His Lola’s last will Chapter 9


His Lola’s last will
Chapter 9
‘We will call you within this week Ms Fernandes, again thank you for coming’
Pilit ang ngiti kong iniabot ang kamay ke madam principal matapos ang halos 30 minutong interview namin.
And as usual , tatawagn na lang daw uli ako. Nakakawalang gana. Pero what to do. Ganun talaga eh kailangang maghintay.
Paglabas ko ng school ay agad na sumalubong sakin ang malinsangang kalye. Alas diyes na ng umaga.Matindi na ang sikat ng araw at nakakasunog na ng balat ,dahilan para itabing ko ang dalang folder sa ulunan ko. Sy*t. Sayang ang buhok kong bagong plantsa kung masisira lang sa araw. May sunod pa naman akong interview.
Kailangang kong maglagare ng apply ngayun. Nalalapit na matapos ang palugit sa tinitirhan namin, kung hindi ako kikilos baka sa kalyeng ito na kami matutulog sa susunod. Hay naku, kung bakit namn kasi hindi ipagkaloob sakin ni Lord na makapulot man lang ng pera sa daan, kahit one time lang, yung bang sapat na para mabayaran ko ang pagkakasanla ng bahay namin, saka konting sukli para naman sa pag aral ni edward, yun lang okay na.
Ay wait, nakatalisod nga pala ako ng pera, yung mana ke lola, kaso ibang klase naman ang gustong mangyari ni Lord bago ko makuha yung pera, need ko munang pumasok sa butas ng karayom, eh mabuti sana kung karayom lang, marriage contract ang papasukin ko, life time commitment, sa taong ni konting pagtingin ay wala ako, wag na uy!
Hmm.. speaking of that guy, kanina pa nga pala sya tawag ng tawag. Pinili kong iignore ang k*mag. Ang yabang kasi ng dating sakin ng message nya kaninang pag gising ko.
‘ Be ready , pasusundo kita ng eight, Dont keep me waiting, masama akong pinaghihintay. Rply once you read this message, ASAP’
Nasira tuloy ang araw ko Akala mo amo ko kung makapagmando! Makapag banta wagas! Sabi ko nga kanina pag pabangon ko,
‘Manigas ka jan , nunka kitang pag aaksayahan ng load para rplyan!
Pagkatpos nun panay na ang miscol every thirty minutes. Nanawa na lng siguro sya ng may sampung beses na ata syang tumuwag na di ko sinasagot.
Hmp! Bahala sya sa buhay nya! Mas pipiliin ko pang siputin ang mga interview ko kesa sa kanya no! Atleast yun legal na pera, hindi katulad ng sa lola nya, um .. teka ano nga ba ang tawag sa perang yun? Basta ayoko sa pera na hindi ko pinaghirapan tapos!
Huh? Wait nag vivibrate nanamn ang phone ko. Dont tell me its him again! Sandali muna akong lumilim sa waiting shed bago hinarap ang phone ko. Napangunot ako ng noo ng mabasa ko ang numero sa bahay.
Huh si mama? Bakit kaya, naku baka kukumustahin ako nito sa naging interview ko ah,
Nagpalinga linga muna ako, nagbabakasakaling may maparang tricycle, nang wala akong makita ay pinasya ko nang sagutin ang tawag sa bahay.
‘Hello mama, papunta pa lang ako sa susunod na interview, bakit?’
‘Wag ka nang pumunta jan, pumarine ka na at nandito na yung employer mo’ excited na pahayag ng mama sa kabilang linya, na sya ko namng pinagtaka ko ng di oras.
‘Ho? Employer? Sino?’
‘Si Rico daw sya, ang pogi pogi naman nun anak, mukhang mabait pa’
Lalong lumalim ang kunot ng noo ko sa narinig.
tama ba yung naririnig ko? Kinikilig ba ang mama?
Pero teka, sino daw yun? Rico? Sinong Rico?
‘Ma sandali , hindi kita maintindihan wala akong kilalang Rico’
‘Hay naku, umuwi ka nalng muna dito, at kanina pa sya naghihintay sayo, galing pa sya ng bayan, nakakahiya sinadya ka pa talaga dito’
‘Pero wala nga akong matandaan na- huh sandali galing pa kanyo ng bayan?’ Pagkuway ulit ko ke mama, Kinukutuban na ako sa taong ito ah!
