Nakarating si Zuriel sa BC company ng mahigit dalawang oras. Dali dali niyang pinark ang motor niya saka nagmadaling pumasok ng building at tuloy tuloy sa elevator papuntang 5th floor kung saan naroon ang kanyang opisina.
Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na siyang sinalubong ng sektetaryang si Dome.
” O,akala ko ba dalawang oras? Lumagpas ka ata..” bungad nito sa kanya saka sumunod sa kanya papuntang mesa. ” May nangyari ba?”
” Wala naman. Konting aberya lang habang nasa daanan.” Sagot niya sabay hubad sa kanyang leather jacket.
” Oh! Bakit ba may sugat ka? ” Tinuro pa niya ang natamong daplis sa braso ni Zuriel at nakitang may dugong umaagos subalit konti lang. ” Napano ka ba?”
Tiningnan ni Zuriel ang sugat niya.
” Ayy…shakks…dinugo pala akwo..” biro niya sa baklang boses.
” Umayos ka nga..” saway ni Dome sa kanya.” Mamaya biglang pumasok yung lolo mo,mabuking ka pa.”
Malapit na magkaibigan ang dalawa kaya walang sekreto ni Zuriel ang hindi alam ni Dome. Kaya nga komportable si Zuriel na kasama ito sapagkat nakakakilos siya ng totoo sa sarili at malaya.
” Ayshhhtt..paki kuha naman nung med kit oh…”
” Sandali. Diyan ka lang.” Dali daling tinungo ang isang malaking drawer at tinunton ang med kit. Pagkatapos,bumalik kay Zuriel at nagprisintang siya ang gagamot.
” Salamat.”
Nagpangiwi ngiwi pa si Zuriel sa hapding nararamdaman. Galos nga lang pero dumudugo.
” Ano bang nangyari?” Usisa ni Dome habang patuloy sa paglalagay ng gamot sa sugat niya.
” Hay…naku.Sa kagustuhan kong matalo ka,hayun…lumusong ako sa dagat ng mga prutas. Basta,aksidente lang.”
Malapit nang matapos ni Dome ang paggagamot sa sugat niya. Lalagyan na lang niya ng bandage at ok na.
” Zu…”
” Yes?” Tumingala siya kay Dome at sinabayan ng pakurap kurap na nga mata.
” Tsk. Pati ba mata mo naapektuhan sa nangyari sayo?” Biro nito.
” Ano nga?”
” Yung lolo mo. Hinahanap ka kanina. Ibinilin niya sakin na sasabihan ko siya kapag dumating ka. ”
” Ha?! For what?”
” Idk. ”
” Mm? Let me think.” Nanahimik saglit. ” What is it this time? Lahat naman ng inuutos niya,ginawa ko naman before i visited our school earlier…”
” Pumunta ka na lang sa opisina niya. Baka naman importante.” Sabi na lang ni Dome sa kanya para hindi na siya magisip pa.
Biglang tumayo si Zuriel.
” Ok. Pupuntahan ko siya. ” Akmang aalis.
” Wait. Yang sugat mo…baka tatanungin ka tungkol diyan kapag nakita niya.”
” Oo nga pala. ” Kinuha nya ang jacket at sinuot uli.
Nasa 2nd floor ang opisina ng lolo niya. Dito ito sadyang pinwesto para hindi gaanong mahirapan dahil sa matanda na rin ito. Hindi ito nakakalakad ng maayos kapag walang tungkod na hawak.
Lingid sa kaalaman ng karamihang tao na malalapit kay Zuriel tungkol sa tunay niyang katauhan. Nagawa niyang ilihim ito sa loob ng anim na taon. Maging ang appa niya na pumanaw na ay hindi rin ito alam. Kaya ang kanyang lolo,ang nagsilbing gabay niya sa lahat ng pagmamay ari ng pamilya pero hindi niya rin masabi sabi dito ang tunay na siya.
Naglalakad siya palabas ng elevator papuntang opisina ng kanyang lolo na’ng bigla siyang kinausap ng isang empleyado nila.
” Sir Bekket…coffee.” iniabot ito sa kanya ng babae na may halong flirty move.
” Thank you.” Tipid niyang sagot matapos kunin ang coffee. ” Ahm..will you please make another one for my lolo?”
” Yes,Sir. ”
” And pakidala sa opisina niya. Salamat.”
” Right away sir.”
Kilala siya ng kanyang mga empleyado bilang Bekket at hindi bilang Zuriel. Simula kasing dumating siya sa Korea kasama ang kanyang Appa,pinalitan ang Zuriel at ginawang Bekket Choy. Na siya na’ng gamit niya ngayon. Ang secretary niyang si Dome ang ang tanging tumatawag sa...