The Battered Wife CHAPTER 16


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( Franco – POV )
” Bella , magbihis ka muna at magpahinga kana bukas na tayo mag-usap.”
” Franco , galit ka ba sa akin ? ”
” Bakit naman ako magagalit kung alam ko naman na sa umpisa palang ay talo na ako.”
Medyo masama ang loob ko kay Bella dahil sa mga nakita ko ay basta nalang ako umalis sa kanyang harapan.
Kailangan ko munang palamigin ang ulo ko.
Kahit na basa pa rin ang mga damit ko ay hindi ko na yun inisip pa.
Umalis na agad ako sa aming bahay at nagmaneho patungo sa lugar kung saan matatahimik ako.
( SOMEONE’S POV )
” Anong balita kay Dominick ? ”
” Boss , nasa kanyang bahay na siya ngayon at nag-away din sila ng ina niya.Mukhang tuluyan mo ng nasira ang buhay ng lalaking iyon.”
” Talagang gagawin ko ang lahat para masira ang buhay niya lahat kase ng dapat sa akin ay inaagaw niya.”
” Boss , paano kung dumating agad yung panahon na malaman niya kung sino ka talaga ? ”
” Hindi ako natatakot sa kanya . Ipagpatuloy mo lang ang pagmamanman sa kanya ”
Tinapos ko na rin ang tawag.
At uminom na ako ng paborito kong alak.
Sabay sabi sa aking sarili na …
” Konti nalang mapapasakamay ko na ang lahat ng gusto ko.Magiging sa akin na rin ang lahat ng meron ka Dominick.”
Napapangiti tuloy ako kapag iniisip ko ang magiging itsura ni Dominick na nagmamakaawa sa akin na ibalik ko ang lahat ng pagmamay-ari niya.
( ZENY – POV )
” Mama kamusta ang baby ko ? ”
” Maayos lang ang anak mo . Zeny sabihin mo nga sa akin , totoo bang hindi si Dominick ang ama ng batang dinadala mo ? ”
” Mama , kanino mo naman yan nalaman ? ”
” Sagutin mo ang tinatanong ko sayo Zeny ! ”
Biglang pumasok sa hospital room ko si Papa.
” Oh mahal , anong nangyayari dito ? Bakit nagagalit ka na naman ? Zeny , anak kamusta ang pakiramdam mo ? ”
” Mama , papa , sorry kung hindi ko agad sinabi sa inyo ang katotohanan.Hindi si Dominick ang ama ng baby ko.Nabuntis lang ako ng kung sinong lalaki ”
” Anong sinasabi mo ? ! ”
Galit na tanong sa akin ni Papa.
Bigla namang umimik si mama.
” Nagkamali ako kay Elise.Napagsalitan ko siya ng masasakit na salita.Mahal , hanapin natin ang ating anak.Gusto kong humingi ng tawad sa kanya ”
”...


Zeny , talagang wala ka ng naidulot na maganda dito sa pamilyang ito ! ”
” Papa , dapat talaga ay sasabihin ko agad sa inyo pero hindi nyo ako binigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat.”
Hindi na sila nagsalita pa at umalis nalang sila.
Umiyak nalang ako ng umiyak.
Ito na ata ang kabayaran ko sa lahat ng ginawa kong pang-aagaw kay Dominick mula kay Ate Elise.
Kahit na hindi pa ako pwedeng umalis ng hospital ay nagpasya na akong hahanapin ko ang ama ng anak ko.
Kapag nagawa ko ang mga bagay na iyon , saka babalik ako sa harapan ng aking pamilya para ayusin ang lahat ng gulong ginawa ko.
Kinuha ko ang aking cellphone at gumawa ako ng mensahe para kay Dominick.
” Aalis na ako ng hospital ay hahanapin ko muna ang tatay ng anak ko.Hihiling lang sana ako na bantayan at alagaan mo si Ate Elise at pakisabing humihingi ako ng kapatawaran sa lahat ng nagawa ko.Sina mama at papa , bantayan mo rin.Salamat sa lahat ng panahon na nakasama kita at patawad kung ako ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay ni Ate.Minahal naman kita talaga Dominick pero sadyang huli ko na naintindihan na hindi tayo ang para sa isa’t – isa.Sana dumating din yung panahon na mapatawad ninyo akong lahat.”
Pinaki-usapan ko agad ang doctor na naka-assign sa akin.
Inasikaso agad nila ang lahat ng papeles ko dito sa hospital.
Nang tapos ko na ayusin ang lahat ay umalis agad ako.
Pinadaan ko muna ang taxi na sinasakyan ko sa bahay ng aking magulang.
Mula sa bintana ng aking sinasakyan ay tinatanaw ko ang aming tahanan.
” Mama at Papa , patawarin nyo ako. .. Manong tara na po sa airport. ”
( ELISE / BELLA – POV )
Kanina pa ako nakahiga dito sa kama pero hindi ko magawang makatulog.
Iniisip ko kase sina Franco at Sky
Pareho nilang ginugulo lalo ang isipan ko.
Kung puso ko ang tatanungin , si Sky ang pipiliin ko.
Pero isinisigaw naman ng isip ko , masasaktan ko si Franco.
Masyado akong naguguluhan sa mga nalaman ko ngayong araw.
Una , buntis si Zeny.
Pangalawa , nakatakdang ikasal sana sina Sky at ang kapatid ko.
Pangatlo , hinabol ako ni Sky at sinabing hindi siya ang ama.
Pang-apat , mahal daw ako ni Sky.
At ang huli , nakita ng dalawang mata ko na nasaktan ko ng lubos ang damdamin ni Franco.
Sinong pipiliin ko ?
Ang lalaking matagal ko ng mahal o ang lalaking walang ginawa kundi ang mahalin ako .
To Be Continued …






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top