WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 51


David’s POV:
UMIINOM ako ng alak nang tawagan ko si Sandra.
Ito ang naisip kong paraan para magkaroon ng lakas at kapal ng mukha na humingi ng sorry sa kanya.
Aaminin kong mali nga na hinalikan ko siya, pero ginusto ko ‘yon eh.
Nakakatawa mang isipin pero yung mata niya, katulad na katulad sa mata ni Kate.
Hindi ko tuloy maiwasan na masaktan sa tuwing pinipilit kong buhay pa ang asawa ko.
Nababaliw na yata ako.
Kaya heto, nagawa kong ikumpara si Sandra sa babaeng minahal ko.
“Alam mo, naisip ko na sana ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.”, saad ko rito.
Tumatalab na siguro sa akin ang epekto ng alak kaya ganito ang lumalabas sa bibig ko.
“Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang impact mo sa akin Sandra. Kung ano ang naramdaman ko kay Kate noon, gano’n din ang naramdaman ko nung makita ko ang tulad mo.”, patuloy ko muli dahilan para mapaluha ako.
Bullshit!
Nagiging mahina ako sa tuwing si Kate ang binabanggit ko.
Hindi ko pa talaga kaya eh.
Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kate.
“Damn! Ang gago ko kasi! Napaka-gago ko, kaya nawala sa akin ang mag-ina ko. Wala akong mapagsabihan ng sama ng loob kaya pwede ko bang ilabas sayo ang nararamdaman ko, Sandra? Alam kong makulit akong tao, pero ang bigat na kasi. Hindi ko na kaya.”, turan ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Tuluyan na itong umagos pababa sa aking pisngi.
Hindi ko narinig na komontra si Sandra kaya sa tingin ko, okay lang sa kanya na magsabi ako.
Sana naman mapakinggan niya ang nangyari sa buhay ko para sa gano’n alam niya na mabuti akong tao.
Gusto kong ipaalam sa dalaga na hindi ako masama. Kasi kahit hindi niya sabihin, halata ko sa kinikilos at pananalita niya ang panghuhusga sa pagkatao ko.
“Namatay sila na wala akong nagawa. Namatay sila habang ako nasa ibang bansa at inaatupag ang kompanya. Tangina! Excited na excited ako na umuwi ng Pinas eh. Bumili pa nga ako ng pasalubong para sa anak ko at sa asawa ko, pero pag-uwi ko, wala na sila. Wala na yung nagpapasaya at bumubuo ng araw ko! Ikakasal na sana kami pero bumitaw siya, hindi man lang lumaban si Kate. Yung anak namin, nadamay sa pagkamatay niya. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng bata! Putangina! Ang malas kong tao! Pinagkaitan ako na makita sila kahit sa huling sandali!”, malutong na mura ko.
Nagawa kong basagin ang bote ng alak na hawak ko kaya nakagawa ito ng ingay.
I already ended the call dahil nakakahiya naman kay Sandra na ganito ako umasta.
Mukhang nasasayang ko ang oras niya.
At sa tingin ko naman, hindi siya nakikinig sa akin.
Kaya kumuha ulit ako ng alak sa ref at binuksan ito para inumin muli.
Ang hirap pala kapag pinipilit mo ang sarili na maging masaya kahit hindi naman talaga.
Para kang umaapak sa mga basag na bote...


dahil sa sakit na dulot nito.
“What the f*ck, David?!”, bigkas ni Katrina ng bumaba ito.
Nakita niya ang mga bubog sa sahig na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Ganito ako lagi tuwing gabi pero hindi pa rin siya nasasanay.
“David naman, hanggang kailan ka ba titigil sa pagiging ganyan?”, kalmadong sabi niya.
Panenermon? Tsk. Hindi ‘yan sa akin tatalab.
“Huwag mo akong pakialaman, Katrina. Asawa lang kita. Pero hindi mo kontrolado ang buhay ko.”, madiin na wika ko sa babae.
“Sinasaktan mo ako, David. Akala ko ba, handa kang kalimutan si Kate para sa future nating dalawa? David, wala na siya. At kahit anong gawin mo, hindi na siya babalik pa! Yung katawan niya, inuuod na sa sementeryo kasama ang anak niyo! Kaya gumising ka sa katotohanan na hindi na kayo pwede!”, sigaw ni Katrina.
Lumapit pa talaga siya sa akin para alugin ako at nang matauhan.
Pero malakas ko siyang tinulak dahilan para matumba ito.
Naging hudyat ‘yon para masugatan siya sa kamay dahil sa mga bubog.
“A-aray! D-david ang sakit.”, impit na saad niya.
Nanatiling malamig ang ekspresyon ng mukha ko na wala akong balak na tulungan siya.
Kung hindi niya ako nilapitan, edi sana hindi ko ‘yan magagawa.
“Bakit ka ba ganito sa akin, David? Bakit pakiramdam ko, tinutulak mo ako palayo? David, ako yung nandyan nung mga araw na wala si Kate. Nung mga araw na malungkot ka. Ako yung nandyan!”, she cried.
“Ano bang pinuputak ng bibig mo, Kat? Hindi kita pinilit na tulungan ako. Kusa kang lumapit na parang concern ka! Kaya ‘wag mo akong sumbatan ng mga ginawa mo, dahil hindi ko ‘yon hiniling sayo!”, pagalit kong bulyaw.
Muli kong binasag ang bote sa pader.
Ayokong mag-isip ng masama kay Katrina, but I feel something wrong about her.
Ayoko sanang isipin na wala siyang kinalaman sa nangyari sa pamilya ko, pero tangina, hindi ko maiwasan na mag-isip ng gano’n!
Imposible naman na mamatay sila ng sabay-sabay!
“HAHAHAHA! Ginawa ko na lahat-lahat, pero hindi pa pala ‘yon sapat!”, mapaklang tawa nito.
Agad akong nabigla at natigilan sa sunod nitong sinabi.
“Pinatay na nga namin yung bata, hindi mo pa rin ako mahal? F*ckyou!”, aniya ni Katrina.
“Anong sabi mo?”,
“W-wala. Just continue drinking.”, wika niya at pinahid ang luha sa pisngi.
Ininda nito ang sugat at tumayo para bumalik sa taas.
Pero malinaw ang pagkakarinig ko ng binitawan niya, kaya hindi ako magkakamali na may alam siya sa nangyari tungkol sa mag-ina ko.
“I heard that. Kahit lasing ako, nasa tamang pag-iisip pa ako. Bullsh*t! Binigyan mo pa talaga ako ng rason para hindi ka mahalin!”, turan ko sa babae.
“So what? Useless din naman. Nawala yung pagmamahal mo sa akin dahil sa pesteng Michael at Kate na ‘yan. Kaya dapat lang na mamatay sila! At least, fair ang laban diba?”, tugon niya at tuluyan ng umakyat.
WALA AKONG MASABI KUNDI PUTANGINA!
Putangina dahil pumayag pa akong pakasalan ang babaeng pumatay sa anak ko!
Putangina talaga!
END OF CHAPTER 51
ยฉBinibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top