SHE’S FINALLY A Mrs. Santiago


SHE’S FINALLY A Mrs. Santiago
By: Sophia Bianca
PHOTO IS MINE.
“Tumahan ka na d’yan. Nakakadiri kaya ‘yang sipon mo,” maarte kong boses sabay tingin kay Mitch.
Kanina pang umiiyak ito na parang bata. Ang dami din niyang siansabi eh ni wala naman akong maintindihan dahil ang bilis niya magsalita.
Agad nga siyang lumingon sa akin at siniringan ako. Ang attitude din talaga ng isang ‘to. Siya na nga ang pinapatahan eh.
Makalipas ang ilang Segundo, tumayo na siya at pinunasan ang kaniyang mukha. Para siyang bata.
“Wala ka talagang kwentang kaibigan! Ni hindi mo man lang ako dinadamayan. Tse!” inis na inis niyang sigaw kaya agad akong napahagalpak sa tawa.
“Ano ba dapat ang gawin ko? Yakapin ka? Huy Mitch wala tayo sa mga teleserye,” tawa ko pa habang siya’y nanliliksik ang mga mata. Para siyang papatay sa tingin niya.
Mitch is my bestfriend? Yes, but she’s my kaaway. Wala atang araw na hindi kami nagbangayan o nagsigawan. I think ganun naman talaga ang magkaibigan. Malala nga lang ang amin.
Kahit ganun lagi ang nangyayare, hindi naman naming makaya ang wala ang isa’t isa sa bawat kalokohan.
“Huy Luiz paabot naman ng libro. Ang taas kase,” kamot ni Mitch sa ulo niya.
Pandak kase ang babaeng ito kaya mukha siyang minion. Kung idi-describe ko siya. Ahmm Mitch is chinita girl, short hair at ubod ng kulit.
“Ikaw na, may kamay ka naman eh,” sagot ko sabay ngisi sa kaniya.
Ganito talaga kami, araw-araw namba-badtrip sa isa’t isa.
Akmang aalis na ako pero agad akong nakatanggap ng hampas sa braso. Ang liit-liit niya pero para siyang dragon kung manghampas.
“Madapa ka sana, bwisit ka!”
Lagi kaming magkaaway pero hinding-hindi mapaghiwalay. Kung nasaan siya, andun din ako. Nasa tabi kami ng isa’t isa kahit puro pikunan at asaran lang naman.
“May napapansin ako,” wika niya habang kumakain kami ng isaw.
Iyon,seryoso lang kami pag kumakain. Tahimik lang kami kapag kumakain. Sa pagkain lang kase kami talaga nagkakasundo eh.
“Ano?” tanong ko.
“Bakit parang wala ka atang naikukwento na mga babaeng nakakachat mo?”
Napatigi ako sa tanong niya. Ano bang akala niya sa akin? Babaero? Ang bastos talaga niya.
Gusto kong magreklamo pero hindi ko nagawa. Oo nga no? Ang tagal ko na palang walang naikukwento sa kaniya na mga tsimis tungkol sa buhay ko.
“Honestly wala akong nakakchat ngayon. Ewan nga, hindi ko din alam kung bakit wala akong gana mag entertain ng iba. Kaya iyon, no choice. Ikaw lang nakaka chat ko. Tapos wala pang kwenta ang mga pinagsasabi mo.”
Nahampas na naman niya ako sa braso kaya muntikan ng matusok sa mukha ko ang stick. Ang hilig talaga niya manghampas sa braso. Kung hindi lang talaga siya babae, naitulak ko na ‘to sa mga nakaabang na aso.
“Lalo ka na! Puro kalokohan lang pinagsasabi mo!” protesta niya kaya naman nagtatalsikan sa akin ang mga laman ng bibig niya. Ang dugyot talaga.
“So kaya pala ang bilis mo mag reply samantalang noon isang araw pa bago mo mabasa ang chat ko?” ngisi niya.
Mitch is so madaldal. Hindi niya ako tinatantanan sa mga iba’t ibang kwento niya o chismis na naghagilap niya sa kung saan-saan. Kaya naman, minsan nilalagyan ko na ng tape ang bibig niya.
“Nga pala, may naikwento sa akin si Ranz,”wika ko.
Si Ranz ‘yung pinsan ko na crush na crush niya since Grade 7 kami.
“Oh ano daw?” nakangiti agad na tanong ni Mitch.
“Diba crush mo ‘yun noon? Sinabi ko na cush mo siya.”
Nanlaki ang mga mata niya at napaghampas-hampas ako.
“Ha? Ang bargas mo talaga!”
“Pinamigay na kita. Sabi ko ligawan ka na. Diba gusto mo si Ranz? Sabi mo pa nga ang swerte mo kapag si Ranz naging boyfriend mo eh kase magkakaroon ka ng isang Architect Ranz,” ngisi ko.
Ang sarap pagmasdan ng mukha niyang naiiyak dahil sa kahihiyan. Ang arte talaga niya. Siyan a nga ang pinapalapit sa crush niya eh.
