SAKSI SIYA SA KASAL KO


SAKSI SIYA SA KASAL KO
By: Sophia Bianca
PHOTO NOT MINE.
CTTO.
“Dito ba talaga bibinyagan ang anak ni Sheila?” tanong ko pa kay Shanella habang pinagmamasdan ko ang kabuuang ganda ng simbahan. Hindi ko talaga maiwasang hindi pagmasdan ang simbahan dahil isa ito sa mga magagandang simbahan na napuntahan ko na. At isa pa, may memories ako dito with someone who I will never forget.
“Oo. Bakit? May problema ba?” nag-aalang tanong sa akin ni Shanella sabay tapik sa balikat ko. Agad akong ngumiti dito para hindi na siya mag-alala pa. Alam ko kasing hindi siya titigil hanggat alam niyang hindi ako okay.
“Wala naman. Hindi lang talaga kasi ako na-inform na dito pala bibinyagan ang inaanak ko,” sagot ko dito. Agad na namang napalingon si Shanella sa akin habang nakakunot ang noo.
“Ha? Hindi sinabi sa’yo ni Sheila na dito ang location? Sabi niya sinabi daw niya sa’yo,” pagtataka naman ni Shanella.
“Hayaan mo na, baka nakalimutan lang talaga nun.” Iyon na lang ang sinagot ko dahil hanggang ngayon ay tila nawawala ako sa sarili habang pinagmamasdan pa rin ang bukas na simbahan na ‘to. Ni halos lahat ng matagpuan ng mata ko ay may naaalala ako.
Yes. This church reminds me of someone kaya hindi ko maiwasang maglibot sa labas ng simbahan. Dahan-dahan kong hinahakbang ang mga paa ko sa iba’t ibang dako ng simbahan hanggang sa lumapit muli sa akin si Shanella.
“May ikakasal daw pala kaya hindi pa nagsisimula ang binyag,” bulong nito sa’kin habang tinuturo ang loob ng simbahan. Hanggang ngayon kasi ay nasa labas pa rin kami, hinihintay sina Sheila. Mrami kasing tao kaya baka hindi naming Makita ang isa’t isa kapag hindi pa naming hinintay sina Sheila.
“Talaga? Wow ang cute naman. Kaya pala ang daming magagandang bulaklak sa loob,” sagot ko habang dinudungaw ang loob ng simbahan na punong-puno ng dekorasyon pangkasal.
“Tara sa loob panoodin muna natin.” Hindi pa naman ako nakakasagot ay hinitak na agad ako papasok ni Shanella sa loob ng simbahan kaya wala na akong nagawa. Inayos ko naman ang dress ko dahil sa pagkakahitak sa akin ni Shanella.
Pagpasok sa simbahan ay tila may nararamdaman akong kakaiba. Bigla-bigla na lang akong kinabahan at biglang pinagpawisan> ng wala sa oras. Natigilan pa ako bigla sa gitna ng red carpet.
“Ayos ka lang? Ano ba nangyayare sa’yo? Girl hindi ikaw ang ikakasal kaya umupo na tayo,” hitak muli sa akin ni Shanella habang naghahanap ng bakanteng upuan.
Umupo kami sa bakanteng upuan na malapit sa front door ng simbahan. Hindi ko na nilibot muli ang paningin ko dahi alam kong maalala ko lang lahat kaya naman taimtim na lang akong nagdasal habang hindi pa nagsisimula ang kasal.
“Klea puntahan mo na sa labas sina Sheila, andun na daw sila.”
Agad nga akong lumabas ng simabahan habang pinaparinggan ang nakakakilig na kantang pangkasal hudyat na malapit na magsimula ang seremonya ng kasal. Hindi ko agad nahanap sina Sheila sa dami ng tao hanggang sa hindi inaasahan ay nadatnan ko ang bride na nahihirapan sa white gown niya habang bumababa ito sa kotse.
“Ayos ka lang?” tanong ko dito sabay smile.
“Ahm yes. Thankyou sa pag alala sa kin ha.” Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng gown niya. Sobrang pretty niya at kitang-kita sa kaniya na sobrang excited siya sa kasal nila ng groom niya.
