Author : Ren Salazar
” Wala pa ba si Bekket?” Tanong ni Direktor Choi. Ang lolo ni Bekket. Isa itong koreano pero dahil sa matagal na sa pilipinas at madami na ring nabiling kompanya sa mismong lugar,bihasa na ito sa wikang tagalog.
” Wala pa po Director. Pero sabi niya he’ll be here after 2 hours. ” Sagot naman ni Secretary Dome. Personal secretary at naging best friend ni Bekket sa korea. Filipino rin ito at nanatili sa korea para magtrabaho. Nakilala ni Bekket sa korea kaya naging magkalapit sila.
” Ok. Call me if he’s already here. May pag uusapan kami.”
” Yes,Director.” Sabay bow sa matanda bilang paggalang. Lumabas na rin ito sa opisina ni Bekket.
————————
Nasa daan pa non si Bekket, sakay ng motorsikong nasa latest model na bili pa niya sa Korea. Matulin ang naging pagtakbo niya dahil sa may deal sila ng taong kausap niya sa telepono at si Dome yon. Ang kanyang personal secretary.
Marami ang nakaharang na mga sasakyan sa kanya. Matatalo siya kapag mahaharangan ang daan nya at hindi siya makaka abot sa dalawang oras na kasunduan nila ni Dome. Malaking pera rin yon kapag natalo kung saka sakali.
Kaya nagpasya siyang dumaan sa kalsadang hindi dinadaanan ng karamihang sasakyan. Alam niya ang short cut na iyon dahil taga rito rin siya.
Sa kanyang pagliko hindi niya inaasahang mahagip ang bag na nakakabit sa isang braso ng babae.
Nawalan siya ng balanse at tuloy tuloy sa isang tindahan ng prutas. Sa dami ng prutas, parang lumusong tuloy siya rito pagkatapos matilapon. Mabuti na lang at naka full gear siya kaya hindi masyadong napuruhan.
” Aning yung driver!” Sigaw ni Rhea sa kaibigan matapos tulungan itong makatayo dahil sa bahagyang nadala ng bag niyang nahagip ng motorsiklo.
” Tulungan natin!” Sagot niya at nagmadaling lumapit sa driver.
Pinagtulungan ng magkaibigan na maialis ang mga prutas na tumambad sa napahigang lalaki. Tinulungang makatayo nang maaninag nila sa nag ala dagat na prutas dito.
” Ok ka lang?” Tanong ni Schiyev. Bakas ang pag aalala rito.
” Im..im ok.” Sagot niya sa makapal na boses.
” Wala bang masakit sayo mister?” Tanong niya sa lalaking matapos marinig ang boses nito.
” Im ok. ” Yun pa rin ang sagot ng lalaki nang hindi inaalis ang helmet sa ulo.
Ang totoo,pagkakita pa lang niya sa dalawang magkaibigan,namukhaan na niya ang isa habang nakahiga pa siya sa mga prutas.
(” Si …si Rhea…” Bulong niya sa kanyang isipan.”)
At nang magsalita si Schiyev,hindi na siya nag alangan sa naisip na ito ang kasama ni Rhea.
” Pwede mo bang tanggalin yang helmet mo ,sir. Baka kasi may sugat ka sa ulo. Para naman masigurado natin na ok ka lang talaga.” Si Rhea ang nagsalita.
” Ha?!” Nabigla ang lalaki.
( ” Patay. Baka makilala nila ako. Baka magulat kapag nakita ang mukha ko. Pero hindi…malaki na ang pinagbago ko kaya hinding hindi nila malalaman na ako si Zuriel. ” Saad niya sa boses na bakla pero tanging sa isipan niya lang sinabi.)
” Sir…..” Pukaw ni Schiyev sa kanyang lakbay diwa.
” Oh! Yes. ” Marahan nyang tinanggal ang kanyang helmet pero abot langit ang pananalangin na...