O N E L A S T C H A N C E CHAPTER 03


by:Kirsty๐Ÿ˜š
NANG makita ni Hyunji ang oras ay agad itong nag tungo sa elevator sa unang palapag ng building. Pinindot niya ang pang 13th floor dahil doon i daraos ang interview. Pag bukas na pagbukas ng elevator ay medjo nagulat itong nakita na madaming mag aaply bilang sekretarya. Napaupo naman siya sa may bakanteng upuan. Hinigpitan niya ang hawak sa folder niya na nakapatong sa hita niya. Hindi niya maiwasang mapatingin sa mga babaeng mag aaply. Puro babae talaga. May mga nag me-make up o nag reretouch siguro. Ang gagara ng mga bag nila at damit. Mukhang mamahalin. At mamahalin nga. Mahilig kase ang ina nitong bumili ng mamahaling gamit na siyang nakikita nito nung bata pa siya ngunit d niya nakahiligan. Napayuko siya at tumingin sa sarili. Walang siyang make up. Yung damit niya ay di maipag kakailang mamahalin din ngunit wala sa kalahati ng mga nakikita niya. Yung shoulder bag niya ay galing pang ukay ukay at naka rubber shoes ito. Napasulyap siya sa katabi. Naka high heels ito...


naka spaghetti strap dress ito na hanggang tuhod kulay Navy blue ito at maganda siya na naka makeup. Mukhang talo agad ako ah. ‘No Jiji! You can do this’ bulong nito sa sarili.
“Bakit nga bah nag hahanap pa ng secretary ang boss dito eh dba lalaki yung secretary niya ngayon.?” nabaling ang pandinig niya sa dalawang babae na naupo sa tabi niya. “Eh kase nga daw d niya naman official na secretary si Hoddie. Kundi body guard at assistant niya lang eto at ang alam ko ay di na kinakaya ni Hoddie ang trabaho mag isa kaya nag pa apply sila.” sagot ng kanyang kasama. Hindi na nito nagawang makinig pa dahil sa nerbyos nang tumayo na ang nasa tabi nito. Siya na ang sunod.
Pagkatapos ng medyo kaunting paghihintay. Narinig niyang bumukas ang pinto ng office. Napatingala siya at medyo nagulat ng makitang naka simagot ang babae at padabog na umalis. ‘Di siya natanggap?’ tanong nito sa isipan. “Ms. Hyunji Guillen” medyo sigaw ng lalaki na malapit sa pinto.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top