*2U* Chapter 20


(Nathan POV)
+ alas 7 na ng makabalik ako sa bahay, pagpasok ko sinalubong agad ako ni Tanya.
Tanya- Nathan!
Nathan- anong problema?
Tanya- aa tingin ko nandito si Syto.
Nathan- ha?
Teresita- kanina pa nya binabanggit yang Syto na yan, may costumer kasi kanina sa shop, sabi nya kilala nya ang boses.
Nathan- sandali! Lumabas ka?
Teresita- pasensya ka na, nagmamaka awa kasi sakin na isama ko.
Nathan- ano ka ba?! pano kung may maka kilala sayo?!!!
Tanya- Nathan, narinig mo ba sinabi ko? Hindi ako pwedeng mag kamali, boses ni Syto ang narinig ko!
Nathan- Tanya, pano naman makakarating si Syto dito? Tumigil ka na nga!!!
Tanya- hindi ako pwedeng—
Nathan- O TAPOS?
+ natahimik sya at nagulat.
Nathan- ANONG GUSTO MONG SABIHIN NGAYUN?! SIGE NGA, SABIHIN NA NATING NANDITO SYA? ANONG GAGAWIN MO? SASAMA KA NA SA KANYA? HINDI BA KAYA NANDITO KA PARA DIN SA KANYA.
Tanya- Nathan!!!
Nathan- TINGIN MO BA PAG NAKITA KA NA NYA NGAYUN, BASTA KA NA LANG NYA KUKUNIN AT BABALIK SA MANILA??
+ hindi sya makaimik.
Nathan- Hindi Tanya! hahanapin parin nya si Chris, para mag higanti. at ayokong madamay ka na naman sa ganun. Ako mismo ang magbabalik sayo sa kung saan ka naroon dati.
+ tumungo na lang sya.
Nathan- Tanya please, alam kong mahal mo sya, pero wag ngayun, delikado pa para magkita kayo. makinig ka naman sakin.
+ tumango na lang sya at tumingin sakin. Hinila ko naman sya at niyakap.
Nathan- at isa pa, wag ka ng lalabas uli.
+ wala na kong narinig na kahit ano sa kanya kaya di ko na lang din pinansin. ng magpa alam na syang matutulog lumapit sya sakin.
Tanya- uhmm, sorry.
+ nakatingin lang ako sa kanya.
Tanya- wag ka mag alala di nako lalabas, atsaka siguro nagkamali lang ako ng dinig dahil narin siguro, naiisip ko sya. Sorry talaga.
Nathan- naiintindihan ko. Wag mo na isipin, magpahinga ka na.
+ tumango na lang uli sya at umakyat sa taas. Ako naman ay nagpahinga narin. Kinabukasan tulog pa si Tanya ng umalis ako pa Valencia, sa totoo lang wala ako sa sarili, naiisip ko kung ano bang dapat gawin, pano kung tama si Tanya, na nandito si Syto? Tama ba ko ng desisyon?
Pagdating ko sa Bar, kasabayan ko lang na dumating si Lucas, ni hindi nyako pinansin, sumunod lang ako hanggang opisina ni Chris.
Lucas- Wala ka parin bang balita?
Chris- wag kang mainip, sigurado akong di makaka layo yun.
Lucas- siguraduhin mo, pag ako unang naka hanap sa kanya, wala kang share na makukuha sakin, tulad ng usapan natin.
Chris- oo naman. Nathan!
+ humarap ako sa kanya.
Chris- naghahanap ka ba talaga?
Nathan- pasensya na hanggang ngayun wala parin akong balita.
Chris- ayusin mo! Ikaw lang ang lagi nong kasama, imposibleng wala kang alam kung san pwedeng magtago yun.
Nathan- pasensya na pero sa ngayun, hindi ko talaga alam.
Chris- dont worry Lucas, makikita rin natin yun!
+tahimik lang akong nakikiramdam sa kanila. Maya maya nagyakag umalis si Chris at may mahalaga raw syang lakad kaya hinatid ko sila sa labas. Mabuti na nga at maaga rin akong makakauwe. Pag alis nila bumalik nako sa kotse para bumili ng cake, no, walang may birthday pero gusto ko lang mapangiti si Tanya, alam ko kasing marami syang inisip lalo na kagabi. Kaya dumaan ako Red Ribbon at namili ng cake, di ko alam kung anong fav nya pero sino ba namang may ayaw sa chocolate. Pagkatapos ay dumaan naman ako sa Botique para bilhan sya ng mga damit. Pagkatapos kong bumili ay bumalik nako sa kotse, paaandarin ko na sana ng may bigla na lang tumutok sa leeg ko na balisong mula sa likod.
