bahay ni lola part 1


part 1
bahay ni lola
I hate being poor! Ngayun,parang sinampal ang katotohanang wala kaming pera, Wala kaming sariling bahay.Nangungupahan lang kami. At ngayon ay aalis na.Nag arkila sina mama at papa ng elf truck para magdala ng gamit namin sa bahay (na di na namin bahay ngayun). Dala ko ang loptop at ibang gamit ko sa packbag ko at sumakay na kami ni maggie at mama sa bus (sumama si papa sa elf).
Siyam na oras na byahe patungo Alegria. Tatlong beses kaming magpapalit ng bus bago makarating doon. tatlong beses lang din kaming nakapunta ni maggie doon. huling punta namin nubg grade six palang ako kaya di ko na matandaan kung anong meron doon. Ang alam ko, nandun ang bahay ng lola at lolo ko. si Auntie precy lang ang nakatira doon, ang tanging kapatid ni papa. Wala siyang anak (di nakapag-asawa).
“ok ka lang ba?” tanong ko kay maggie na ate ko.
kanina pa siya iyak ng iyak habang nakadungaw sa bintana ng bus, Tatlong oras siyang ganito.
Lumingon ako kay mama bago magsalita (tulog si mama kaya ok lang).
“hayaan mo nalang si james, Mauunawaan niya rin yun.” sabi ko.
Si james ang boyfriend ni Maggie. limang buwan pa lang sila at patay na patay si guy sa kanya. I must say, patay na patay talaga! hatid-sundo si maggie sa university na pinapasukan niya at minsan pumupuntang bahay para magdala ng pagkain. Dalawang beses yun binasted ni maggie dahil ayaw niya sa mga gwapo at mayayaman, pero pursigido talaga si james. Naku! kung si Callix ang inayawan mo, siguradong masisira yung buhay mo.
“kainis! ang hirap natin!” Sabi niya halos pabulong.
“pwede naman tayong lumipat sa mas murang bahay, yung 3 thousand a month, naghanap talaga kami ni james…”Sabi niya.
kahit na balisa si maggie,di niya kayang sabihin yun sa parents ko dahil ayaw niyang masaktan ang mga ito.
“sabi ni james sakin bibisitahin niya raw ako next week. Di ako pumayag! baka gamitin niya sasakyan niya, 9 hours! imagine?! baka ang ano pang mangyari sa kanya sa kalagitnaan ng byahe.” Aniya.
“Magg…Sabihin mo na lang sa kanya na mag bus siya para di kana balisa diyan.”
Pagkalipas ng siyam na oras, nakarating na kami sa Aliegra.
the hilllllls are alive with the sound of musiiiic!Grrrr!
kainis!parang gusto ko nalang tumakbo at mag pagulong gulong sa mga bundok na nakikita ko.
puro green at walang kahit isang building. May makikita kang bahay pero halos nipa naman!
Pero loko lang, may ‘bayan’ Ni lola. pagkarating. namin sa sentro Alegria, nakita ko na ang iba’t-ibang lumang bahay,simbahan,playground o parke ( na may nagdi-date), mga bahay na mukhang may kaya sa buhay ang may-ari, at ang bahay ni lola.
“adele!pasok kayo!”Sabi ni Auntie precy kay mama habang tinuturo si papa sa loob.
unang nakarating sina papa. Syempre dahil walang stop over yung inarkilang elf. Nakalatag na ang mga box na may nakalagay na mga pangalan namin. si maggie hayun at nagmano at excited din palang pumasok ng bahay. Parang di umiiyak kanina ah?
“Nako! ang laki-laki na nina margaret at roseanne”Niyakap ako ni Auntie precy.
Tinanggal ko ang earphones ko at agad tinignan ang blackberry kong cellphone.Salamat Auntie Precy at di mo na mispronounce ang pangalan ko. mas gusto kong tinatawag na ‘Rosie’,yung Roseanne kasi maraming nagkakamali sa pagbabangit. Minsan Rose-Anne,minsan Roseen, minsan Rosyan,ang totoo Ro-shan! Napabuntong-hininga ako.
ABA!may signal dito! Di naman pala kami malayo sa sibilisasyon!!! ayub si Maggie at nakita akong tumitingin sa cellphone kaya hinablot narin ang cellphone niya at agad tinawagan...


si james.
“Roseanne…Margaret! likayo tulungan niyo ako sa kusin!” Sabi ni Auntie Precy.
