THE STORY OF US CHAPTER 10


“Ayan pakasaya pa kasi kayo. Start na ulit ng paghihirap.” mahinang bulong nya sa sarili habang naglalakad mag isa sa hallway. Galing sya ng library nanghiram ng ilang libro. Malapit na kasi ang finals nila. Kaya kelangan na nila mag concentrate sa pag aaral.
Monday na ngayon. Monday pa lang. Pero binungadan na sila ng tambak na gawain ng mga teachers. Kapalit ata to ng pagsisiya nila last saturday. Tsk!
Bigla may umagaw ng mga dala nyang libro.
“Baby bakit di ka nagpatulong sa akin. Ayaw ko nahihirapan ka.” biglang sulpot ni Burn sa tabi nya at inagaw ng mga dala dala nyang libro. Napangiti sya dito.
“Kaya ko naman kasi. Saka ayaw ko makaistorbo sa mga gawain mo.” sagot nya dito.
“Hindi ka istorbo sa akin. You’re my top priority.” seryosong sagot nito.
“Haha ikaw talaga.” natawa na lang sya dito.
Napapansin nya ang masasamang tingin sa kanya ng ibang nasasalubong nya na babae. May naririnig pa syang nagbubulungan.
“Tsk! M*l*ndi! Nung isang araw si Jax. Ngayon naman si Burn ang kasama.” natawa sya di nya alam kung bulong ba talaga yun o sadyang pinarinig sa kanya.
“Dont mind them.” sabi sa kanya ni Burn dahil malamang narinig din nito ang mga bulungan.
“Sus! as if I care. Wala ako pakialam sa mga opinyon nila. Bahala sila kung ano ang isipin nila sa akin. Basta alam ko at mga taong close kung anong totoo.” paliwanag nya dito.
Kumalat kasi ang balita mula ng saturday na may something sila ni Jax. Lalong nakagawa ng mga fake news ang pagyakap pa ni Jax sa kanya sa harap ng madaming tao. Samantalang para sa kanila ay normal na lang yun. Mga tao talaga masyadong malisyoso. Nagatungan pa ng post ni Mira sa FB na kuha nung magkatitigan kami ni Jax habang kumakanta sya. Na ivideo pala ni bruha ang pangyayari.
Nung tawagan nya to kinabukasan para sermunan. Tinawanan lang sya nito. Kinabukasan na kasi nya ito nakita. Pag uwi nya kasi ng gabi ay nakatulog agad sya dahil sa sobrang pagod.
“Bakit ba nagagalit ka?” natatawang tanong sa kanya ni Mira habang kausap ito sa phone.
“Mira burahin mu un! Baka kung ano isipin ng mga tao!”
“Anong problema kung ano isipin ng mga tao? Eh alam mo naman kung anong totoo?”
“Tsk! Sabagay. pakialam ko naman sa sasabihin nila.” pagsuko na lang nya
“Yan! Ganyan! Saka nakakakilig kaya yung video! Ako no.1 supporter ng love team nyo! hahahaaha” pang aasar nito sa kanya.
“B*liw! hahahah” tinawanan na lang din nya. Naisip nya na hindi na lang sya papa apekto sa sasabihin ng iba.
“Congrats My Lyna..” Naalala na naman nya yung binulong sa kanya ni Jax ng gabi na yun. Hindi nya pinansin pero hindi nawala sa isip nya.
“Pres ano pala gagawin natin sa nakuha nating prize?” tanong ni Rico na nagpabalik sa kanya sa wisyo. Nasa room na pala sya.
“Kayo ano ba gusto nyo?” tanong nya sa mga to.
“Outing tayo Pres!” suggestion ni Chuck.
“Oo nga! Masaya yun!” sang ayon naman ni Chrys.
“Ok kung yan gusto nyo. Mag aya din kayo kung sino pa gusto sumama. The more the merrier! hahaha”
“Sige Pres! yayayain ko ung chicks ko sa section 1!” sang ayon agad ni Chuck.
“Babaero ka talaga! Bahala na kayo. Malaki naman yung nakuha natin. 15k din yun.”
“Hahanap na ako ng magandang resort!” excited n sagot ni Rico.
Dumating na ang teacher nila at nag start na klase.
“Pres! Hanap ka ni jowa!” sigaw ng isang classmate nya sa unahan.
“Jowa? Wala kong jowa!” inaasar na naman sya ng makukulit. Kilala na nya kung sino tinutukoy ng mga to. Lumabas na sya at naabutan nya ang bestfriend nyang nag aantay sa labas.
“Oy Babs. Bakit?” tanong nya agad dito.
“Nana kain tayo. Lunch break na wala kang balak kumain?” yaya nito sa kanya.
“Ok. wait lang po kukunin ko lang wallet ko.” bumalik sya sa seat nya at kinuha ang wallet sa bag.
“San punta mo?” tanong ni Burn sa kanya.
“Kakain sa canteen.Sama ka?” sagot nya dito.
