kaya noong nagkasakit si mama. Palagi siyang umuuwi . Pero wala na si mama.Bumalik siya sa kanyang trabaho at hindi na naman umuuwi. Kaya noong naaksidente ako at pansamantalang hindi makalakad,palagi ko siyang tinatawagan at pinauuwi. Kinareer ko na lang ang pagiging hindi makalakad. Sa ganoong paraan,palagi ko siyang nakakasama kapag gusto ko. Dalawa na nga lang kami,magkalayo pa.”
Nakatuon naman ang mga mata ni Viel kay Leslie habang nagsasalita. .
” Ganoon po ba?”
” Oo. Kaya ikaw,dapat palagi mo siyang kasama. Malungkot kasi ang papa mo. Kaya abot abot ang saya ko noong malaman kong may bata siyang kasama.”
” Palagi ko naman po syang nakakasama,tita Leslie. Sila ng papa Larry ko?”
” Papa Larry?! Sino yon?!”
” Ang tunay kong papa.”
” Tunay na papa? Eh,diba ang kuya ko ang papa mo?”
” Hindi po. Pero papa na po ngayon ang turing ko sa kanya. Masaya kasi kapag maraming papa. Maraming nagtatanggol sakin.”
Si Leslie naman ang nagulat ngayon sa isinawalat na katotohanan ni Viel.
” Kaya pala,malamig ang pakikitungo niya sayo. ”
” Kinuha niya po kasi ako sa papa Larry ko. ”
” Kinuha? Anong ibig mong sabihin?” Tila may nais tumbukin si Viel sa kanya.
Pero papa na ang turing ni Viel ngayon kay Rodney kaya kinalimutan na niya ang pagkuha nito sa kanya mula sa papa Larry niya.
” Kalimutan na lang po natin yon,tita Lelsie. Ang mabuti pa,umuwi na po tayo sa bahay namin. Tapos na po kasi yong klase ko sa mga oras na ito. ”
” Si..sige…”
Naramdaman ni Leslie na parang may lihim sa kanyang kuya Rodney. Hindi naman niya makuha ang sagot kay Viel dahil sa tingin niya,ayaw sabihin ng huli.
Malalaman rin naman niya ito hindi magtatagal.
Nagpasya na lamang siyang iuwi na si Viel sa bahay nito. Alam rin nya kasi na nakagawa siya ng konting gulo. Isinama niya ang bata nang hindi man lang pinagpaaalan kay Yssa.
Tinatahak na nila ngayon ang daan patungo sa bahay nina Viel at Larry na kasama na si Rodney. Pero hindi pa nga sila nakakalapit ay may biglang lumitaw na itim na sasakyan sa harapan ng dalawa at sapilitan silang isinakay sa loob nito.
” Teka lang! Sandali! ” Sigaw ni Leslie.
” Tita!!!!”
” Sino kayo?” Tanong ni Leslie nang matagumpay silang naisakay sa kotse.
” Tumahimik ka na lang para hindi ka masaktan. ” Malakas na saad ng isang lalaki.
” Tita….” Takot na takot si Viel at napahawak sa braso ni Leslie.
” Huwag kang mag alala,Viel. Nandito lang ako.” Bulong niya sa bata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top