TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 12


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 12
“Kainis! Bwisit!” pabulong pero umabot sa pandinig ko.
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong si Keith ang nagsalita. Nakayukyok ang ulo, hindi ko matanto kung saan at bakit siya naiinis… sa pagsagot doon sa binigay na takdang aralin o sa kanina pang katext niya?
This is the first time I saw her texting and doing her assignment at the same time, while on the other hand as I clearly remembered that’s her number one hate rule for her study time. Kesyo, abala lang daw ang dulot nito.
Well, I understand her remarked pero hindi ko lubos maisip sa nakikita ko ngayon sa kanya. Tila nagbago ang pananaw na ‘yon at hindi ko alam kung bakit, sino, o ano ang nagpabago noon sa kanya.
I shrugged my shoulder off, and slightly shaked my head.
Magkaharap kaming nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy, dito sa ilalim ng puno ng acacia… na siya rin nagsisilbing pantakip sa mahapding sinag ng araw. Nakalatag ang mga libro sa inuokupang mesa na gawa rin sa matibay na kahoy sa pagitan namin ni Keith.
Si Bana ay kinailangan pang iwan ang hindi pa sinisimulang aralin para bumili ng makakain sa canteen. Nagpabili na rin ako ng isang sandwich at tubig, baka sakaling magutom ako.
Parang sasabog ang ulo ko sa mga tanong na ibinigay kanina lang. Nandoon ang mga mata ko pero lumalakbay ang isip ko sa mga pwedeng mangyari sa susunod na araw.
Kinakain kami ng katahimikan habang nagsasagot sa aming kuwaderno nang may marinig na yapak ay umangat ang ulo ko.
Bana’s smiled wickedly at me then put down what’s she brought. I instantly kicked her legs under the wooden table. Pinandilatan ko siya ng tingin pero isang mapang-asar na ngiti ang sinukli niya.
“Candace, you don’t mind if Hiron sit beside you, right? Kasi,” pag-pa-paalam niya sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Hindi siya makaupo dahil naroon ang bag ko. Iyon na lang ang bakanteng mauupuan sa tabi ko.
Umusad ako hanggang sa lumapat ako sa braso ng pang-dalawang upuan, hinila ko ang bag ko para makaupo siya sa kaninang kinalalagyan no’n.
Tumikhim siya. Kumurba ang kaninang matuwid niyang katawan para makaupo nang tuluyan sa tabi ko.
“Nakita ko siyang mag-isa sa canteen. Kaya tinawag ko na siya dito.” Tuloy pa ni Bana kahit hindi ko naman hinihingi ang paliwanag niya.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ni Bana, hindi sa ayokong makasama si Hiron, ayoko lang talaga umasa pa siya sa’kin.
Hindi ko na lang siya pinansin pa’t ipinagpatuloy ang kaninang ginagawa. Mula sa gilid ng mata ay nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin si Hiron. Binalewala ko na lang, at muling ibinalik ang atensyon sa kanina pang sinasagotan.
“Pahiram ako ng book mo, Keith. Naiwan ko ‘yung akin, eh.” Si Bana.
“You should know how to bring things with you, Ba.” inayos niya ang salamin sa mata pagkatapos.
Umingos si Bana, “Oo na. Sa susunod.”
Patuloy lang ang usapan nilang dalawa. Hindi man lang kami sinasali sa usapan ni Hiron o kahit ako na lang sana.
Ilang tuyong dahon ang nalaglag nung magsalita muli si Bana. “Uy! Hiron, magsalita ka naman. Alam ko naman kanina mo pa gustong kausapin si Candace. Go on! Don’t mind us here.”
Pinukol ko ng masamang tingin si Bana kahit hindi sa’kin nakatingin. Sometimes her mouth is not in a safe place to talked….. Hindi pala minsan lang kundi always!
Bana’s body already full of her own blood in my beastly mind.
May marinig kaming tumatawag. Kay Hiron.
“What is it?” tanong niya sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya dahil sa kausap.
Mayamaya’y, “You’re a piece of shit! Lyk.” he expressly cursed, and ended the call.
“Sorry for that.” Tumingin siya sa amin isa-isa, then, his eyes stop to mine.
“I want to talk to you some other time. Kahit segundo lang, Candace. I’m okay with that.” saka siya ngumiti.
Bago siya tumayo, may inabot siya sa’kin punit na papel. Nag-aalinlangan pa akong abutin iyon.
Kalaunan, kinuha ko na lang ito para makaalis na siya ng tuluyan.
“Ano’ng nakasulat?” tanong nila agad nang hindi ko pa pinaghiwalay mula sa pagkakatiklop ang munting piraso ng papel.
“I know that moved, Bana. Bakit kailangan mo pa siyang yayain dito? Sa anong rason?” Magkasunod ang ibinatong tanong ko kay Bana. Inipit ko ang binigay ni Hiron sa aking libro.
Umarko ang kilay niya, “Totoo naman kasi nakita ko siya doon. Afterall, Hiron is part of our circle of friends. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ni ayaw mo siyang harapin man...


lang, kahit kaibigan sa kaibigan. Ipagpaliban mo muna ‘yung nararamdaman niya sa’yo.”
“Hindi ganoon kadali,” hindi madali…
“Hawak mo ang oras mo, take it slowly, Candace.” Si Keith.
