Ako Naman Kabanata 32


Nakatotok ang mga mata ko sa skren ng selpon at paminsan minsan ay sinusuLyapan ang masasayang si Jade na naliligo sa dagat..
Naalala ko nung mga maliliit pa kme ng mga kapatid ko..
Nung mga araw na masayang nagtatampisaw kme sa dagat.. DahiL pinayagan kmeng maligo ni tito..
Napangiti ako dahiL sa ala alang iyon..
Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya nilingon ko ito..
Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Mikmik..
Sumimangot ako saka umirap at ibinalik ang mga mata sa kinaroroonan ng pamangkin ko..
Di ko sya pinansin dahiL alam kong ipapamukha nya lang sa akin ang pagkakamaling nagawa ko.. Para sa kanya ay KALANDI*N ang tawag dun..
“Marya “, tawag ni Mikmik sa akin ng di na makatiis.. Pero di ko ito pinansin..
Narinig ko sya pero ayaw ko sya kausapin.. Galit padin ako sa kanya..
Nanatili akong walang kibo..
“Happy Birthday ..”, pilit ang ngiting sabi nito..
Nagulat ako kaya napalingon ako..
Pero nanatili parin akong nakakunot noo..
“Anong drama yan Mikmik? “taas kiLay kong tanong dto..
Yumuko ito na tila nahihiya pa..
“Sorry na.. Bati na tayo “, biglang sabi nito.. Sabay angat ng ulo nya para tingnan ako sa mata..
Nakipagtitigan ako ..sinusukat ko kung sensero sya sa paghingi ng tawad..
Ngumiti ito ng malungkot..
” Sorry na.. Ayaw ko ng mag away tayo ..”, sabi nito..
Pero nanatili lang akong tahimik ..
Bumuntong hininga ito..
“Buntis ako Marya”, biglang sabi nito..
NaguLat ako pero di ko pinahalata.. Nanatili akong kalmado ..
Sa kaibuturan ng puso ko ay may kirot..
“Magkakanak na sila ni totoy “,sigaw ng umiiyak kong isipan..
“Ano namang kinalaman ko sa pinagbununtis mo? “mataray kong tanong dto..
Tumawa ito ng mahina..
“WaLa ..saka wag ka na ngang masungit.. “, sabi nito sa akin “nakikipagbati na nga ko ey “,


/> Sumimangot ako Lalo..
“Ano namang nakain mo ha? ” tanong ko dto
“Maserep ne Hetdeg “, pabebe pang biro nito..
Napatawa ako bigLa. “Landi ka din e “, sabi ko..
Sabay kaming nagtawanan ni Mikmik..
Maya maya pa ay nagseryso na nman ito
“Sorry nung huling away natin.. “, sabi nitong nakayuko.. “Ang totoo nyan.. Nagpapractis lang kme ni totoy dun sa sinalihan kong duLa sa school namin.. Sya Lang ang pinakiusapan kong maging role ng lalaking kasama ko dun sa dula para maganda ang acting ko.. “, malungkot na sabi nito..
“pero di sya —-“,
“Nahihiya sya sayo.. Para sa kanya ay mas karapat dapat ka sa ibang lalaki kesa sa kanya “, putoL ni Mikmik sa sasabihin ko..
Napaiyak ako..
“Sino sya para sabihing di ako karapat dapat sa kanya? “humikbing tanong ko..
Agad akong niyakap ni Mikmik ..
“Mahal ka lang talaga nya… “, sabi ni Mikmik sa akin
“Pwes!! Pag di nya ko sinuyo.. Bahala sya!! Di ko sya mapapatawad “, sabi ko ..
Tumawa si Mikmik.. “Akala ko ba di mo sya mahaL? “pang aasar nto.
Inirapan ko si Mikmik..
“Ikaw kase lantutay ka e. Kung di ka sana naki sawsaw sana di ako nagagalit kay totoy ngayon ”
Tumawa si Mikmik..
“Sorry na nga.. Bati na tayo aa “, nakangiting sabi nito ” ninang ka ng baby ko “,
Sumimangot ako..
“Sus ..ayaw ko !
“Hala ! Wag kang ganyan masama tumanggi sa inaanak “, sabi ni mikmik sa akin..
Tumawa ako ” Kawawa nman ang mapapangasawa mo ..grabi nagpaluko sya sayo “! Asar ko dto
Mahinang hinila ni Mikmik ang buhok ko..
“G*ga ka Mikmik baka ikaw sabunutan ko! ”
Tumawa ito ng malakas saka tumayo na para umalis..
Tumango ako..
“Salamat Mikmik ” buLong ko habang tinatanaw ito palayo.
-itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top