THE WILD SILENCE CHAPTER NINETEEN


“Magkakaroon ng pag pupulong sa pagitan ng mga Silvannia at ilang organisasyon para bilhin ang Gobyerno Captain. ” pag Uulat nang isang tauhan ni Alexa isang linggo na ang nakakaraan mula nang huling laban nya.
“Saan gaganapin? ”
“sa Bridges stone, isa iyong Luxury hotel para sa mga bilyonaryong tao captain.” dagdag pa nito, tatango-tango si Alexa, habang nakikinig sa bawat detalyeng inuulat sa kanya.
“Si Chairyl? Tumawag na ba? ” tanong ni Alexa bagaman iyong Mga Vergara talaga ang pakay nya.
“Opo, nakarating daw po sila ng ligtas, patuloy parin sa pagbabantay ang Phoenix sa ngayon po ay tahimik naman ang palao iyong binatang Vergara lamang ang problema. ”
“bakit? “tanong ni Alexa na kaagad nyang ikinakunot ng kilay.
“parati nitong sinusubukang tumakas para bumalik dito mabuti na lamang at napipigil sya ni Kevin, minsa’y binagbantaan pa daw po nito na patatalsikin ang buong phoenix kung hindi sya pa-aalisin. ”
Napangiwi si Alexa. ” ang bakla talaga na yon. “nawawalan ng pasensyang saad ni Alexa, pero sa kabilang banda ay nais nyang ngumiti dahil alam nyang bukod sa nag aalala sa kanya si Jiro ay paniguradong namimiss din nito ang kayabangan nya.
~
“General, heto ang papel na kailangan mo lamang pirmahan.” Sa VIP room ng luxury hotel ay ibinaba ng tusong matanda ang isang papel kasama ang Organisasyon ng mga Zerguel, Monte Verde at Gregx. “pirma mo na lamang ang kailangan at wala nang problema. ” dagdag pa ni Esteven.
“Kung ganon ay Plano nyong magtayo sa Eskwelahan ng sarili nyong mundo ganun ba? ” saad ng Heneral matapos nyang basahin ang laman ng papel . “At nais mo akong pumirma para malaya nyong magawa ang lahat ng nais nyo? ” seryoso ito sa bawat salitang binabanggit. “Paano kung hindi ko iyan pirmahan? ”
“ha ha ha” umugong ang malakas na pagtawa ng tusong matanda.” simple lang. “sarkastikong anito. ” baka isang araw ay magising ka na lamang na nasa lalamunan mo na ang papel na iyan at nakatayo na sa harap mo ang taong papalit sa posisyon mo. ” ani Esteven.
Kilala ng Heneral ang matandang ito sa pagiging tuso at sakim sa kapangyarihan kaya’t wala syang nagawa kundi sapilitang pumirma. “we’re done. ” ngingisi-ngising saad ni Zerguel.
Kabadong lumabas sa kwarto ang Heneral kasunod ang apat na opisyal na kasama nya, matapos ang kasunduan bagay na pinagsisi-sihan nya ngayon pa lang.
“Paano nyo nagawang ipagbili ang puri nyo! ” nakasandal si Alexa sa gilid ng...


pader na dapat ay daraanan ng Heneral habang naka suksok ang kamay nya sa bulsa ng coat nyang na suot at Cup para itago ang sarili nya sa mga tauhan ng Sivannia Organization.
“S-Sino ka.. “kabadong saad ng heneral kaya’t nag angat si Alexa ng paningin. “Ako ang ipinadala ng Alpha, Elite Captain Alexa Chadreia Valdez para tibagin ang samahang iyon pero dahil sa inyo ay lalo silang lumakas.” kalmado ngunit mabigat ang tonong pinakawalan ng dalaga.
Tumayo si Alexa ng Maayos habang ang kamay nyang naka ikom ay na ngingimig sa galit, hindi nya napigil ang sarili at umikot sya habang nasa ere ang paa nya, inaasahan ng Heneral na tatama iyon sa mukha nya kaya’t pumikit sya pero wala manlang syang naramdamang sakit, iminulat nya ang mata nya at bumungad sa mata nya ang paa ni alexa na nakatutok sa mukha nya samantala ang apat nyang opisyal.. ngayon ay nakahandusay at wala nang mga malay.
Ibinaba ni Alexa ang paa nya tsaka naglakad palayo hanga’t nakokontrol pa nito ang sarili nya.
“Ano ba talaga ang plano mo? “tanong ni Zerguel.
“Ngayong iisa na lamang ang ating layunin balak kong mas paunladin pa ang ating kapangyarihan. ” anang matandang Silvannia.
“Kung ganon tama nga ang aking pagkakaintindi kumpadre. ” anang matandang monte Verde. “Mag kakaroon tayo ng Operasyon ng mga illegal na Droga at Armas sa loob ng paaralan tama ba? ”
“Tumpak! “anang matandang Gregx. “nakakapang hinayang lang ang babaeng Vargas dahil hindi sya sumapi sa atin napaka ganda nya hindi ba? ”
“Ano ka ba naman.. Patay na yung tao. “ani Zirguel pagsaway sa matandang Gregx.
” bakit? Tama naman ang sinabi ko, ngayo’y pinagdurusahan ng pamilya nya ang maling desisyon na ginawa nya. “natatawang ani Gregx.
“Tama na Yan, ang mabuti pa ay simulan na natin ang ptoject na ito at ihuli na lamang natin ang tungkol sa taga pag mana ng Vargas.” ani Silvannia.
~
“Ahrrrrg! “buryong na sigaw ni Jiro pag gising nya sa loob ng napaka laking kwarto nya. “Ilang linggo na akong gumigising na ganito palagi ang senaryo! Ni tawag ay wala akong natatanggap! Talaga bang balak nya kong bulukin dito sa kakahintay! ” ani Jiro patungkol kay Alexa.
“Master Jiro.. “tawag ni Chairyl mula sa labas ng pinto.” nakahanda na po ang almusal. ”
“Tumahimik ka! Hindi ako kakain hangga’t wala si Alexa !” murokolyong anito.
“Kung hindi ka kakaen ay lalo mo’akong hindi makikita. “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top