Author: Ren Salazar
Pagkalipas ng anim na taon
” Aning..halika na’t kumain. Ang layo ng binyahe mo kaya siguradong gustom ka. ”
Narinig na tawag ni Schiyev mula sa kanyang matanda nang ina matapos niyang binalikan ang mga nangyari noon. Napangiti pa man din siya habang inaalala ang kanyang kabataan pati na ang kanyang graduation sa mataas na paaralan. Naalala pa niya noon nong nagpaalam sa kaibigang si Rhea.
” Ang daya mo naman,Aning. Iiwanan mo ko dito. Akala ko ba magkasama pa rin tayo sa kolehiyo.”
Niyakap ni Schiyev ang kaibigan. Alam niyang malulungkot ito dahil napagpasyahan niyang sa maynila magkolehiyo.
” Rheang…mas gusto ko kasi doon. Pwede akong magtrabaho habang nag aaral. Alam mo naman,tumatanda na si Nanay at kami na lang ang magkasama sa buhay. Kaya para hindi siya mahirapan ,mag woworking student ako.”
” Hmmp!” Nagtatampo pa rin si Rhea sa kanya.” Kainis naman,eh.” Maya maya sabi niya.” Mamimis kita,Aning. ”
” Ako rin. Mamimis kita. Hiling ko lang na maging masaya ka lagi lalo na’t lagi mong nakikita si Zuriel. Yung crush mo.”
” Iba pa rin kapag nandito ka. Ikaw nga tinuturing na GF nun dahil sa mga barkada niya. ”
” Ano ka ba, gawa gawa niya lang iyon. Hindi naman kami bati ng crush mong yon. Ayoko sa kanya.” Sabi niya.
” Ah,basta!kapag nandon ka na,tumawag ka lagi sakin ha?”
” Oo. Gagawin ko yan.” Tugon niya.
Ngayon ay nasa dalawamput isang taong gulang na siya at kasalukuyan pa ring nag aaral. Huminto siya ng isang taon para pansamantalang magtrabaho sa maynila nang malaman niyang nagkasakit ang kanyang ina. Bumalik na lang nung medyo nagkaluwag luwag na pero nanatili pa ring nagtatrabaho.
” Kayo po nay? Sabayaan nyo na po ako.”
” Abay syempre! Matagal kitang hindi nakasama kaya sasabayan talaga kita. Hala sige..kain na.”
” Plato nyo po….” Inabutan niya ng malaking plato ang kanyang mahal na ina.
” Bakit naman yung malaking plato ang binigay mo sakin?”
” Para po maraming malagyan na pagkain. Ang sexy nyo na rin po nay. Baka nga kayo na naman ang madala ng hangin niyan dahil sa payat nyo.”
” Naku…huwag kang mag alala. Marami ng puno ang nandito. Kahit saan ka lilingon,meron. At hindi na rin nahihirapan ang mga tao kung aalis kasi may traysikel na ,na pwedeng masakyan papuntang sentro.”
” Opo nga po. Marami nang nagbago simula nang lisanin ko ang lugar na ito.”
Huminto muna sila sa pag uusap para bigyang daan ang kanilang pagkain. Pero maya maya pa ay nagsalita na naman ang kanyang ina.
” Kelan ka ba babalik sa maynila?”
” Pagkatapos po ng isang linggo. Maikli lang po kasi naging bakasyon namin sa school kaya hindi po ako pwede magtagal. ”
” Sana hindi ka na muna umuwi. Pagkagraduate mo na lang sa kolehiyo para isahan na at siguradong magtatagal ka dito.”
” Hayaan nyo na po ako. Gusto ko na po kayong makita.”
Saka tumahimik ulit.
” Ah,Nay. Aalis po ako. Dadalawin ko si Rhea. Susulutin ko nang makasama siya ngayong araw para sa ibang pang araw na matitira sa bakasyon ko,pipirmi po ako ng bahay para mas matagal ko po kayong makasama.”
” Sige..ikaw ang bahala anak. Basta ba ,mag ingat kayo ni Rhea.”
” Opo.”
Pagkatapos kumain at makapagpahinga ni Schiyev,naligo ulit at naghanda para sa lakad nila ng kaibigang si Rhea. Tinawagan niya ang huli para ipaalam kung saan sila magkikita.
Isang oras ang nakalipas,magkasama na sila ngayon ni Rhea. Nasa tapat sila ngayon ng kanilang paaralan na pinapasukan noon.
” Ang daming nagbago.” Sambit ni Schiyev.
” Oo. At pati ikaw. Marami ring nagbago sayo. Hindi ka na nakasuot ng salamin. Litaw na litaw na tuloy ang itinatago tago mong kagandahan.”
” Huuu….bolera ka na,Rheang ha.”
” Uy,totoo naman ah. Maganda ka naman. Simple lang nga pero maganda ka pa rin tingnan. Payat ka pa rin pero…ang ganda naman ng katawang hugis mo.”
” Ha?! Ganoon? Ayokong sabihin mo yan. Mas gusto kong sabihin mo na..” niyakap niya ang kaibigan.” Na maganda tayong dalawa.hmm?”
” Bet ko rin yan.” Saka sila nagtawanan.
Pumasok sila sa loob ng eskwelahang naging bahagi ng kanilang kabataan. Mabuti at kilala pa sila ng gwardiya...