Isa Akong Ina Kabanata 1


Laki akong probensya na pinangarap na makarating sa ManiLa..
Basi kse sabi sabi ng mga umuuwe na taga amin na nagtatrabaho doon biLang kasambahay ay napakaganda daw talaga ng MayniLa..
May malalaking Gusali,at madami daw kotse.. Saka mas advance daw ang selebilisasyon doon kumpara dito sa probensyang kinalakhan ko…
Ako si Marlita.. Desesays anyos.. Matangkad ako, maputi kahit na sa probensya ako lumaki.. Bunso ako sa aming magkakapatid bali labing isa kmeng magkakapatid..
Ewan ko ba sa Nanay at Tatay ko.. Di kse nauso ang family planning sa panahon niLa kaya nawiLi sa panganganak si Nanay…
At si tatay naniniwala sa kasabihang sinabi daw ng Diyos na nasa Bibliya
“Humayo kayo at magpakarami “..
Madalas sabihin ni Tatay sa tuwing nagtatanong kme bat ang dami naming magkapatid..
Taon taon kung manganak si Nanay , dahiL sagana pa ang isda sa dagat ay di nahirapan si Tatay sa amin…
Kung tatanungin nyo kung anong taon to..
Taong 1970’s po ito…
“MerLing.. Ibenta mo tong mga huLi kong isda para may pambili tayo ng meryenda “, utos ng tatay ko sa akin..
Kakauwe lang nito galing sa laot at madaming nahuLing isda..
Khit ayaw ko ay tumayo ako..
Sa aming magkakapatid ay tatlo nlang kmeng walang asawa..
Ako, si Ate Cora.. At si Ate NerLy ..
Yung mga mas matanda sa amin na puro Lalaki lahat ay may mga asawa na…
At dahiL ako ang bunso ay mas sa akin natuon ang atensyon at pagmamahal ni tatay lalo na ni Nanay..
Mahal na mahal ko si Nanay dahiL para sa akin isa syang mabuting Ina.. At sya ang idoLo ko… Kahit ang dami naming magkakapatid ay di man Lang sya sumuko at nagreklamo sa amin.. Khit alam kong paminsan minsan ay subrang naiinis na sya sa amin…
Mahal na mahal kme ng maguLang namin.. Lalo na ako dahiL ako ang bunso..
“Kapag naging Nanay na ako katulad mo Nay… Gagawin ko rin po ang lahat ng makakaya ko para mabigyan ng magandang kinabukasan ang magiging mga anak ko “, lagi kong sinasabi kay Nanay kapag nakahiga na kme sa gabi sa matigas na sahig na kawayan para matulog..
“napakabata mo pa Merling para mangarap maging Ina.. Akala mo napadali Lang maging Nanay.. Sinasabi ko sayo.. Napakahirap “, sabi ni Nanay sa akin..
Pero ngumiti Lang ako ..
Sa sarili ko alam kung magiging mabuting ina ako kagaya ni Nanay..

“Asan na ang benta ng isdang pinalako ko sayo? “, tanong ni Tatay..
Nakayuko akong pumasok sa bahay..
“Asan na Merlita? “,tanong ulit nito sa akin..
Tumabi ako sa tatay ko at agad na naglambing..
“Tay.. Kase po tinatanong ko po yung mga inaalok kong bumili ang sabi po niLa gusto sana niLa kaso wala siLang pera kaya binigyan ko po siLa ng tig dalawa isda para po may pang uLam po sila para sa hapunan.. Naawa po kse ako Itay “,sagot ko “di ko po namalayan naubos ang isdang pinabenta nyo.. “,
Agad napatapik si Tatay sa kanyang noo..
“Sus kang bata ka! Wala ka talagang kw*nta utusan.. Pangmeryenda na sana natin yun e. “, sabi nalang nitong iiling iling..
“Kalis! Pabayaan mo na yang bunso mo.. “, sabat ni Nanay na nsa tabi Lang namin na naglilinis ng bigas gamit ang Bilao..
“sge Petronya.. Manang mana sayo yang anak mo.. “, sabi nLang ni Tatay saka pumunta ng kusina para uminom ng tubig.. “Magsama kayong mag ina “,
Nagkatinginan kme ni Nanay at...


sabay na tumawa..
“ikaw kse Merling e.. Kung ano anong pinagagawa mo.. “, sabi ni Nanay ng wala na si Tatay..
Agad akong lumapit kay Nanay..
“ang totoo nyan Nay.. Pinamigay ko po yung iba sa mga kapatid ko.. Alam nmang tinatamad po akong maglako ng mga isda e.. Ang gusto ko po ay makapagtrabaho sa MayniLa.. Ayaw ko pong habang buhay na manatili dito sa lugar natin “, sabi ko Kay Nanay..
Ngumiti lang si Nanay pero di na nagkomento..

