My imperfect lover


My imperfect lover
Author:MJ
Two thousand two…
Bigay todo sa pagtugtog ang bandang son goku sa stage ng red lights bar.Sinumang makakita sa babaeng bokalista niyon na si Sussanah ay hindi magtataka kung bakit ganoon ang pangalan ng banda .Para kasi siyang bida sa anime na Dragon ball z. Tangerine. ang kulay ng jacket niya na ipinatong niya sa dark blue tank top niya . Tinernuhan niya iyon ng tangerine ding miniskirt at high helled boots.Iyon ang bersiyon niya ng orange ang blue fighting uniform ni goku.
Ginaya niya maging ang istilo ng buhok ni goku.Super Saiyanna ,kulay mais,at tirik na tirik .Hindi na siya magugulat kung bigla siyang habulin ni majin buu sa hitsura nya.Hindi sa pagmamayabang pero kahit mukha siyang anime ay. humahanga pa rin sa boses niya ang mga parokyano ng bar;at marahil pati sa hitsura niya.
Marami ang nagsasabing kahawig niya ang Hollyeood actress na si keira knightley.Napapayungan...


ng mahahabang pilik ang itim na itim at mga bilugang mata niya.Natural na mapupula ang pisngi niya.Mahilig kasi siyang mamapak ng kamatis nung bata pa sya.Perpekto raw ang hugis ng mga labi niya .Hugis puso iyon at mapupula kahit walang lipstick.Thankyou Araneta!sigaw niya samikropono pagkatapos niyang umawit.
Pasensya na ho.Nakalimutan kasi namin siyang turukan ng gamot kaya naghuhucinate na naman,biro ng lead guitarist nilang si tonton .Iiling·iling pa ito.
Yumukod siya at nag-flying kiss sa mga tumatawang audience .Libre ang mangarap ,no.Walang e-vat !Tumingin sya malapit sa pinto ng bar kung saan nakaupo ang fraternal twin niya na si Sebastian .May special guest nga po pala tayo ngayong gabi.Please welcome my twin bro Sebastian Romero ! anunsiyo niya sa presensiya nito lang sila nagakaroon ng gig sa bar na iyon kaya unang beses pa lang nitong nakarating doon .Pero sa ibang bar na tinutugtugan nila ay kilala na ito dahil ito ang dating drumer ng grupo.





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top