Strangers To Lovers PROLOGUE


PROLOGUE
Anna
“Anna, anong masasabi mo sa biglaang pagkawala ni Raven?” Tanong sa akin ng isa sa mga reporter.
Hindi ko sana gustong sagutin ang tungkol sa pagkawala ng kalove team ko. They keep asking me about him. Akala mo naman ako talaga ang hanapan ng mga nawawalang tao. Malay ko ba kung ano na namang trip ni Raven. I dont even know where he is….and i dont care kung saan siya pumunta. Mas mabuti na nga sana na hindi na siya bumalik, para naman makalimutan na siya ng mga tao.
Pilit ko pa ring nginitian ang mga reporters na naghihintay sa sagot ko. Kahit na nakakabadtrip sila, kailangan ko pa ring magsalita.
“Kilala naman po natin si Raven. Gustong-gusto niyang nakikipagtaguan. Magugulat na lang tayo nasa commercial na siya…” Sabi ko sabay tawa, kahit wala namang nakakatawa. At nagtawanan din ang mga plastic. As if naman masaya talaga sila sa sagot ko.
Matapos kong magsalita ay tinapos na ni Calvin ang interview. Mabilis akong tumayo at naglakad paalis sa lugar na iyon. Wala na akong balak na makipag one on one interview sa kanila at makipagplastikan. As if naman kasi na hindi ko alam na ayaw nila sa akin. Kulang na nga lang, maglabas ako ng video scandal. kung ichismis nila ako halos sirain na nila ako. Tapos may makapal pa talaga silang face na ngumiti at humarap sa akin.
Humabol naman si Calvin sa akin at sumabay sa paglalakad...


ko.
“Anna, kailangan mong iwasan ang mga questions tungkol kay Raven. Hindi pa natin alam kung anong plano ni Raven kaya—”
Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. “Concern ka kay Raven pero sa akin hindi. Kaya bakit ko susundin ang gusto mo?” Putol ko sa sasabihin niya.
Hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lang mas concern kay Raven. Samantalang, sa akin, wala man lang nagtanong kung okay lang ako o anong ng nangyayari sa akin. Nawala lang bigla si Raven. Puro na sila Raven. They keep talking about him kahit nasa harap nila ako. Nakakasawa na!
Biglang lumambot naman ang mukha ni Calvin. Mukhang concern na siya sa akin. But, its too late… Its too late na maging concern pa sila sa akin.
“Hindi naman—”
“Oh shut up, Calvin. You don’t have to lie just to make me feel good. Mas mabuti pang hanapin mo na lang ang pinsan mo, kesa mag-aksaya ka ng oras sa pakikipag-usap sa akin,” naiinis kong sabi sa kanya sabay walk out. Hindi ko na talaga napigilan pang hindi magsalita. I am very disappointed right now.
Wala akong balak makinig sa mga paliwanag ng mga taong nagpapanggap na concern sila sa akin. Alam kong wala silang pakialam sa akin. They keep saying they’re my friends. Pero, alam kong napipilitan lang sila. They want fame, they want money, dumidikit sila sa akin para makuha iyon. And i so hate it. I hate them.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top