PANGANAY
Sabi nila na pag panganay ka na sa’yo lahat ng atensyon ng mga magulang mo.
Kasinungalingan!
Hindi naman totoo eh! Hindi naman nila ako napapansin. Puro nalang si Bunso, bunso, bunso, bunso at si bunso parin.
Lagi nalang si Bunso ang napapansin nila sa loob ng bahay namin, lagi nalang si bunso ang napapansin na tama, na perpekto. Si bunso ang paborito at hindi ako.
Pero kung tungkol sa maling gawa, ako lagi ‘yong tinuturo, ako ‘yong pasaway, ako ‘yong pabigat, ako ‘yong walang alam, ako ‘yong bobo, ako ‘yong walang silbi at palamunin lang daw. Sa akin nalang lahat ng kamalian.
Dahil si bunso lagi ang tama. Eh! Ano pa bang magagawa ko? Siya ‘yong nakikita nilang tama sa mga mata nila. Kasi pag nagkamali siya sa akin lagi sinisisi.
“Hoy PANGANAY magpakumbaba ka sa bunso mo.” LINYA NILA KAHIT SI BUNSO NAMAN ANG TOTOONG MALI.
“Hoy PANGANAY bakit di mo binabantayan ng maiigi itong si bunso.” LINYA NILA PAG NA DISGRASYA ANG BUNSO NILA.
“Hoy PANGANAY Ang tanga mo talaga, di mo ba nakita ‘tong nilalaro ng bunso mo?” LINYA NILA PAG NADUMIHAN ANG PABORITO NILA.
“Hoy PANGANAY ikaw...