Ang bahay ni lola ay may iilang cobwebs. niepair ito ni Auntie precy nung grades six ako
nasamento ang haligi sa baba, pero yung nasa taas, kahoy parin. Yung bintana,French windows old version.Maliliit lang ang palamuti kahit malaki talag ang BAHAY NI LOLA.isang cabinet lang na may mga libro,Sofa at table,TV,Frame na may picture ni lola at lolo,yun na yun.
Ang kusina naman, may sink,aparador at ref na luma.
“May kuryente pala dito!”Sabi ko pagpasok ng kusina.
Ngiting-ngiti na si Maggie “Lam mo sis?Pupunta siya dito!Mag bu-bus daw. Sabi ko after 2 week na. Bigyan niya ako ng time para makapag-explain kay mama at papa na may boyfriend na ako.”
Ngumisi ako pero di niya nakita kasi nakatoon na ang pansin niya sa nilulutong manok ni Auntie precy.
Saya ng lovelife nito samantalang ako? Jusko lord buti at nandito ako sa the-hills-are-alive!
“share kayo ng kwarto ni Maggie,Rosie.”Sabi ni mama .”kung gusto mong magbihis,punta ka na lang dun.” sabay turo niya sa taas.
WALA BANG MULTO DITO? parang takot eh!
“Wag mong nang tulungin si Rosie diyan, prec. Disaster, Muntik niyang masunog yung bahay noong nakaraang pasko nung nag attempt siyang mag bake ng cake,nako!”
Umiling nalang ako at pumuntang kwarto. Nandun si papa sa kabilang kwarto kaya ok lang, walang multo!
May double deck bed sa kwarto at nadoon narin ang study table at mga cabinet namin ni maggie. Umupo ako sa bottom-bunk at tumingin sa malaking bintana at tinitigan ang labas.
papalabog na ang araw, I can’t believe i’m in this place! Parang kailanlang buildings ng maynila,
Traffic,facebook,Twitter,tumblr ang inaatupag ko ngayun,parang gusto kong itapon ang loptop ko. No use here…. Tsk tsk tsk.
Mabuti narin ito.Malayo kay Callix. Isang buwan na Pasukan na ulit 6th year na ako, tingin niyo marerealize niyang nawawala ako? Wala akong kaibigan kaya wala akong napagsabihan.Si maggie naman at James lang yata ang sinabihan ko. kawawang Maggie, natigil tuloy sa pagko-kolehiyo dahil sa the-hills-are-alive. adventure namin. makakabalik pa kaya kaming maynila? Hay nako.
The most important question is…may paaralan kaya dito? mababang Paaralan ng Alegria?LoL!
Ugh its really Frustrating. yung mga dala ko shorts,Dress,at iba pang kay gandang damin na pinag-ipunan yun pala, dito ko lang pala sa Alegria masasalida.Nakakabanas! Sisikat siguro ako dahil sa blackberry at loptop ko ano?
Umiling ako sa sarili ko.
“its not bad”Biglang sabi nu Maggie pagpasok ng kwarto namin.”Ang tanging bad thing lang sa nangyari ngayun ay magkalayo kami ni James. Yun lang. As for you,Mabuti na nagkalayo kayo ni Callix kasi freak siya…. kalimutan mo nayun-”
“Paano ko makakalimutan yun eh lagi mong binabanggit.”Sabi ko at umirap.”And that’s the first good thing you ever told me.lagi ka lang,”baka may reasons siyang iniwan ka niya.’baka bitter siya dahil mahal ka pa niya’…Umiling ulit ako.
Sa sobrang bait ni Maggie, lahat ng tao tingin niya’y mababait. Di niya alam na may iba diyan, mapagkunwari at manggagamit.
niyakap niya ako
“kaya natin ‘to sis…Mag-aaral ka na sa new school mo! excited ako para sayo!”Malaki ang pagsisi niya ng makita niya ako magkasalubong ang kilay.”Cheer up!”.
“May private school ba dito?” Tanong ko.
“Silliy girl! Di ito maynila.Walang private school dito,pero ayaw mo nun,May experience kang public school.” kumindat siya.
Ngayung nandito na ako,Narealize kong di naman talaga ako zero sa kaibigan. May ibang nakikipag-usap at nakikipagbiruan ko sa school pero wala talagang friend cirlce na laging Kasama.Hay i’m think i’m depresed.May wifi ba dito? Wala naman akong kaibigan sa maynila pero seriously May wifi ba?…..Grrrr…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top