I Love You with All my Heart Chapter 10


I Love You with All my Heart
Chapter 10
“Hi Mom” bati ni Ryan sa Mommy niya kasama si Lorraine. At hum*lik sa pisngi ng ina. Tiningnan naman ni Mrs Reina ang babaeng kasama ni Ryan. Napansin nito na bago na naman ang kasamang babae ng bunsong anak.
“Ryan, who is that girl again?” Naiinis na puna ni Mrs. Reina sa babaeng katabi ni Ryan. Matalim niya itong tiningnan dahil hindi nito gusto ang hilatsa ng babaeng katabi ni Ryan.
“Mom, this is Lorraine my girlfriemd” nakangiting pakilala ni Ryan kay Lorraine. Nagtaas baba naman ng tingin si Mrs. Reina kay Lorraine. Para namang na*nsulto ang babae sa ginawa ng ina ni Ryan.
“Hi po Tita” peke itong ngumiti at hum*lik sa pisngi ng Mommy ni Ryan.
“Ryan, Can I talk to you alone? Stay here Lorraine and feel at home” pakiusap nito sa anak. At pumunta ng kusina para ipaghanda ang anak at ang bisita nito ng meryenda. Tumango lang ng ulo si Ryan at inalis ang pagkakahawak sa beywang ni Lorraine.
“Honey, wait for me here” paalam nito kay Lorraine.
“Okay” tipid nitong sagot at umupo sa pang isahang sopa sa sala. Sumunod naman si Ryan sa ina sa may kusina.
“Mom, what’s wrong?” tanong nito sa ina ng makalapit dito.
“Sino na naman ba iyang babaeng kasama mo? Pang ilan na ba yan sa mga naging girl friend mo, Ryan?” sunod sunod na tanong ni Mrs Reina. Iba iba na lang lagi ang dinadala ni Ryan na babae at ipinakikilala sa kanya.
“Hanggang kanilang ka ba magiging ganyan ha, Ryan? Why wont you find a right girl for you? Hindi yung paiba iba ka ng babae na dinadala dito sa bahay” may inis na sabi ni Mrs. Reina sa anak.
“Mom, please huwag niyo na lang pong pakialaman ang mga ginagawa ko” sagot na sabi ni Ryan. Nagpanting naman ang tenga ni Mrs. Reina sa narinig kay Ryan.
“Ryan, I am your Mom, sa ayaw at sa gusto mo may karapatan akong pakialaman ang lahat ng ginagawa mo lalo na’t hindi ko na nagugustuhan!” galit na tono ng boses ni Mrs. Reina.
Sobra siyang nalulungkot na nag iiba ang ugali...


ng bunsong anak simula nuong hindi na nagpakita pa si Susie. Masakit bilang isang ina na nakikitang unti unting nawawasak ang buhay ng sariling anak.
Tinalikuran ni Ryan ang ina at hahakbang na pabalik sa sala.
“Ryan, I’m still talking to you! Huwag mo akong talikuran!” galit na bulyaw ni Mrs. Reina.
Hindi nito pinansin ang ina at dire diretsong nagpunta kung nasaan si Lorraine. Nakasunod naman si Mrs. Reina sa anak. Nilapitan ni Ryan si Lorraine at hinapit sa beyw*ng.
“Mom, we are going to Palawan” inporma ni Ryan sa ina habang malagkit na nakatingin kay Lorraine.
“Palawan? Paano ang kompanya?” nag aalalang tanong ni Mrs. Reina.
“Dont worry Mom, I ask Mr. Marquez to take my place for now while I’m on vacation. Hindi po ako nagpapaalam kundi ipinapaalam ko po sa inyo” matigas na sabi ni Ryan sa ina. At binalingan si Lorraine.
“Honey, our luagage are ready” maarteng sabi ni Lorraine kay Ryan.
“Let’s go” nakangiting sagot ni Ryan kay Lorraine. At sabay na naglakad para umalis.
Pinagmamasdan ni Mrs. Reina ang anak habang papalayo. Napaiyak siya ng makita ang trato ng bunsong anak sa kanya.
“Nasaan na ang Ryan na mabait at masunuring anak?” tumutulo ang luha na sabi ni Mrs. Reina sa sarili.
————
“Ma’am Susie hindi po tayo puwedeng lumabas ng resort habang wala po ang mga magulang niyo” paalala ni Minda sa amo.
“Minda, wala naman sila Mommy at Daddy ngayon. Saka bored na ako na andito lang tayo sa resort. Let’s explore and see the whole Palawan!” masayang sabi ni Susie.
Napailing iling na lang ng ulo si Minda sa mga sinabi ng amo. Siya ang pinagkatiwalaan na mag bantay sa among si Susie.
“Paano na ito ngayon baka mawalan pa ako ng trabaho nito kapag nalaman nina Ma’am at Sir” nag aalalang sambit ni Minda sa sarili.
“Is’nt it amazing! At last I’m free!” masayang masaya na sigaw ni Susie habang nagtatalon at umikot ikot sa buhanginan malapit sa dagat.
Ito na ang time para sa kanya to enjoy staying in Palawan. Hindi nagagawa iyon ni Susie dahil sa hindi siya pinapayagan ng mga magulang na lumabas labas ng kanilang resort.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top