‘Oo daw, eh di ba kamo may kinausap kang employer na taga bayan kagabi, baka sya yun’
‘Rico.. Rico.. OMG wag mong sabihing si Sir Federico!’
—////
Malayo palang tanaw ko na ang itim na sasakyang nakapark sa harapan ng bahay namin dahilan para magsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Anak ka ng , mukhang si K*mag nga ang dumating ah! Bw*set lang , talaga bang hindi nya ako tantanan! Pero, pano ba nya nalaman ang bahay ko? Ang tindi! May pagka stalker yata talaga ang taong to ah!
Agad akong sinalubong ni mama pagkapasok ko ng bakuran. Matamis ang mga ngiti nya ng nilapitan ko.
‘Anak mabuti namn at dumating ka na kanina ka pa hinihintay ng bisita mo,’ halos hilahin ako ni mama makapsok lang ng bahay.
‘Wait lang mama, seryoso, pinapasok nyo talaga ang lalaking iyan kahit di nyu pa lubusang kilala’ pigil ang boses kong angil ke mama.
‘Mukha naman syang mabait, bukod sa mukhang yayamanin, napaka galang pa, ‘
Tsk! Kung alam nyo lang! Masama ang ugali nyan, may pakay lang yan sakin kaya nag sa santo santito!
‘Cge na harapin mo na, nakakahiya ang tagal na nyang nakaupo jan, naubusan na nga ako ng kwento kakaentertain sa kanya’

Eh sino ba kasing may sabing maghintay sya jan! Pauwin nyu na nga yan! ‘ diko na napigilang mainis. Bw*set lang, Mukhang nabilog na ata nya ang ulo ni mama ah
‘Amichell!’ Galit na pinandilatan na ako ni mama, bagay na di ko na pwedeng i ignore, mahirap na , baka tamaan nya ako ng di oras ang bigat pa namn ng kamay ni mama,
‘Oo na oo na’ maktol ko saka sapilitang inihakbang ang mga paa ko papasok ng bahay.
-////
Nabungaran ko ang kapatid ko at si Sir k*mag sa sala na nagkwekwentuhan.At mukhang close na sila dahil naabutan ko pang nagtatawanan ang dalawa.
‘Ehem sir nandito na po ang anak ko’. Sabay siko ni mama sakin. Pero I chose not to say something at napairap lang ako .
‘Hi. ‘ tanging naulinigan ko mula sa kanya. It was short and yet to my suprise, softer than his usual voice.
‘Um ,, maiwan na muna namin kayo, edward halika na dun muna tayo ke tya loring...


mo, may ipapagawa ako sayo sa kusina nila’
‘Cge kuya mamya na lng’
Maang na sinundan ko ng tingin si edward na nakipag shake hands ke sir Federico.
abat tama ba yung narinig ko , tinwag nyang kuya ang kumag na to?!
‘Sure, see you later’ tugon namn ng k*mag na may pangiti ngiti pang nalalaman.
Tinignan ko ng matalim si mama bago nila ako iwan,pero mas matatalim at mas nakakamatay ang tinging pinukol ni mama sakin kaya ako rin ang unang nagbawi ng tingin.
Kainis at talagang iiwanan nila ako sa taong ito!
Maya pay naiwan na nga kaming dalawa sa loob ng sala.May ilang minuto siguro kaming walang imikan.
Hanggang sa di na ako nakatiis.
‘Ano bang ginagawa nyu dito?’
‘Do i really need to answer that question? I believe may usapan na tayo kagabi,but you choose to ignore my calls instead, so napilitan akong puntahn ka na lang dito’
Napaismid ako. Alam mo namn palang inignore kita bakit nagpunta ka pa dito! Sarap lang ipamukha sa kanya. Pero hindi ko na ginawa. May ntitira pa namn akong konting pasensya sa sarili kaya minabuti kong manahik na lang muna.
‘Um.. busy kasi ako, may mga interview ako eh..sayang naman kung di ko pupuntahan’ paliwanag ko.
‘Yeah i know, nasabi sakin ng mama mo, I didn’t know teacher ka pala’ he sounded a bit surprised na kusa namng nagpa angat ng isang kilay ko. So anong alam nya sakin nun una, walang degree?
‘Ano ba kasi ang pakay mo dito samin?’
