#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🌳Vencent POv
Napahinto nalang ako bigla sa pagddrive ko. Para alamin kung ano pa ang naalala ni Stephanie.
Nakaramdam ako ng takot na baka maalala nya ang lahat.
“Sabihin mo naalala mo ba ang lahat? Naalala mo ba ako. Kung sino ako sa buhay mo?”
(Natawa nalang ng malakas si Stephanie
“oh! c’mon! wala akong pagsasabihan. Wag kang kabahan jan. Baka mamaya makalimutan ko nanaman na magkapated tayo sa ama. Hanggang ngayon ba hindi parin tayo kinikilalang anak ni Mr.Danilo Garcia? . O baka naman ako lang ang hindi nya kilala bilang anak. Dahil hanggang ngayon hindi parin alam ni Mr.Garcia na anak nya ako. Dahil sa mahayopang ginawa nya kay Mommy”
Nagpatuloy na ako sa pagddrive
“Manahimik kanalang please!”
Seryusong sabi ko kay Stephanie at pinipigilan ang sarili ko.
” pprotektahan mo ako diba? At hindi mo ako papabayaan sa taong gusto akong mawala.”
” kung mananahimik ka kaya kitang protektahan pero kung ibubulgar mo ang lahat pasinsyahan na tayo. D kita mapprotektahan.”
“katulad ka rin nila. Pinabayaan mo nga ako noon. Paano pa kaya ngayon?”
Inaasar nanaman ako ni Stephanie. Alam na alam nya kong papaano ako mapipikon. Plano ba nyang mapikon ako? O trip lang nya akong pikunin.
“kinukunsinsya mo ba ako.?”
“Pangungunsinsya ba yun sa kuya ko?”
Nang aasar talaga sya.
“Wag mo akong tatawaging kuya sa harap ng marami. Naiintindihan mo?”
” wag kang mag alala kuya. Wala namang nakakarinig saatin dito sa loob ng sasakyan mo. At saka Masunurin naman akong kapated diba. Malayo pa ba tayo kung malayo pa matutulog nalang ako baka kasi hindi mo mapigilan ang sarili mo ibangga mo pa ang kutse mo dito. Idi pariho tayong tig*k.”
Nagtitimpi lang ako ng galit. All this time pinaniwala nya ako na wala syang maalala? Anong trip ba ang nasa isip ni Stephanie. Minsan hindi ko sya maintindihan.
Nilingon ko sya pinipilit na matulog. Alam nya na pikon na talaga ako. Alam nya din kong paano ako magalit kaya hito sya at nagtutulog tulogan.
Kung diko lang to kapated naku. Mayayari talaga sya saakin. Pero kapated ko sya.
Si Dad ang gumahas* sa Mommy ni Stephanie. Ang mommy kasi ni Stephanie ang mahal ni Dad. Pero hindi sya mahal ng mommy Stephanie.
Nagbunga ang kahayupang ginawa ni Dad sa mommy ni Stephanie. . Kaya lumaking si Stephanie na kulang sa pagmamahal ng kanya ina. Kaya nga gusto kong protkthan si Stephanie pero hindi ko yun nagawa. Dahil wala akong kwentang kuya. Pero this Time p-protikthan kona sya at ilalayo ko sya kay Andrew hindi dapat matuloy ang naputol na arrange marrage nila ni Andrew. Dahil magkapated sila kapated namin ni Stephanie
Dumating na kami sa Restawran na sinasabi ni Lola. Palugi na ang Negusyong ito kaya kailangan kong pag aralan kung paano ito aasinso ulit. Ito ang pagkakataon ko na patunayan sa kanila na karapat dapat din akong maging taga pagmana.
Ginising kona si Stephanie
🥀Step PoV
(Mabait na Stephanie)
“Dumating na tayo” rinig kong ginigising ako ni Vincent
” Naku! Pasinsya na po kayo nakatulog po ba ako? Napuyat kasi ako kagabi kaya bigla tuloy akong nakatulog”
” Ano ba ang sinasabi mo jan. Bumaba kana nga! ”
(Galit nyang sabi , pero bakit sya galit. Naku po baka kung ano nanaman ang ginawa ni Tiffany sa kanya? Kainis naman.
Nagmadali na akong sundan si Vincent dahil nakapasok na sya sa loob.
nang makapasok na ako ay nakita kung nagtipon tipon ang mga tauhan o empleyado sa Restawtawran na iyon
“Sa araw na ito si Mr. Vensent na ang magiging Manager sa restawran na ito. Sya ang mamomono sa Restawran na ito. Kaya kailangan maging mas masupag pa tayong lahat. ” Sabi ng isang lalaki na may idad na din.
” Simula sa araw na ito. Babaguhin nan natin ang takbo ng negusyong ito maraming kailangang baguhin. Nang mabasa ko ang lahat ng information dito maraming kulang. At sana sa pagbabago ng restawran na ito ay mapalago natin ito ng mabuti. At may bago kayong makakasama miss Stephanie ”
Nag sinyas siya na lumapit ako sa kanya kaya lumapit na ako sa kanya.
“sya si Miss Stephanie. At dahil...