❣️❣️PROLOGUE❣️❣️
hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng malakas na hangin, wala akong oras sa panunuod ng Televisyon dahil sa patong-patong na gawain dito sa bahay ng mga Monte Mayor kaya’t hindi ko matiyak kung may Bagyo ba, pansamantala kong pinalitan si Inay bilang kasambahay dahil sa hinduli nya magandang pakiramdam.
Sa dami nang gawain ko ay nakuha ko pang mapatulala sa lalakeng naroon sa tabi ng Swiming pool at abala sa pag inom ng alak, ito ang bunsong anak ng amo ni Ina’y sa totoo lang ay ngayon ko lang sya nakita dahil kakabalik nya lamang mula sa States, abala ang mata nya sa pagsilay sa kalangitan habang ang kamay nya ay may hawak na bote ng alak na paulit-ulit nyang tinutungga, nakapalibot sa kanya ang ilang bote na nakatumba habang ang karamihan ay nakatayo pa.
Inilipat nya sa kabilang braso ang hawak nyang beer tsaka itinuon ang kamay nya sa sahig sa bandang likuran matapos ay pumikit ito at sinalubong ang malalaking patak ng ulan.
“Teyang Ija! Ikuha mo ng Payong ang Master Reighton mo. “saad ni Ma’am Riegina ang mommy ng lalakeng iyon.
“Ah- – opo. ” taranta akong pumasok sa loob at mabilis din na bumalik. Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong dahil sa kaunting kaba dulot ng lalakeng iyon, nabanggit sa’kin ni Ina’y na may pagkapilyo ito kaya’t kahit humakbang ay hindi ko manlang magawa.
Pero kalauna’y pilit akong napatakbo dahil sa malakas na pagbuhos ng Ulan, kung hindi ko sya isisilong ay...