Syto- dalhin moko sa tagong lugar. Ngayun na!
+ nakita ko agad sa side mirror na si Syto nga. Tama nga si Tanya.
Nathan- ano sa tingin mong ginagawa mo?
Syto- gusto mo bang leegan muna kita bago mo sundin ang sinabi ko?
+ kakaiba talaga ang taong pano sya nakapasok ng ganun ganun na lang sa kotse ko, at tulad nga ng sabi nya, pinaandar ko na ang kotse at naghanap ng tagong lugar ng makakita ako ng isang construction site pumarada ako sa likod.
Syto- Baba!!
+ napabuntong hininga na lang ako at bumaba. Sumunod naman sya agad at kinwelyuhan ako.
Syto- hayop ka! Sinasabi ko na nga ba hindi ka mapagkakatiwalaan.
Nathan- ano bang kaylangan mo?
Syto- alam mo kung ano ang kaylangan ko, nasan si Tanya?
+ bumungisngis ako na lalong ikinainis nya
Syto- muka bakong nakikipag lokohan.
Nathan- wala sakin si Tanya.
+ bigla nyakong sinapok. At hinila ako papuntang kotse at kinuha ang paper bag na may lamang mga damit na ibibigay ko sana kay Tanya
Syto- sinungaling! Eh sinong magsusuot nito?
+ tsk!!
Syto- wag ka nang lumusot. NASAN SYA?!!!!!
Nathan- hindi ko sya ibibigay sayo.
+ inihampas nyako sa kotse sabay sinapok tapos kinweyuhan nyako uli.
Syto- dumating nako dito, sa paghahangad na makita si Tanya at mapatay kang hayop ka, kasama ng walang hiyang Chris na yun!!!
Nathan- tulad ng ginawa mo sa tatay natin?
+ napatigil sya. Bumitaw at napa atras.
Syto- anong pinagsasasabi mo?
Nathan- hindi nako umaasang makilala moko pero kung ma aalala mo, ako ang kapatid mo sa ama na napariwara dahil pinatay mo si tatay.
+ halata sa muka nya ang pagtataka. Nakatitig lang sya sakin habang hawak parinng kwelyo ko. Ganun din ako sa kanya, nakiramdam lang ako sa kung anong irereact nya.
Syto- Tantan?
(Tanya POV)
+ nandito lang ko sa bahay at naglilinis linis, pagkatapos ay tumulong kay Manang sa pag luluto, nag gagayat ako ng carrots ng mahiwa ako bigla, hindi naman malalim pero sapat para dumugo.
Teresita- ano ka bang bata ka, sabi sayo ako na lang dito eh. Halika nga.
Tanya- manang, napaka liit naman nito, okay lang.
Teresita- lalagyan ko na lang muna ng band aid. Saglit lang kukunin ko sa taas.
+ hayyy, si Manang talaga. Habang naghihintay may kumatok sa pinto kaya nagulat ako. Imposibleng si Nathan yun dahil masyado pang maaga para umuwi sya, hindi ko muna binuksan at nakiramdam lang habang palapit ako sa pinto. Muli itong kumatok.
Tanya- sino yan?
Nathan- Si Nathan to.
+ nakahinga ako ng maluwag kaya binuksan ko agad ang pinto.
Tanya- ano ka ba diba may susi ka naman—–
+ napatigil ako ng iba ang nasa harap ko at si Nathan ay nasa bandang likod nito. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
Syto- Tanya.
+ grabe wala akong masabi na kahit ano, hanggang sa tumulo na lang ang luha ko ng di ko namamalayan. At mabilis ko syang niyakap ng mahigpit na parang ayaw na ayaw ko ng bumitaw. Ganun din sya sakin.
Syto- Sorry ngayun lang. Sorry Tanya.
+ umiling iling na lang ako habang yakap sya. Maya maya bumitaw nako.
Tanya- pano? Pano mo nalamang nandito ako?
Syto- nalaman ko kasing isa sya sa kumuha sayo kaya pina trace ko, at hindi nga ko nagkamali, nandito ka.
Jim- Tanya?
+ nagulat ako sa dumating. Si Jim pala.


/> Tanya- Jim!!!