“Yup! Let’s go!”
Pagdating sa pinto ay nagtatakang muka ni Jax na nakatingin sa kanila ang nabungaran nila.
“Kasama sya Nana?” tanong nito.
“Yup! Let’s go! Nagugutom na ko. Libre mo ko Babs hah!”
“Ok. Ok.” walang magawa na sang ayon na lang nito.
Nadaanan nila si Mira na papunta din ng canteen kaya inaya na din nya ito na sumabay sa kanila.Pagdating sa canteen buti wala pang masyadong tao kaya nakahanap kaagad silang lamesa.
“Anong kakainin mo? Ako na bibili.” tanong ni Jax sa kanya.
“Alam mo naman ang kinakaen ko. Ikaw na bahala Babs.” sagot nya dito.
“Ok. Ilang rice?” nakangising tanong pa ulit nito. Inirapan nya to. Alam nyang nang aasar na naman.
“Ikaw bahala!Pag ako mabitin sa kakainin ko! Aagawin ko pagkain mo!” pananakot nya dito na tinawanan lang naman.
“Hahaha sige punta na ko sa counter.” sabay alis nito. Sakto naman balik ni Mira at Burn na naunang bumili sa kanila.
“Oh? hindi ka bibili?” takang tanong ni Mira sa kanya.
“Si Jax na bumili. Anong ulam mo?” tinignan nya ang pagkain nito.
“Caldereta. Gusto mo?” alok nito.
“Mamaya titignanko muna binili ni Babs hahaha” nakabalik na si Jax dala ang pagkain nila. Nilapag nito ang biniling pagkaen nila. 4 na rice, 3 ulam, isang graham cake at lemon juice.
“Wow! Alam mo talaga mga gusto ko Babs! Thank you!” masayang masaya na bati nya dito.
“Haha magpakabusog ka.”
“Grabe girl.Mamumulubi sayo magiging jowa mo sa lakas mo kumain” natatawang puna ni Mira sa kanya.
“Hahaha kaya nga mag boboyfriend lang ako pagtapos na kong mag aral! Para makahanap ako ng may work na tapos madami syang pambili ng pagkaen hahahah” natatawa nyang sagot dito.
“Psh. Kelangan ko makahanap ng magandang trabaho.” dinig nyang bulong ni Jax. Nasamid naman si Mira sa narinig sakto kasing nainom ito.
“Ano yun Babs?” paninigurado nya sa narinig.
“Hah? Ah ano sabi ko kelangan ko humanap ng magandang trabaho para habang wala ka pang boyfriend ako muna magpapakain sayo.” paliwanag nito na parang nauutal pa. Narinig nyang natawa si Mira at Burn.


/> “Talaga? Edi di na ko magpapakahirap maghanap ng boyfriend anjan ka naman eh! ” inosente at masaya nyang sabi dito. Nakita nyang namula ang tenga nito.
“Pre amin amin din pag may time.” rinig nyang sabi ni Burn dito. Nakita nyang tinaliman lang ito ng tingin ni Jax.
“Kaen ka na Nana. Alam kong gutom ka na.” pag iiba ni Jax ng usapan.
“Ayy oo nga!Ang sasarap pa naman ng pagkain. Kain na tayo guys!” yaya nya sa mga to. Nagumpisa na silang kumain ng maalala nya yung outing nila.
“Mira gusto mo sumama? Mag oouting kami eh dahil dun sa prize na napanalunan sa battle of the bands.” yaya nya dito.
“Talaga pwede ako sumama? Kelan ba yan?” Mira
“After ng exams! Syempre pwede ka sumama friend kita eh.”, nakangiting sagot nya dito.
“Ako Nana? Bat di mo ko niyayaya?” mukang nagtatampong tanong ni Jax.
“Eh baka may sarili kayong celebration ng banda mo eh.” sagot nya.
“Wala pa kaming napag uusapan. Baka pwede na lang kami sumama sa inyo?” suggestion nito.
“Pwede naman! Mas masaya nga yun pag madami tayo!” masayang sang ayon nya dito.
“Oo nga pala. Saan tayo mag rereview mamaya?” tanong ni Jax. Nakasanayan na nila na sabay palagi mag review
kapag may exams.
“Sa inyo na lang. Nasa bahay ang makukulit kong pinsan. Hindi tayo makakapag concentrate.” suggestion nya.
“Pati pagrereview magkasama pa din? Uso maghiwalay guys.” asar ni Mira sa kanila.
“Tse! inggit ka lang! Ayain mo si Tony mag review.” balik asar nya dito. Natawa si Jax at Burn kasi biglang napasimangot si Mira sa sinabi nya.
“Di na! Kaya ko mag review mag isa!” naasar na sagot ni Mira sa kanya. Tawanan naman sila dun.
