THE WIFE CHAPTER 14


“Pagmulat ko ng aking mata puting kisame agad ang aking nakita nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto hospital!? Oh my god.. si Rex anong—
Oh my god Shane your awake! Nico tawagin mo si Dra! buti naman gising ka na isang linggo kang tulog.. nag collapse ka kinapos ka ng hininga dahil sa kaiiyak mo..
Si Rex Ally gusto kong lumapit kay Rex Ally!
Huminahon ka Shane sabi ng Dr. makakasama kay baby pag nag nervous break down ka ulit kalmahin mo ang sarili mo para sa inyong dalawa ni baby..hindi matutuwa si Rex pag nakita ka niyang ganyan..
Kinalma ko ang aking sarili kailangan ko maging matatag para sa magama ko pagsubok lang to malalampasan namin itong magasawa
Good morning Mrs Montero.. stable naman lahat ng vital sign mo nag ka nervous break down ka dahil sa matinding emosyon na hindi mo napigilan..pilitin mong magpakahinahon Mrs.para sayong sarili at kay baby.. alam kong mahirap dahil cancer patient namin dito sa hospital ang asawa mo.
Dra.ok lang po ba ang baby ko?
Ok lang si baby tulad ng sinabi ko iwasan mo ang pagiging emosyonal kumain ng healthy foods inumin ang iyong vitamins sa tamang oras para mapabilis ang pagbawi mo sa iyong lakas
Salamat Dra..
Excuse me don’t hesitate to call me if you need anything...


Mrs Montero..
Nico dalahin mo ako sa kama ni Rex..
Kaya mo na ba?
Oo kaya ko kakayanin ko..
Inalalayan ako ni Nico palapit sa kama ni Rex hindi na sya masyadong maputla hinaplos ko si Rex sa pisngi hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay..
Hubby gising na iniintay ka namin ni baby 5months na si baby sa tummy ko 4months na lang makikita natin sya lalaban ka diba!? na ngako ka sa akin na mamahalin mo ako habang buhay.. tumingala ako para mawala ang bigat nararamdaman ko sa aking dibdib
Ipinatong ko ang kamay ni Rex sa aking tiyan.nararamdaman mo ba? ang pagalaw ng anak natin.. sumisipa sya pinapadama niya sayo hubby na masarap mabuhay excited na sya lumabas para makita tayong dalawa.hinalikan ko si Rex sa noo.. ipinatong ko ang aking pisngi sa kanyang dibdib sana magising na ang asawa ko..
Shane hindi ka pa ba babalik sa kama?
Ok lang ako Nico Salamat sa pagaalaga sa aming magasawa hayaan mo mona ako dito gusto kong madama ni Rex na andito ako sa tabi niya kami ni baby..
Ok uuwi mo na ako kailangan ko bumalik sa auto shop andito naman si Ally promise me Shane hindi ka na magpa-panic ulit?
Hindi na kakalmahin ko yong sarili ko Nico sige na ok lang ako






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top