10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒 Chapter 2


10 π–πˆπ’π‡π„π’ ππ„π…πŽπ‘π„ πˆπ“ 𝐄𝐍𝐃’𝐒
Chapter 2: I’m lost
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at isang hindi familiar na silid ang aking kinaroroonan. Isang malaking silid, kulay lavander at may halong puti. May tatlong pintuan. Hindi ko matukoy kung saan ang pinto palabas.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pintuang nasa kanang bahagi. Dahan dahan ko itong binuksan at hindi muna tuluyang lumabas. Mula sa hamba ng pintuan ay sinilip ko ang labas. At doon ko napagtanto na tama ang pinto na aking nabuksan. Linuluwagan ko ang pagka bukas at tuluyang lumabas, bumungad sa akin ang magarang hagdan wari’ng isang ginto na kumikinang. Sinuyod ko ang buong mansion puro mamahalin ang gamit na naroon. Halos lahat ay kulay ginto.
Subrang tahimik ng lugar, wala ni isang tao na aking nakita. Tinahak ko pababa ang hagdan at nang tuluyan na kong makababa ay bumungad sa akin ang dalawang naglalakihang upuan na wari’y ay pagmamay-ari ng isang prinsipe at reyna.
“Paano ako nakarating dito?” naguhuluhang tanong ko sa aking sarili. Ang natatandaan ko ay may pabagsak na malaking puno sa aking kinaroroonan. Ngunit paano at narito ako? Wala akong ideya.
Tinahak ko ang daan palabas sa mansion. Oo, mansion ito, subrang laki kahit mag tatrabaho ako buong buhay ay hindi magkakaroon ng ganito ka kalaki at kagandang bahay.
Napunta ako sa garden na puno ng magagandang bulaklak at may ibat ibang uri at kulay na nagsisiliparang mga paru-paro. Nilapitan ko ang bukod-tanging bulaklak at inamoy ang mahalimuyak na bango nito. Ang isang bahagi ng aking isipan ay nagsasabing pitasin ko ang bulaklak na iyon habang kabila ay nag sasabihing huwag.
“Gising Kana pala, mahal kong reyna.” salita ng kung sino sa aking likuran. Nilingon ko ito, ngunit wala akong nakita ni anino ng tao.
“Gutom lang yata ito...


kaya kung ano-ano nalamang ang aking naririnig.” Sabi ko sa aking sarili.
“Kumain ka, mahal kong reyna. Hindi gugustuhin ng prinsipe na ikaw ay magutom. Kahabilinbilin niya sa akin na ibigay ang lahat ng iyong gusto.” muling sabi nanaman ng nilalang.
“Sino ka? Bakit hindi kita makita?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi pa ito ang tamang oras para kami ay iyong masilayan, mahal na reyna. Gusto ng prinsipe na siya iyong unang masilayan dito sa kaharian .” Aniya
“Kaharian?” Naguguluhan kong tanong.
“Oo mahal na reyna , ikaw ay nasa kaharian at ikaw ang reyna sa kahariang ito.” Natatawang sabi ng lalaki.
“Teka lang, hindi kita maintindihan. Paano nangyari iyon? Wala namang kaharian dito sa Pilipinas. Gino- good time mo ba ako, ha?” naguhuluhang at naiinis kong tanong.
“Tanging ang prinsipe lamang ang makasagot sa iyong katanungan mahal na reyna. Siya lang ang may karapatan na e kuwento ang mga bagay na ito.” Seryusong saad ng lalaking boses.
“Kailan ba babalik ang iyong prinsipe, kung ganoon?” pagsabay ko sa kanyang kagaguhan. Sino bang maniniwala na bigla nlng magkaroon ng kaharian ang Pilipinas? Hangal lang ang maniniwala.
“Sa makalawa pa. O siya, ako ay aalis na, mahal kong reyna. Kung ikaw ay nagugutom pumunta kalang sa hapag at May nakahain na doon para sa iyo.” habilin ng lalaking tinig.
Tumunog na ang tiyan kaya napagdesisyunan kong bumalik na sa loob ng kaharian ayon sa lalaking nakausap ko. Sa aking paghakbang ay May nararamdaman akong kakaiba. Sinuyod ko ang aking sarili at doon ko napagtanto na hindi pangkaraniwan ang aking suot na damit. Isa itong gown na May maraming sequence. Kulay ginto at pilak. Hanggang talampakan ang haba nito na ang mukha ay parang pang prinsesa na damit. Ang aking buhok ay naka hairdo at aking leeg ay my kumikinang na kuwentas na hugis puso.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top