“PASOK KA NANA.” aya sa kanya ni Jax pagpasok ng bahay. Pumasok naman sya. Di naman ito ang unang beses na makapunta sya dito. Lagi sya dito nakatambay. Masarap kasi magluto at gumawa ng desserts ang mama ni Jax. At sya ang taga tikim nito. Tuwang tuwa naman sya doon kasi nakakakain sya ng libre at masarap. May restaurant business kasi sila Jax.
“Nasan sila Tita?” tanong nya ng makapasok.
“Nasa resto sila ni Papa.” sagot nito habang tinutulungan sya sa pagpapalit ng pambahay na tsinelas. Eto na mismo nagtanggal ng sapatos nya.
“Eh si Ate Jam?” tukoy nya sa ate nito. Mas matanda yun sa kanila ng 4 years. Kasalukuyan itong 4th year nursing student.
“Naku halos hindi na umuwi yun si Ate dito. Halos sa hospital na tumira dahil sa pag iintern.”
“Malapit na din pala tayo mag college. Anong course mo Babs?” biglang tanong nya dito. Paakyat na sila sa kwarto nito. Doon talaga sila palagi nag rereview.
“Mag cuculinary ako. Alam mo naman hilig ko magluto.” sagot nito.
“Yes! At ako naman ang taga tikim ng lahat ng lulutuin mo! ” masayang sabi nya ng kasunduan nilang dalawa noon.
“Hahaha loko ka talaga. Ano na nga kasi ang kukunin mo? Di ka pa din nakakapag decide?”
“Nakapag decide na ko noh. Mag business management ako. Sabi kasi ni Mama ako din naman mamamahala ng business namin.” paliwanag nya dito.
“Maganda yun. Atleast magagamit mo talaga after mag graduate.” binuksan na nito ang pinto ng kwarto.
Kita nya agad ang kulay blue na kama nito. Ang walls ay combination ng white at gray. sa isang tabi ay ang study table nito na may mga katabing book shelves. May isang shelf din ito ng mga academic awards at ilang trophy sa basketball. Did i already mention na varsity player din ang bestfriend nya? Opo. Multi talented talaga ang best friend nya. Napaka daming kayang gawin. Nung nagbigay ata ng talent si God ay gising na gising ito at sinalo lahat.
Naupo sya sa sofa sa gilid ng kwarto nito. Dito sya madalas pumwesto. May maliit na lamesa sa harap nito.
“Nana, Magbibihis lang ako hah. Gusto mo ba magbihis?” alok nito sa kanya.
“Pahiram na lang ako ng tshirt mo Babs, wala ako nabaon na damit. Naka doble naman ako ng short eh.”
“Ok. Mauna muna ako magbihis.” at pumasok na ito sa CR sa loob ng kwarto nito.
Tinatamad pa sya magumpisa hihintayin nya si Jax. Naglakad muna sya papunta sa higaan nito. Napangiti sya ng makita sa side table nito ang picture nilang dalawa. Mula 1st yr na magkilala sila, taon taon nagpapapicture silang dalawa kada 1st day ng pasukan.Remembrance ng High School life nila.
Humiga sya sa kama nito kasi nakaramdam sya ng antok.
‘Ang bango ng higaan. Amoy Jax. Hehe.’ natatawang sabi nya sa isip.
“Oy Nana. Bawal matulog. Mag aaral pa tayo.” sabi ni Jax pagkalabas ng CR. Napabangon naman sya bigla.
“Di ahh. Di ako matutulog. Peram na po ng tshirt mo.” palusot nya dito at tumayo na sya.
“Oh. Bihis ka na.” sabay abot nito ng tshirt.
Pumasok sya sa banyo at nagbihis na. Pagtingin nya sa salamin ay natawa sya sa itsura. Nagmukang dress ang damit ni Jax sa kanya. Nawalan ng silbi ang shorts n suot nya kasi di din naman nakita. Ang laki kasi ng damit ni Jax. Matangkad kasi ito tapos sya hanggang dibdib lang ata nito.
Lumabas na sya sa banyo at naabutan nya si Jax na naglalabas ng mga gamit nito sa bag. Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ng CR ay nilingon sya nito at nagulat sa kanya at nabitawan nito ang hawak na ballpen. Gumulong ito sa sahig papunta sa direkasyon nya at sa kasamaang palad ay nahakbangan nya ito at nadulas sya.
Napahiyaw sya sa pag aakalang babagsak sya sa sahig. Napapikit na lang sya at hinintay ang pagbagsak nya ng maramdaman ang biglang may humawak sa kanya at niyakap sya sa bewang at ulo.
Pagdilat nya ng mata ay nagulat syang nakadagan na sya kay Jax. Naiikot nito ang katawan nila para ito ang mabagsak sa sahig.
Nagkatitigan silang dalawa sa mata. At unti unti bumilis ang tibok ng puso nya. Si Jax naman ay malamlam ang matang nakatitig sa kanya ng walang kakurap kurap.
Nakaramdam na sya ng ilang kaya bigla syang bumangon at sinabi ditong.
“Ahm. Aral na tayo?”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top