Pilit kong nilagyan ng inip ang boses ko. I dont know. The more kasi na pinatatagal ang usapan namin, feeling ko mas lumalaki ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung dahil pa ba sa naging usapan namin nung gabing iyon sa loob ng kwarto nya o yung the way na titigan nya ako ngayon. Nakakailang kasi. He was looking at me from head to toe mula pa kanina And I can’t help but feel a little bit awkward sa harapan nya.
‘I told you , hindi pa tayo tapos, marami pa tayong dapat pag usapan,’
‘Wala na tayong dapat pag usapan pa sir, dahil unang una sa lahat wala akong planong makihati sa mana nyo, kaya please lang wag nyu na akong idamay jan’
‘I should’ve been happy to hear that, but the problem is, it won’t be able to solve anything between us, so wala tayong choice but to agree with the condition’
‘A-ano?! Sa-sandali dont tell me?’ May kung anong kumibot na kaba sa dibdib ko sa sinabi nyang iyon.Kaba na unti unting nagpapawindang ng isip ko.
‘Mag pakasal tayo, and be done with it’
Kamuntikan na akong mapadausdos sa kinauuputan ko sa narinig.
Ano daw?!
—//:
Federico POV
I saw her beautiful face turn completely pale. Definitely nagulat sya sa sinabi ko. Actually hesistant din akong nung una , but i dont have any choice. Matindi na ang pangangailangan ko at nauubos na rin ang oras ko sa pananatili dito sa pinas.I need to settle this problem as soon as possible.
Tanging kooperasyon lang nya ang kailangan ko sa ngayun, in order for us to move forward with the plan.
But from the way she reacted mukhang medyo mahihirapan ako. Damn it! Dapat ata dinhan dahan ko muna sya. I need to think of somthing, something na magpapayag sa kanya na gawin ang plano.
‘Um..by the way, i heard na nakasanla pala ang bahay nyo .. and if im not mistaken, graduating narin ang kapatid mo’ walang ligoy na sabi ko, direct to the point. And then i saw the shock on her face grow wider.I’ll say Mas lalo syang namutla.
‘Huh? At at pano mo namng nalaman yan?!’she was gritting her teeth with anger pero di parin ako natinag, determined to win her approval, I preferred to continue.
‘Kanino pa eh di sa mama at kapatid mo, And Nalaman ko din na nakakulong ang papa mo kung di ako nagkakamali ng pagkakarinig , from some drug related issue, In fairness, Masarap ka kwentuhan ang pamilya mo’
She threw a deadly look at me pagkatapos ay mariing napa humalukipkip. Ramdam ko ang pagpupuyos ng damdamin nya sa mga sinabi ko, but i really dont care. Im running out of time, she need to say yes to me today, hindi ako pwedeng umuwi ng states na hindi sya kasama!
‘ look mitch, lets be practical, both of us knew how important that money for us, lalo ka na, malaki ang maitutulong nun sa pamilya mo pag nagkataon, im not trying to bargaining you or something, but instead I’m asking you to consider the opportunity, hindi biro ang 2 million dollars sa buhay nyo, do you get what i mean?’
I saw her bite her lower lip. I know She’s a bit confused now, so pinasya kong kumambyo muli ng paliwanag.
‘I know you’re kinda scared of everything, but i already have a plan, so you really dont have to worry anout anything’
‘A-anong plano?’ I look at her and i found her staring at me with full interest.Its a good a sign so nagpatuloy ako.
‘We can get married and then after nating makuha ang mana , we can do a divorce, as simply as that’
‘Ano?! Okay ka lang? At kailan pa nagkaroon ng divorce dito sa pinas ha?! Hello annulment po ang meron dito, taon po ang inaabot nun bago mapawalang bisa ang kasal!’
Nangingiti akong pinanood syang nag gagalaiti sa galit. She look so lost and suprisingly cute at the same time.Might sounds sadistic,knowing na wla syang ka ide ideya sa plano ko makes me feel giddy inside.
‘Wait calm down , hindi ko naman sinabing dito tayo ikakasal, because im fully aware of that’
‘At san mo naman balak na ikasal tayo aber? Wag mong sabihing-?’ She went blank this time at mukhang nahihimigan na nya ang sasabihin ko kaya minabuti ko nang ilatag sa kanya ng tuluyan ang plano ko.
‘We will go to the States, dun tayo ikakasal..’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top