Ikaw at ikaw parin


“Ikaw at ikaw parin”
Note: Read until the end*
“Immaculate Mother School, ang paaralang una kaming nagkita. Grade 3 ako nun nung lumipat ako sa paaralang yun, hanggang sa na kick out ako sa dami ng kagaguhang ginawa ko. Isa akong mapang asar na tao, kaya palaging pinapatawag magulang ko sa school, bumalik ako don sa paaralang yun grade 5 na. Sinabi sakin ng mama ko na pag aaralin niya ako sa public school, isang taon akong nag aral sa public. Then after a year bumalik ako ulit dun.
Unang araw ng klase, nasabi ko sa sarili ko na dami ng nagbago, bago mag umpisa ang klase pinaalalahanan ako ni mama na mag ayos na. Pagpasok ko ng classroom, may mga nakita akong kaibigan pero mas marami yung mga bagong mukha. Lumipas ang linggo, at naging maayos ang takbo ng pagbabalik ko dun, naging tahimik ako, mahiyain. Nag karoon ng bagong kaibigan na di ko akalaing makakasundo ko. Pero may isang tao akong kinabibwisitan nung mga panahong yun, at katabi ko pa. Napakaingay, napakagaslaw kung kumilos na akala mo hindi babae. Kalabit siya ng kalabit sakin na kahit ayaw ko lingunin dahil baka pagtripan ako eh di ko nilingon, sinabi niya na “pahingi naman akong papel” so sabi ko sa isip ko yaman yaman walang papel, puro kasi kadaldalan inaatupag.
Dumaan ang mga araw, mga araw na napalitan ng saya yung inis na nararamdaman ko sa kanya. Nagawa ko siyang bully-hin dahil napakaganda niya kapag naiinis. Halos araw araw kong ginagawa yun sa kanya, at bilib ako sa kanya dahil nagagawa niyang lumaban kahit babae siya. Babaeng payat, babaeng dugyutin, babaeng lampa. Dun umikot ang grade school life ko, dun nagkaroon ng kulay ang pananatili ko sa paaralang yun, na di ko inaasahang magkakagusto ako sa kanya. Pero dahil sa mga kasalanang ginawa ko sa kanya di ko nagawang sabihin at aminin. Grumaduate ako sa paaralang yun na di kami nagpansinan as in di ko rin inamin kahit nung graduation dahil sa takot na baka di pala kami parehas ng nararamdaman. Sinabi ko nalang sa sarili ko, “Hindi kami meant to be”
Fast forward natin mga bes*
After 8 years ng di namin pagkikita. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na ichat siya at ayain dahil fiesta dito at anniversary nila mama at papa, bago ko pa siya ichat nanghingi ako ng sign kay lord para ichat siya. So ayun, wala talagang imposible sa panginoon, so ayun chinat ko siya. And sabi niya susubukan niya kasi nasa screening siya ng Miss Tourism at sa Makati pa yun. Pero di ko inaasahan na pupunta siya, di talaga ako makapaniwala pagbaba niya ng sasakyan, akalain mo na yung dating dugyutin na babae at binubully bully mo lang eh lalabas ng sasakyan na ganun kaganda? As in ang bilis ng tibok ng puso ko ng mga panahong yun. After nun araw na yun, palagi na kami mag kausap at mag ka chat, kaso parang ang pinapamukha niya sakin na nililigawan ako nito, may nanliligaw sakin na piloto. Sa isip isip ko anong gagawin ko? Edi makikipagsabayan.
May isang gabi na nagkausap kami about sa past namen, and yun nga nalaman ko na may gusto din pala siya sakin nung nasa elementary kami. Nagkaaminan. Dun mas lalong lumalim yung pag uusap namin, inaabot ng 5am ng madaling araw yung pag uusap namin. Hanggang sa naging kami, oh diba wala talagang imposible. Ang saya saya ko nung panahong yun, june naging kami. Hanggang sa lumipas ang araw, linggo at buwan. Pero may isang pangyayari na...


