MAHIRAP ANG MAGING BATANG AMA


MAHIRAP ANG MAGING BATANG AMA.
“Naranasan muna bang magsunod-sunod ‘yong problema at hindi mo alam kung paano ito lalagpasan?”
Napatingin ako sa kaibigan kong lalake dahil sa tanong niya. Pagkatapos tumingin ako sa kawalan ng maalala ang pangyayari na ‘yon.
“Oo naman.”
“Ano naman ang problema na ‘yon?” Tumingin ulit ako sa kanya.
“Yon ‘yong maaga akong naging Ama. At the age of 16.”
Tumingin na siya sa harapan dahil meron na pala ang professor namin.
Maghapon ang iginugol ko sa klase pero habang nag-aaral ako ang laging nasa isip ko ay ang anak ko.
Nang magpaalam na ang Professor namin ay mabilis akong lumabas ng room para makauwi na.

“Daddy, wala ka po bang klase ngayon?” Napangiti ako. “Walang klase si Daddy ngayon, kaya may time tayong dalawa.”
“Yeheyyyy!” Napatawa pa ako ng tumalon ito dahil sa saya.
“Halika na dito. Iipitan na ni Daddy ang buhok mo.”
Lumapit ito sa ‘kin habang hawak ang Teddy bear niyang aso. Kinuha ko ang ponytail at inumpisahan ko ng hawakan ang buhok niya.
“Teddy, ipitan din kita ah.” Natawa ako ng ipitan niya nga ito.
“Buti na lang walang klase si Daddy. Hindi na tayo maiiwang dalawa.” Bigla akong napalungkot. Dahil kung puwede nga lang na hindi na ako mag-aral para bantayan siya ay ginawa ko na. Pero kailangan dahil para din ‘yon sa’ming dalawa.
“Daddy, asaan po ba si Mommy?” Napahinto ako ng magtanong ito, biglang pumatak ang mga luha ko. Ano ang isasagot ko? Na iniwan kami ng Mommy niya at sumama sa iba?
‘Yan ang lagi kong iniisip kung paano ko sasabihin at ipapaliwanag sa anak ko, na iniwan kami ng Nanay niya.
Hindi na lang ako nagsalita. “Tapos na.”
Tumayo ito at ako mabilis kung pinunasan ang mga luha ko.
“Daddy are you crying?” Tanong nito. “No, baby. Napuwing lang si Daddy.
Niyakap ako nito. “Huwag kana umiyak Daddy ah.”

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa anak ko. “Daddy wake up! Ma-le-late kana.”
Bigla kong kinusot ang mga mata ko. “Ano ‘yon nak?”
“Ma-le-late kana Daddy.”
Mabilis akong napatayo at tinignan ang orasan, tama nga siya. Mabilis ko itong...


binuhat at kinuha ang Tuwalya namin.
“Daddy, ‘yong Teddy ko po.” Tumingin ako sa tinuturo niya. Bumalik ako at kinuha ‘yon.
Pinaligo ko muna siya, at inayusan dahil pupunta mamaya dito si Mama sa bahay siya ang magbabantay sa anak ko.
Pagkatapos ay naligo na din ako. Pagkalabas ko ng banyo ay mabilis akong nagbihis. “Anak, pupunta na si Daddy sa school ah.”
Tumango ito at niyakap ako. “Bye, bye Daddyyy.” Hinalikan ako nito sa pisnge at ganun din ginawa ko.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Mama na papalapit na. “Ma, ikaw na po bahala sa anak ko ah.”
“Ingat ka, nak.”
Pagkarating ko sa school ay masama akong tinignan ng Professor ko. “Mr. Fernandez. Hindi ba’t sinabi ko na bawal ma-late sa klase ko?!”
Napayuko ako. “S-Sorry po Prof. Pinakain at pinaligo ko pa kasi ang anak ko.”
“Ayan! Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo?!” Natahimik lahat ang buong klase dahil sa sigaw niya.
Napakuyom ako ng kamao. “Bakit naman ako magsisisi? Oo mahirap, maging isang batang ama, pero hindi ibig sabihin nun tatakasan ko ang responsibilidad ko bilang ama sa anak ko. Wala ako ni kahit isang pinagsisihan dahil simula nung dumating ‘yong anak ko. Natuto ako na lumaban at harapin ang problema na ‘yon kahit mag-isa lang ako. Nagkaroon ako ng pag-asa na kahit naging batang ama ako, hindi ‘yon magiging hadlang sa pangarap ko hindi gaya ng ginawa mo sa’min. Iniwan mo kami ni Mama! Tinakasan mo responsibilidad mo sa ‘kin!” Napaiyak ako at bigla kong naisip ang ngiti ng anak ko.
“Ikaw, nagsisisi ka ba na naging anak mo ako? Nagsisisi ka ba na maaga kitang nabigyan ng apo?” Umiiyak na tanong ko. Kita kong napatingin ito sa ‘kin na may lungkot sa mga mata. Lumapit Ito sa ‘kin at niyakap ako.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga kaklase kung umiiyak. Oo naging batang ama ako. Mahirap ang maging ama at ina sa anak ko, pero makita ko pa lang ang mga ngiti ng anak ko, parang nawala lahat ng problema ko.

Written by: Skylar Prosé
Photo not mine






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top