“Walang anuman. By the way you’re so pretty. Ang ganda mong bride,” papuri ko pa rito. Mala-anghel kasi ang ganda niya kaya kapukaw-pukaw ng atensyon sa mga nakakakita sa kaniya.
“Thankyou. Ikaw rin. Ang ganda ganda mo.” Nagpaalam na ako dito at pinuntahan na sina Sheila.
Umupo na ako sa isang baka teng upuan
“Klea sorry nga pala kung hindi ko nasabi sa’yo ang location. Ang totoo niyan, kay Nick ko na-send ang location.”
“Bakit naman don mo ni-send eh mag ex na nga sila?” medyo high blood na tono ni Shanella.
“Sorry na, hindi ko naman naalala eh.”
“So it means Ninong pa rin si Nick kahit wala na sila ni Klea?” tanong pa ni Shanella.
“Oo, iyon kasi ang matagal ng pangako eh.”
“Wag na kayo mag-away di-“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagtagpo ang mata namin ng isang lalaking nasa kalayuan. Nakasuot ito ng isang white t shirt at as always, nakasalmin siya.
Walang salitang lumabas sa bibig ko sa mga oras na iyon at tila hindi ako makahinga ng ayos. Parang tumigil ang lahat lalo na ang paligid habang nasa kaniya lang ang tingin ko.
It’s been a years without a communication with him. Ang laki na ng pinagbago niya.
He is Nick, my ex boyfriend. Hindi ko akalain na magkikita kami after a years at dito pa talaga sa simbahan na ito where we plan our dreams together.
Ngumiti ako dito. Ngumiti din naman siya sa akin.
Honestly I’m still in love with him. Pero meron na atang iba.
Lalapitan ko pa sana siya kahit alam kong lalapit naman siya sa amin kaso may lumapit sa kaniya.
“Magsisimula na po ang kasal. Good luck po.”
Mula sa aking mga narinig ay agad tumulo ang mga luha ko. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay agad akong nagpalusot na magtutungo ako sa banyo.
I...


can’t.
Siya pala ang ikakasal. Ikakasal na pala siya sa iba. Ang sakit lang.
“Tawagan mo na lang ako kapag magsisimula na ang binyag ha,” paalam ko kay Sheila habang pinipigilang humagulhol sa iyak.
Lumabas ako ng simbahan ng tumutulo ang mga hindi mapigilang luha. Nung nakasalubong ko ang bride, napangiti na lang uli ako kahit ang sakit.
Umalis ako. Naglakad-lakad lang ako kahit hindi ko saulo ang lugar na ito hanggang sa napadpad ako sa tabing dagat. Maganda ang lugar, maganda ang panahon at sadyang nakaka-fresh kaya pinili kog manatili dito kaysa makinig ng seremonya ng kasal ni Nick. Alam ko kasing hindi ko kakayanin kaya mas mabuti pang ganito.
Doon ko binuhos lahat. Doon ako umiyak ng umiyak habang sumisigaw-sigaw. Wala naman nakakarinig sa akin kaya malaya ako sa mga oras na iyon.
“Sa iba pala gusto mong magpakasal, bakit ka pa pumasok sa buhay ko? Ang sakit mo naman!” sigaw ko sa abot ng aking makakaya kaya kaunti na lang ay parang mapapaos na ako.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayare.
“Panyo para sa’yo,” isang boses mula sa gilid ko kaya agad akong napatigil sa pag-iyak. Ang sama ko kasi umiyak tapos ang gulo-gulo na ng buhok ko.
“Salamat,” wika ko sabay kuha ng panyong inalok niya sa’kin. Nagpunas ako ng mukha at inayos ang sarili.
“Bakit ka nga pala umiiyak. You can be honest with me so don’t be afraid to tell me everything.” Sobrang kalmado ng boses niya kaya ramdam na ramdam kong sincere siya sa akin kahit hindi ko siya kilala.
“Ikakasal na ‘yung ex boyfriend ko for almost 5 years. Nga pala ako si Klea,” sagot ko sabay pakilala sa sarili.
“Nako masakit nga ‘yun pero chill ka lang. By the way I’m Lloyd.”