I exhaled deeply.
Hindi ganoon kadali.
Iwasan. Iyon ang tamang paraan. Iiwasan ko si Hiron hanggang hindi pa lumalalim ang namumuong atraksyon niya sa akin.
Madali ang mang-iwas kesa sa paasahin ang taong hindi kailanman masuklian ng pagmamahal.
Yes, that’s the best way.
I can’t lend him my time.
I’m sorry, Hiron.
Half-day kami ngayong araw. Tinignan ko ang relong nakayapos sa pulso ko. Limang minuto na lang ang bibilangin, magpapatak na ang kamay ng orasan sa ala una. Nauna ng umuwi sila Bana at Keith. Pumunta muna ako sa library para isauli ang hiniram na libro noong lunes.
Bahagya pa akong nagulat pagkalabas. Tila lumabas ang kaluluwa ko at bumalik sa loob… at sumiksik sa mga libro doon.
“Are you going home?” tila nagbalik ang diwa ko pagkarinig sa boses niya.
“A-ahm. Oo.”
“Nagluto si Lola ng paborito mo. She asked me if you want to eat lunch with us.” The corner of his lips twitched. Samantalang hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para tumugon.
I nodded when I didn’t find any words. Gusto ko rin naman talaga. Ilang araw na noon huli akong pumunta sa kanila.
Hindi niya tinanggal ang titig sa’kin. Naiilang ako kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya.
Sumunod na lang ako sa kanya, at sinabayan sa paglalakad.
All eyes are on us, dahil ito ang unang magkasama kami ni Travis. Pati sa sarili’y hindi ko lubhang maamin na sa i-isang daan ang tinatahak namin pareho. Hindi ko alam na pwedeng humalo ang saya sa kabang nararamdaman ko.
Malinaw sa’kin kung paano ako tignan ng mga babaeng nakakasalubong. They didn’t even try to hide what’s written on their faces. Parang tinutusok ako sa mga paraan ng titig nila. Hindi ko na lang pinansin iyon at pinagpatuloy ang paglalakad.
“Mabuti naman pinagbigyan mo ako, Candace. Nagluto ako ng adobong manok. Halika!” sabay yakag sa’kin sa kusina. Nakasunod lang sa’min si Travis, may munting ngisi sa kanyang labi.
Tumawa ako sa nakabestidang matanda, at yinakap ko siya ng patagilid.
“Miss ko na kayo, Lola. Marami kasing ginagawa sa school kaya madalang nalang akong bumisita rito.” paliwanag ko para hindi na siya tuluyan magtampo.
“Alam ko naman e,” aniya. “O! Siya! Tara na’t baka lumamig pa ang kanin.”
Kaming tatlo lang ang nasa hapagkainan. Hinintay niya pa kami ni Travis para sabay-sabay na kaming kumain. Siguradong nasa school pa ang mag-asawang Gellego sa oras na ‘to.
“Candace.” he warned me using that deep tone.
“Ako na! Kaya ko ‘to!” Pilit ko kanina pa pagkatapos namin kumain.
I insisted to washed the dishes. No’ng una hindi pa ako pinayagan ng dalawa pero nagpumilit ako. Kalaunan, hindi ata kinaya ni Lola ang katigasan ng ulo ko kaya pinagbigyan niya rin ako sa huli. Pero humindi pa rin si Travis!
Kanina niya pa inaagaw sa’kin ang sponge na may bula ng sabon. Kinuha ko ito sa kanya, nagsalubong ang kilay niya.
Tinalikuran ko siya’t humarap sa lababo kung saan ang hindi pa naumpisahang sabonan na mga plato.
“Just let me do this. Marunong naman ako! Palagi akong tinuturuan ni Nay Melda sa mga gawaing bahay.”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga.
“Kung ganoon… tutulungan na lang kita,” biglang napalitan ang huni ng kanyang boses sa malumanay na paraan. Huli na para umiwas dahil naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.
He held my arms closed to his body, ang isang kamay niya’y lumampas sa baywang ko at nagpatuloy sa lababo. Wala akong mapulot ni isang salita. My heart beating loudly and crazily.
Hindi naman mabigat ang gawaing ito! Kayang-kaya hugasan ng isang tao lang!
“Ako ang magbabanlaw sa mga natapos mo na.” his voice was filled with amusement.
Nanatili pa rin siya sa likod ko, binigyan ko siya ng kunting espasyo para simulan ang pagbabanlaw.
He chuckled on my swift moved. Kinuha ko ang panghuling pinggan. Napatingin ako sa kanya habang nagsasabon.
Kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, tila pinipigilan ang mapangiti.
Humubog sa pagkaka-anggulo ang aking labi nang mapagtanto kong parehas pa namin suot ang aming uniporme. Nakabukas nga lang ang tatlong butones niya sa itaas, kita ang puting sando na nakapaloob.
Walang nagsasalita sa’min. Lagaslas ng tubig galing sa gripo ang tanging naririnig. Hanggang sa matapos kaming dalawa sa paghuhugas ng pinggan.
“Travis,” tawag ko.
“Hmm?” he turned his body ’till he blocked the view of their living room in my sight.
I met his very strong gazed.
“Kailan mo ako sasagutin?” I asked.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top