“Nagpaalam ka na ba? “, tanong sa akin ni Ate Bering na pinsan ko..
Naghahanap daw ang kapitbahay ng amo nya ng katulong na laking probensya dahiL daw masisipag at para daw di daw panay day off..
Umiling ako..
“Di pa.. Subukan ko mamayang gabi “, sagot ko..
“Sge.. Para sa linggo pag alis ko kasama na kita “, sabi nito bago magpaalam.
Kaya ng gabing yun habang tahimik kameng naghahapunan ay sinabi ko kela Nanay at Tatay ang balak kong pagsama kay Ate Bering..
Nakita kong naguLat si Nanay at Tatay khit na gasira Lang ang nagsisiLbe nming iLaw sa madiLim na gabi…
“Pero anak… Delikado sa MayniLa “, agad na wika ni Tatay..
“at anak.. Gusto ko sanang mag aral ka na ngayong pasukan.. Khit desesays ka na ay pwede ka paring mag aral ng grade 6.. Para makapagtapos ka mang Lang ng Elementaryo “, sabi nman ni Nanay..
Sunod sunod na pag iling ang ginawa ko..
“Nay,Tay…alam nyo nmang matagal ko ng gustong gustong makapunta ng MayniLa db? Tsaka kasama ko po si Ate Bering kaya wag po kayong mag alala.. “, sagot ko..
“Pero kong ako sayo Mag aral ka nLang “, sabat ni Ate Cora..
“Oo nga Merling.. Mahirap makipagsapalaran sa MayniLa.. —
“Bakit nakapunta ka na bang MayniLa..? “, tanong ko kay Ate Nerly..
Umiling ito..
“Basta Nay.. Gusto ko pong magtrabaho dun “, pinaL na wika ko..
Di na kumibo pa siLa nanay at Tatay kaya alam kong makakasama ako kay Ate Bering sa MayniLa..
Nang gabing iyon ay natulog akong masaya..

“Sigurado ka na ba talaga sa desesyon mong yan Merling? “, tanong ni Tatay habang isa isa kong binibitbit ang mga bagahe ko dahiL ngayon na ang alis ko papuntang MayniLa..
Masaya akong tumango..
“Opo Tay.. “, sagot ko..
Matanda na rin kase si Tatay at Nanay kaya ayaw ko na rin silang mamroblema pa pag nag aral pa ako..
Bumuntong hininga si Tatay..samantalang tahimik na umiiyak si Nanay sa tabi..
“wag na po kayo mag alala sa akin Nay.. Uuwe namn po ako dito pag di ko nagustuhan dun “, sabi ko kay Nanay..
Tumingin ito at umirap sa akin..
“akala mo napakalapit ng MayniLa Merling at ang mahal pa ng pamasahe “, sabi ni Ate Nerly..
Di na ko nagkomento pa..
Maya maya ay narinig kong tinatawag na ko ni Ate Bering..
“Aalis na po ako Nay… Tay at. Mga ate.. Ingat kayo dito “, sabi ko saka humalik sa pisngi ni Nanay.. At yumakap sa kay Tatay pati na sa mga ate ko..
“Mag iingat ka dun anak “, rinig kong sigaw ni Nanay ng makalabas na ko sa pinto ng bahay namin…
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bayong na bitbit ko at ang malapad na pagkakangiti ng Labi ko habang nagLalakad..
Ito na yun..
Ang pagpunta ko sa MayniLa ay ang pangarap ko..
ANO KAYA ANG MAGIGING KAPALARAN KO..?
SANA LANG AY SWERTIHIN AKO..

itutuLoy





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top