THE WILD SILENCE CHAPTER SEVENTEEN


Nakatanaw si Alexa nang building na mas mababa kaysa sa pinwestuhan nya kanina bago pasabugin ang isang chopper tsaka nya itinalon ang motor doon hanggang sa makababa sya sa highway kung saan naroon sila Jiro, kasabay na huminto ang Van na Drive ni Amoriz. “Isakay nyo na si Mister Vergara at dalhin sa Hospital! ” ani Alexa. Tumango si Kevin at Borex tsaka sumakay sa Van.
“Alexa.. “nakangiting saad ni Jiro.
“anong Ngitian yan! ” kunot noong tanong ni Alexa.
“sasama ko sa’yo. ” hindi pa nakakapagsalita si Alexa ay sumaklalang na ang binata sa likuran nya.
“Baliw kana ba! Sumama ka sa daddy mo! ”
“Ayaw ko! Sasama ko sa’yo wala kang kasama eh!” nakangusong saad pa nito.
‘haisst! ‘ ani Alexa sa Isip nya. Pero kaagad nyang natanaw ang panibagong Van na tingin nya ay tauhan na naman ng mga Silvannia, ” kumapit ka! ” ani Alexa, napilitan syang isabit ang mabigat na armas sa kanang balikat nya para hindi mahirapan si Jiro.
“Ganito ba? “yumakap ng mahigpit ang binata sa tyan ni Alexa.
‘tyak na tatamaan sya sa ganitong posisyon’ ani Alexa. “marunong kang mag Drive? “tanong nya kay Jiro.” hwag kang mag Alala dahil kusang nag ba-banking yan kaya hindi ka masesemplang- – -”
“Oo, marunong ako.” putol ni Jiro kaya’t, bumaba si Alexa para sya ang pumwesto sa likod ni Jiro.
Ikinawit nya ang isang braso nya sa tyan ni Jiro dahilan para makapa nya ang Anim na muscle ss tyan nito.
Pinaandar ni Jiro ang Motor habang ine-escort-an ang Van na sakay ng Ama.
Mula sa likod ni Alexa at binunot ng dalawang kamay nya ang dalawang Baril sa likod nya, pinadaan nya iyon ss, magkabilang binti nya para ikasa iyon, “Ibigay mo ang pinaka mabilis na pagmamanehong kaya mo. ” ani Alexa na sinunod naman ni Jiro.
Nasa limampung kilometro ang distansya nila sa sasakyan ng kalaban, “Amoriz! Susubukan naming iligaw ang kalaban humanap ka ng shortcut para hindi nila kayo masundan.” saad ni Alexa sa Earing device nya.
“Oo. “sagot ng kausap nya.
Ipinatong saglit ni Alexa ang baba nya sa balikat ni Jiro, magbabago ako ng pwesto dahil mahihirapan ako sa pag baril, ituloy mo lang ang pag d-drive mo.”
“S-sige. ” utal na saad ni Jiro dahil sa posisyon nila ni Alexa, sa katunayan ay kanina pa sya nakakaramdam ng kaba dahil sa palad ni Alexa na sumasayad sa Tyan nya.
Kumanan sila Amoriz,samantala nag, diretso naman sila Jiro, panata mg ang kalaban na nasundan nila ang matandang Vergara ngunit hindi nila alam na, naisahan sila, ni Alexa.
Kumabila ng pwesto si Alexa, ngayon ay, likod sa likod na ang pagkakadikit nila ni Jiro dahil humarap sya sa kalaban.
Natanaw nya na naglabas ng desabog ang isang lalake at nag uumpisa nang targetin sila. “Jiro bilisan mo pa! ” sigaw ni Alexa tsaka itinaas ang isang kamay nya na may hawak na baril.
Ipinikit nya ang isang mata nya tsaka sinipat ang Driver ng kalaban, dalawang beses nyang kinalabit ang gatilyo ng baril dahilan para huminto ang Van dahil Head Shot at Chest Shot ang tama nito mula kay Alexa...