+ mabilis din nyakong niyakap.
Tanya- nandito ka din?
Jim- ang payat mo na lalo!!!
Nathan- pumasok na muna tayo, mahirap na baka may makakita pa sa inyo
+ pumasok kaming lahat.
Teresita- sandali at kukunan ko kayo ng makakain.
Syto- Tanya, sumama ka na sakin babalik na tayo
Jim- Miss na miss ka na namin lalo na ni Ken.
Nathan- hindi pwede.
Jim- pwede ba, wag kang mag marunong. Diba kasama ka ni chris!!
+ napansin ko namang hinawakan sya ni syto.
Tanya- Jim, si Nathan at Syto. Magkapatid.
+ syempre nabigla si Jim.
Jim- ha?
Teresita- ahhh, sya na ba yung sinasabi mo Nathan?
Tanya- naiikekwento nya si Syto sayo Manang?
Teresita- oo naman.
+ tumingin ako kay Nathan pero tahimik lang sya.
Jim- teka, pano nangyari yon?
Nathan- hindi na mahalaga yun. Hindi ako papayag na isama nyo si Tanya.
Syto- naririnig mo ba ang sinasabi mo?
Nathan- hindi ko hahayaan na mapahamak sya ulit.
Syto- tingin mo pababayaan ko sya!!
Nathan- baka nakakalimutan mo na kaya nandito si Tanya eh dahil sayo!
+ lalapit sana si Syto pero pinigilan ko.
Tanya- Tama na!
+ kaya huminahon sila
Tanya- tama si Nathan.
Syto- Tanya!!
Tanya- hindi pako pwedeng sumama sa inyo.
Jim- bakit?
Tanya- alam kong galit na galit si Chris nung tumakas ako, ako ang hinahanap nila ngayun, kaya hanggat maaari hindi tayo pwedeng magsama, dahil madadamay ka lang, pag nalaman nilang nandito ka mas lalo lang silang magpupursigeng mahanap tayo.
Syto- ako ang nagsimula nito, ako rin ang tatapos.
Tanya- wala kang kasalanan. Likas ng masamang tao si Chris. Hanggat hindi sya bumabagsak, hindi pako pwedeng bumalik dahil lahat ng mahahalagang tao sakin nasa manila.
+ tahimik lang si Syto, tumalikod sya at napahawak sa ulo alam kong naiintindihan nya. Nakatingin lang ako sa kanya, humarap uli sya, hinawakan nya ang kamay ko na may sugat.
Syto- diba sabi ko sayo dati wag ka magpapabaya sa sarili?
+ may kinuha syang band aid sa bulsa ng jacket nya.
Syto- alam kong tama ka.
+ dahan dahan nyatong nilagyan ng band aid.
Syto- pero sorry hindi ako aalis sa lugar nato ng hindi ka kasama. Hindi ako papayag na malalayo ka ulit sakin.
Nathan- hanggat maaari, hindi muna kayo pwedeng magsama.
+ tahimik lang lahat, sobrang saya ko na nakita ko ulit ng ganto kalapit si Syto. Pero may halong takot at kaba kaya napag desisyunan kong hindi na muna sumama sa kanila kahit sobrang gustong gusto ko na syang mayakap at makasama.
(Nathan POV)
+ hindi maipinta ang saya sa muka ni Tanya, kaya masaya narin ako kahit may pag aalala sa mga nangyayaring to. Maya maya pa ay nagpa alam na sila Syto.
Syto- babalik ako Tanya.
Nathan- umalis na kayo bago pa may maka alam na nandito kayo, isipin mo na lang si Tanya. Tanya ako na bahala maghatid sa kanila dito ka na lang sa loob.
+ niyakap pa sya ni Tanya bago lumabas, nakatanaw lang si Tanya sa pinto habang hinatid ko sa labas yung dalawa.
Syto- Nathan.
Nathan- hanggat maaari wag na wag nyo mababanggit kahit kanino na nandito ako.
Syto- salamat.
+ napatingin ako sa kanya.
Syto- salamat dahil dinala moko kay Tanya.
Nathan- para kay Tanya yung ginawa ko.
Syto- at isa pa, hindi ko pinatay si Tatay.
+ kumunot ang noo ko.
Syto- nasaksak ko sya mali ako dun. Pero sakit sa puso ang ikinamatay ni tatay, kung hindi ako nagkakamali si nanay ang nagpakalat ng pinaniniwalaan mo. Pero hindi kita masisisi kung ganun na lang ang galit mo sakin.