di ko inakalang mangyayari sa relasyon namin. September nun, birth month ko. 2nd week ng september nag chat sakin ang pinsan niya sabi “lumayo ka na sa kanya nagkakagulo sila ng daddy at mommy niya dahil sayo” Yun gabi na yun dun nagsimulang gumulo ang lahat. Yung gabi na yun dun siya naglayas sa kanila para lang sakin. Nung araw na yun eh sinugod kami ng mama niya sa bahay. Sa madaling salita pinaghihiwalay kami. Nasasaktan ako para samin, para sa kanya at para sa pamilya ko. Kasi mayayaman sila at pag di ko daw iniwan yung girlfriend ko baka kung ano mangyari sakin o sa pamilya ko. Isang pagbabanta ang natanggap namin mula sa pamilya niya.
Tatlong buwan niyang tinalikuran ang sarap ng buhay na meron sila para lang sakin, tatlong buwan niyang tiniis lahat para samin. Para di kami maghiwalay. Pero di naging madali para samin yung tatlong buwan na yun, tatlong buwang pagtatago sa lahat. Pero sobrang saya namin ng mga panahong yun, na kahit di alam nila mama pinagpatuloy ko parin yung relasyon namin, na kahit sabihin nilang iwanan ko na at maghanap ng iba di ko ginawa kasi mahal ko siya. After 3 months na paglalayas bumalik na siya sa kanila dahil sobrang hirap na nga daw. Hinayaan ko lang na siya magsabi na uuwi na siya para wala saking masabi. Unang beses ko kasing pinauwi yun napasama pa ko.
Pero pagbalik niya sa kanila ang daming nagbago, madalang na kami magkita’t magusap. Na di ko nakasanayan dahil sa loob ng tatlong buwan na naglayas siya halos araw araw kaming mag kausap at nagkikita. Nakakalungkot lang pero masaya ako dahil di na siya mahihirapan kasi balik prinsesa na ulit siya. 7 months naming tinago ang relasyon namin ulit, sa lahat. Hanggang sa nag work na siya sa sarili nilang company. Dun na nawala yung oras, although may pag uupdate kung nasaan siya ano ginagawa niya pero minsan dumating sa point na yung hundreds of chat naming dalawa eh nawala. Minsan 5 chat galing sa kanya sa isang araw, laging pagod, laging busy. Pero naiintindihan ko naman yun kasi mahal ko eh.
One day, sinabi niya sakin “Sorry hindi ko na alam kung mahal pa kita o hindi na” Sobra akong nasaktan nun. Di ko maintindihan kung bakit siya nag sosorry.
Ang sakit. Sobrang sakit. Na hindi man lang niya pinaabot ng isang taon yung relasyon namin. Ginawa ko ang lahat para bumalik siya, kaso napagod na ata. Araw ng anniversary namin may hiniling ako sa kanya. Sabi ko “mahal, pwede ba maging tayo sa araw na to?” Celebrate natin” pumayag naman siya. Kaso di niya ko kinita ng araw na yun, namuti nalang mata ko kakainom. And sa huli ako nalang nag celebrate nung dapat anniversary namin. Until now, nagmamakaawa padin ako na balikan niya, nagmamakaawa na sana mahalin niya ulit ako na kahit sobrang sakit na kinakaya ko kasi mahal ko siya. Pagpapakatanga ba to? Hindi, napatunayan kong hindi, kasi alam ko sa sarili ko na nabago niya ako at tong nararamdaman ko sa kanya? Tunay na pagmamahal to. Na kahit ipagtabuyan niya ko, ipipilit ko parin maibalik lang sa ayos lahat ng saming dalawa. Di pala imposible na magustuhan ka ng isang Miss. Quezon City, patuloy akong susuporta sayo at patuloy kitang mamahalin. Umaasa na balang araw ika’y magbabalik. Kung mababasa mo man to, gusto ko na malaman mo na sa muli nating pagkikita ang una at huling lalabas sa bibig ko eh” ikaw at ikaw parin”
2013020****
BSIT
University of the East





3
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top