matapos ay muli nyang sinuksok sa likuran nya ang dalawang baril at kinuha ang Rocket Launcher sa Balikat nya tsaka pinasabog ang Van na nakahinto.
*Boogsh!
“One down. “nakangising saad ni Alexa.
“ano.. Natamaan mo? ” ani Jiro kahit hindi inaalis sa daan ang paningin.
“Oo,, hindi ba’t umamin kana sakin. ” biro ng, dalaga..
“Anong umamin! Anong umamin! “murokolyong saad ni Jiro.
” yung kalaban yung sinasabi ko! ”
“Kailan ba naman ako nag mintis? Ultimo mo ngang ikaw na hindi ko naman binaril tinamaan sa’kin. ”
Napanguso ang binata at hindi na sumagot dahil alam nyang totoo naman ang sinabi ni Alexa.
*Bang! Bang!
“Hwag kang mag imahinasyon! Bumabagal ang pag mamaneho mo! ” inis na saad ni Alexa.
Napakunot ang dalaga dahil natitiyak nyang wala silang ligtas sa isang iyon dahil machine Gun ang nakatutok sa kanila ngayon, madaling nagpalit si Alexa ng posisyon.
Humarap sya ngayon kay Jiro at inagaw ang handle ng motor, hindi nya inalintana kung sumayad na ng husto ang dibdib nya sa likod nito dahil ang mas mahalaga sa kanya ay hwag masaktan ang lalakeng nasa Harap nya.
Piniga nya ng husto ang handle ng motor hanggang sa umabot iyong ng dalawang daan at walumpo na pagtakbo, nakatanaw si Alexa ng eskinita kaya’t pumasok sya doon.
“Kapag, nagkagalos ka ay tutuluyan talaga kita Vergara! Nahihirapan ako kapag kasama kita!” inis na saad nya, patuloy syang nag maneho hanggang sa matanaw nya ang sasakyan ng kalaban na nasa unahan na kaya’t muling bumalik si Alexa sa Highway. “bagalan mo ang pag drive kapag nakasakay na’ko sa Van nila. ”
“nababaliw kana ba? “kontra ni Jiro pero hindi sya pinakinggan ng dalaga, pinaharurot nito ang motor,hanggang sa nakalapit sa gilid ng Van ng kalaban tsaka sya wakang kagatol-gatol na tumalon patungo sa lalakeng nag ooperate ng Machine Gun.
Inikot ng lalake ang bunganga ng Machine para patamain kay Alexa pero nakailag sya nang yumuko sya kasabay nang pag bwelo ng paa nya palapit sa lalake para bigyan ito ng malakas na suntok sa Tyan, dumaing lang sandali ang lalake at mabilis din na nakarecover tsaka sinapak si Alexa pero hindi manlang nito napagalaw si Alexa sa halip ay tinaasan nya pa ng kilay ang lalake.
Ngumisi pa Si Alexa bago tadyakan ang Standing ng Machine Gun na pumalo sa binti ng lalake dhailan para mapaluhod ito, sumilip ang driver kasabay ng pagtutok nito ng baril kay Alexa mabuti na lamang at nasila iyob ni Alexa at tumalsik ang baril palayo, patuloy naman si Jiro sa pag sunod sa kanila kabado ma’y naroon parin ang ñag titiwala nya sa babaeng Espesyal para sa kanya.
Pwersahan ni Alexa’ng pinaghiwalay ang baril sa Standing nito tsaka ipinalo sa ulo ng lalake hanggang sa mawalan ito ng malay, binunot ni alexa ang baril nya sa likod tsaka humarap kay Jiro sinenyasan nya ito na bilisan damit ang kamay nya bago nya barilin ang magkabilaang braso ng driver ng Van kung saan sya naroon.
Bago pa man punreno ang Driver ng Van ay nakatalon na si Alexa sa motor tsaka iniwan ang sugatang driver dahil parating naman na ang mga pulis.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top