Matangkad na lalaki si Lloyd, may matikas na katawan at napaka-kalmado niyang tao. Magaa siya kausap tapos ang dami niyang advice sa akin na parang ang dami na din niyang napagdaanan sa buhay. Ito ang gusto ko eh, ‘yung may malalim na conversation with someone.
“Lahat ng bagay may dahilan. May dahilan kung bakit pinaghiwalay kayo ng tadhana. May dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon. May dahilan kung bakit kailangan mong bitawan ang isang bagay. Alam mo kung ano ang dahilan? Iyon ay dahil alam ng Diyos na hindi siya ang nilaan para sa’yo. Na hindi siya ang taong panghahawakan mo habang-buhay. Hindi siya ang taong para sa’yo.” Napatango-tango ako sa sinabi niyang iyon. “Tama ka, siguro nga hindi siya ‘yung para sa akin. Pero, kasalanan ba na umasang malay mo siya?”
“Hindi naman talaga mahirap kalimutan ‘yung taong matagal mong pinaghawakan eh. Ang kailangan lang talaga natin ay tanggapin na hindi lahat ng gusto natin ay mapapa- satin. Don’t worry, it takes time. Alam ko na balang-araw, kung magkikita muli tayo, alam kong sa oras na iyon, ayos ka na. Magiging masaya rin ang puso mo,” ngiti sa akin ni Lloyd.
Pagkatapos nga noon ay maayos na kaming nagpaalam sa isa’t isa. Siya pumunta na sa pupuntahan niya habang ako naman ay nagtungo na sa simbahan dahil tapos na daw ang kasal.
Nagtaka ako kung bakit hindi ko mahagilap si Nick. Iko-congratulate ko sana siya hanggang sa…sinampal ako ng katotohanan.
“Katawan ni Kristo-“
“Amen,” nauutal kong sagot habang kaharap si Nick sabay ngiti sa akin.
Hindi pala siya ang kinasal. Kun’di siya pala ‘yung nagkasal kanina.
“So nag padre ka pala.”
“Oo. Iyon ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa’yo. Mahal kita, pero mas mahal ko siya,” Tinuro niya ang krus na nakapagpalinaw sa akin ng lahat. Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito. Kaya pala, kaya pala siya nakipaghiwalay ay dahil gusto niyang pagsilbihan ang Diyos. Sa halip na malungkot ako dahil hindi kami nagkatuluyan ay mas naging masaya pa ako.
“ I hope matagpuan mo ang lalaking para talaga sa’yo, Klea. Ipagdadasal pa rin kita tulad ng kung paano kita hiniling sa Diyos simula noon,” ngiti ni Father Nick sa akin.
Napangiti na lang ako sabay tulo ng luha ko. Hindi ko inaasahan ‘to.
“Payakap Father,” ngiti ko sabay huling yakap sa kaniya.
5 YEARS AGO…
“I’m happy for the both of you,” bati sa amin ni Father Nick. Agad naman akong napangiti sabay tingin sa singsing na suot ko.
“Thankyou Nick. Thank you Father,” sagot ni Lloyd habang hawak-hawak nito ang bewang ko.
“Tinupad ng Diyos ang hIling ko na makatagpo ka ng lalaking para sa’yo, Klea. At masaya ako na si Lloyd ang natagpuan mo. Ingatan ninyo ang isa’t isa.”
Hindi ko mapigilang hindi maiyak kaya unti-unting nabura ang make up ko kahit hindi pa kami nakakapunta sa reception ng kasal naming ni Lloyd. Yes, si Lloyd ang nakatuluyan ko. Akalain mo ‘yun, siya pala ‘yung para sa akin kaya kami pinagtagpo ng tadhana.
By: Sophia Bianca
“Salamat Nick. Tandaan mon a kahit kelan, isa ka sa nagging magandang nangyare sa buhay ko. Pa-bless po, Father.”
“Isa ka din sa naging regalo sa akin ng Panginoon. Hindi man ako ang pinakasalan mo, hindi mo naman ako pinagkaitan na ako ang magkasal sa inyo. Klea hindi ako para sa’yo dahil para ako sa Diyos. Hanggang sa muli. Congratulations ulit,” ngiti muli ni Father Nick sabay alis.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top