+ para akong nakuryente, hindi ko alam ang irereact ko o sasabihin ko.
Syto- sorry kung natutukan kita ng balisong kanina, salamat din sa pagliligtas kay Tanya.
+ sa totoo lang napa luha ako sa mga narinig ko.
Syto- Jim, tayo na.
+ sumakay na sila sa kotse na dala ni jim at umalis. Bumalik ako sa loob at yakap ni Tanya ang sumalubong sakin.
Nathan- wag kang magpasalamat please.
+ di ko na napigilan at napa iyak nako sa harap nya.
Tanya- Nathan?
Nathan- wag mo nakong pag mukaing masama.
(Tanya POV)
+ iyak lang ng iyak si Nathan sa harap ko, hindi ko alam kung ano nasa isip nya pero niyakap ko na lang sya at pinakalma, alam kong hindi madali ang mga desisyon nya.
Sa kaiiyak nya nga ay nakatulog na sya sa sofa.
Teresita- hayy wala talagang pinagbago ang batang yan, alam mo ba simula nung pag trabahuhin nyako dito lagi ng umiiyak yan tuwing gabi pero hindi nya pinakikita. Sobrang bigat na siguro kaya di na nya napigilan na umiyak sa harap mo.
+ nakatitig lang ako sa kanya. Hinayaan ko lang sya magpahinga. Mga dapit hapon na ng magising sya kaya lumapit agad ako dala ang cake na binili nya. Na may kasamang milk
Tanya- hi. Buti gising ka na, meryenda na.
+ medyo nagulat sya at umupo.
Nathan- uhm, Tanya yung pag iya—-
Tanya- ano ka ba, normal naman yun, basta pag gusto mo uli umiyak dito lang ako.
+ natawa na lang sya.
Nathan- teka eto yung..
Tanya- oo, haha pero parang mas kaylangan mo to, kasi kaylangan mo ng energy.
+ ngumiti sya at sumubo ng cake, maya maya tumigil sya.
Nathan- ang totoo. Nalaman ko kasing puro kasinungalingan ang mga pina niniwalaan ko.
Tanya- hmm?
Nathan- hindi pinatay ni Syto si Tatay. Inatake sya sa puso.
+ napangiti naman sya.
Tanya- sabi ko na eh, nakilala ko na kasi si Syto, hindi sya ganung tao.
Nathan- hindi ako makapa niwalang umabot ako sa ganto dahil sa mga kasinungalingang yun.
Tanya- wala kang kasalanan, tsaka sana maging okay na kayo dahil tulad mo hindi rin madali ang pinag daanan nya nung umalis sya sa kanila.
+ nakatungo lang sya.
Tanya- hay naku! Kumain na lang tayo, smile ka na.
+ tumawa naman na sya at kumain.
+ maya maya naman may kumatok na naman sa pinto. Hinawakan ako agad ni Nathan. Sino namang pupunta dito ng gantong oras? Kinabahan ako ng sobra at natakot din.
Teresita- ako na magbubukas.
+ at binuksan na nga ni Manang at nagulat kami ng iluwa nun si Syto at Jim na may dalang bagahe. Kaya napatayo kami ni Nathan.
Tanya- Syto?
+ lumapit sya samin ni Nathan.
Nathan- anong ginagawa nyo uli dito? Tsaka ano yang mga dala nyo.
Syto- simula ngayun dito na muna kami tutuloy.
Nathan- HA?
+ nanlaki ang mata namin.
Syto- hindi na ako makakatulog na hindi kita kasama lalot alam ko na na nandito ka.
Nathan- nababaliw na ba kayo?
+ parang batang umupo sa sa sofa si Syto.
Syto- dito lang ako!!!
Jim- ako din.
+ gusto kong matawa pero si Nathan surang sura na. Haha.
Nathan- alam nyo bang delikado yang ginagawa nyo?
Syto- hindi pwedeng ikaw lang ang poprotekta kay Tanya.
Jim- oo nga!
+ hindi na maipinta ang muka ni Nathan.
Syto- asan na ang kwarto.
+ umakyat sa taas sila Syto hahaha nakasunod naman agad si Nathan, dyusko ano bang nangyayare dito?!
Teresita- ano yun? Dito sila titira? Susme mukang mas madami nakong gawain!!!
Tanya- hahaha.
+ lagot, natatawa ako na nag aalala sa lagay nato
Itutuloy……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top