(Tanya POV)
[TV- Asawa ng isang Professional Business man ang kasalukuyang pinaghahahanap ngayun dahil sa pagnanakaw ng milyong milyong arian nito at pagkatapos ay tumakas. Ang nasabing asawa na nagngangalang Tanya ay napag alamang hindi residente ng Valencia City, at inaalam pa kung nakalabas na ito ng syudad. ]
+ napatulala na lang ako sa lahat ng narinig ko sa TV.
Syto- bat ngayun ko lang nalaman to? Bat di mo sinabi sakin? Kelan ka pa naging asawa ni Chris?
Nathan- Hindi totoo lahat yan. Ginamit lang nya si Tanya para pamanahan sya, kaya pineke nya ang dokumento ng kasal.
Syto- Tanya bat ka pumayag!!?
Nathan- anong gusto mong gawin nya? Kung hindi nya ginawa yun, hindi mo na sana sya nakikita ngayun.
Syto- hindi na pwede to. Tanya ibabalik na kita sa Manila, simula ngayun ako na ang aayos ng lahat ng to. Mas mapapanatag pako kung malayo ka dito.
Tanya- sa tingin mo papayag ako? At isa pa, nakita na ng buong bayan yung itsura ko, tingin mo matatakasan ko pa to? Hindi! Haharapin ko sya.
Syto- nadamay ka lang Tanya! Problema namin to ni Chris!!
Tanya- ikaw na nagsabi! Damay nako. Problema ko narin to.
+ tumalikod na lang sya. Hindi ko alam kung anong gagawin pero gusto ko na tong tapusin.
Nathan- Tanya, alam kong nahihirapan ka pero wag ka mag alala gagawin natin lahat para maging okay na to.
+ mga ilang minuto pa ay nagpaalam nako na mag papahinga, kaylangan kong umisip ng paraan para maayos to, pero pano?
(Chris POV)
Lucas- you really impressed me huh.
Chris- Diba sabi ko naman sayo, basta pakikinabangan ko, gagawin ko ang lahat para makuha yun. Wag ka mag alala, oras na oras na makita ko yan si Tanya, pwedeng pwede mo na syang kunin pag nakuha ko na ang gusto ko.
Lucas- aasahan ko yan. By the way about dun sa kanang kamay mo. Is that Nathan?
Chris- oh?
Lucas- I think he knows something.
Chris- alam ko.
Lucas- what do you mean.
Chris- baka nakakalimutan mong si Chris ako. Sinusubukan ko lang kung hanggang kelan nya mapaninindigan yang ginagawa nya, pero oras na makuha ko si Tanya, tapos narin ang buhay nya.
Lucas- pinapakaba moko. I dont agree sa paraan mo, but I like the outcome, so it doesn’t matter.
Chris- want some drinks?
Lucas- lets go.
+ lumabas na muna kami ng office to grab some beer, ng may makasalubong kaming hindi ko inaasahan.
Tanya- Chris!!!
+ tingnan mo nga naman.
Chris- TV lang pala ang katapat mo.
Tanya- mag usap tayo.
Chris- masyadong mahal ang oras ko. Pero dahil malaki ang significance mo, bakit hindi. Sinadya mo pa nga ako.
Lucas- I think I need to go. I’ll be just right at the bar.
+ pag siniswerte ka nga naman. Niyakag ko sya sa office ko at sumunod naman sya.
Chris- hindi ko alam kung anong nagpalakas ng loob mo para puntahan ako. O baka dahil sikat ka na.
Tanya- alsin mo lahat yun.
Chris- pede naman, pero anong kapalit?
Tanya- babalik ako sa pagiging pekeng asawa mo.
Chris- sarap naman sa tenga nun. Pero dahil pinahirapan mo pako, kulang pa sakin yun eh. Alam mo namang malawak ang radar ko. Napag alaman kong malapit talaga kayo ni Nathan no? Hay hindi ko akalaing sya pa ang gagawa sakin nito.
+ halata sa kanyang nagulat sya.
Chris- at hindi lang yun. Ikamusta mo naman ako kay Syto.
+ napaatras sya, matapos kong sabihin yun.
Tanya- ako na lang ang singilin mo. Ako lang naman ang kaylangan mo diba? Wag mo na silang idamay.
Chris- okay okay hindi na kita papatulan. Ganto na lang. Bibigyan kita ng dalawang araw para muling magpaalam sa mahal mong si Syto. At pagkatapos nun, Pag bumalik ka, itetakedown ko lahat ng balita tungkol sayo, pero kapag bumalik ka kasama ang syto mo, alam mo na ang mangayayare.
+ tanging buntong hininga na lang ang nakita ko sa kanya.
Tanya- dalawang araw.
Chris- yeah
+ tumungo na lang sya, hay naku Tanya, kung hindi ka lang sana sumabit sa buhay ng Syto mo, tahimik sana buhay mo ngayun. Tumalikod sya at naglakad na palayo.
(Syto POV)
Nagising kami dahil dumating si Jim kaya lumabas muna ako sa kwarto. Ganun din si Nathan.
Jim- o naistorbo ko ba kayo? Pasensya na inabot ng madaling araw, hindi ko naman akalaing ang layo pala ng sinasabi ni manang.
+ tumango na lang ako at babalik na sana sa kwarto.
Jim- o Nathan, akala ko wala ka ih, wala kasi kotse mo sa labas.
Nathan- ha?
+ napatingin ako agad sa kanila, at dali daling umakyat sa kwarto ni Tanya at pagbukas ko nun, wala sya sa loob.
Jim- bakit? Asan si Tanya?
+ sh*t!! Kinuha ko agad ng susi ko at lumabas.
Jim- Syto?!
Nathan- akina susi mo.
Jim- teka sasama ako
+ sumakay ako agad sa kotse para hanapin si Tanya, si Nathan at Jim naman eh nasa kotse ni Jim. Sinabihan ko silang sa kabilang daan dumaan, ako ang sa highway.
Kinakabahan ako, ayoko ng pakiramdam nato.
(Nathan POV)
+ sabi ko na nga ba at gagawin nya na naman to.
Jim- sandali, ang ibig sabihin mo, pwedeng ginamit ni Tanya ang kotse mo para puntahan si Chris?!!
Nathan- tumahimik ka na lang at ilibot mo yang mata mo!
+ kung hindi ko na lang sana sya pinapili noon, wala kami sa ganitong sitwasyon...