“Bakit mo ginawa ‘yun?”
“Bakit parang kasalanan ko pa? Dapat nga pasalamat ka pa sakin eh kase nilakad na kita kay Ranz.”
“Hindi mo man lang ako inisip. Nakakahiya kaya ‘yung ginawa mo! Haysst nakakinis ka. Bahala ka nga d’yan!” imbyerna niyang sigaw sabay walk-out.
‘Huy!” tawag ko dito per hindi siya lumilingon.
Wala talagang araw na nagkasundo kami.
‘Yun siguro talaga ang role naming sa isa’t isa, ang bwisitin ang isa’t isa sa araw-araw.
Hanggang sa…
“Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng epelyido ninyo. Ang ganda ng epilyidong Santiago,” wika ni Mitch habang pinagmamasdan ang papel ko. Nakangiti siya.
“Oh tapos?”
“Maging Mrs. Santiago kaya ako pagdating ng araw?” biglaan niyang tanong sa kawalan na ikinagulat ko pero hindi ko pinahalata.
Anon a naman bang pumapasok sa isip niya at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi niya? Nababaliw na ata ‘to.
“Akala mo naman pakakasalan kita. Huy hindi tayo talo!” asar ko pero nahampas niya sa akin ang isang makapal na libro.
“Kapal naman ng face mo! At sinong may sabi sayo na magkakagusto ako sayo? Baliw! Best friend forever tayo!” sigaw pa niya doon pa sa harap ng tenga ko.
Nakakarindi talaga ang boses niya. Ang sakit ear drums.
Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na parang dragon.
Basta ang alam ko, ang cute niya umiyak.
“Magaling nga! Ilan nahuling palaka?” asar ko nung nadapa siya.
“Hindi mo talaga ako tutulungan dito?”
“May sarili kang paa Mitch. Kaya mo ‘yan.”
Oh diba ang galing ko managing bestfriend?
Pero honestly,
Si Mitch?
Sa aming dalwa, siya ‘yung malambing. Bigay siya bigay ng mga letters kapag may okasyon. Binabasa ko naman ‘yun pero sa halip na maiyak ako eh natatawa pa ako
“Oh letter. Happy Valentine’s Day<” sulpot niya sabay abot ng isang papel na gusot-gusot pa. “Nagbigay ka na naman nito eh ang sama naman ng sulat mo,” pula ko pa. “Yabang mo! Oh ‘yung akin nasan?” tanong niya pagkatapos akong hampasin sa braso. “Wala. Hindi naman ako gumagawa ng mga ganyan eh atsaka tinatamad ako gumawa ng mga ganyan. At saka ang corny kaya,” wika ko pa. Hindi kase ako ganun. Sa activities nga tinatamad ako magsulat, letter pa kaya. Hinahayaan ko na lang na matambakan ng letters sa cabinet ko na puro galing kay Mitch. Kulang na lang sunugin ko ‘yun sa sobrang dami. “Bakit ‘yung ibang mag bestfriend ang sweet sweet tapos ikaw nakaka badtrip araw-araw,” reklamo niya habang iniintindi ko ang lesson. “Arte mo! Iba naman tayo sa kanila! Ano bang gusto mo? Yung sobrang sweet? Duh ang corny!” “Ang arte...


mo!” sigaw niya na nangigigil hanggang sa natahimik siya. Hidi tuloy ako nakapag concentrate sa lesson nung napansin ko na anakatingin siya sa akin. “Basta Luiz hindi ako nagkamali na ikaw ‘yung napili kong kaibigan.” Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Ewan ko pero natigilan ako doon sabay sabing “Edi wow.” “Ang tigas talaga ng puso mo! Haysst!” Isang gabi, hindi ako amkatulog. May parang bumabagabag sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit ganito., kung bakit si Mitch ang iniisip ko. Tumayo ako at kumuha ng isang letter na galing kay Mitch. Ewan ko pero na-miss ko siya bigla kahit kakachat lang naming kanina para sirain ang gabi ng isa’t isa. ‘More chikas to come. Mahal kita Luiz Santiago kahit para kang takas mental, kahit ang lakas mong mang-asar at kahit nakakasawa na ‘yang face mo. Araw-araw ba naman kitang kasama, tsk.’ Nagsulat ba siya ng letter para bad tripin ako? Kainis. Lumipas ang mga araw, mas napansin ko si Mitch. Bigla-bigla ko na lang naaramdamn na she’s so attractive. Tapos ang nakakabaliw pa, gusto ko na ‘yung lambing niya. Luiz: Matulog ka ng maaga ha. Ewan ko kung bakit ko nasend ‘yun kahit hinahayaan ko anman na magpuyat siya noon. Mitch :Malamang may flag ceremony bukas. Luiz: Goodnight. Mitch: Aysus matulog ka na. Akla ko ba sweet siya? Hayst. Naging anghel ako biglaa-bigla pagdating sa kaniya. “Celebrate natin ‘yan,” wika ko sabay turo sa certificate na nakuha niya. “Bakit?” “Kase nakakuha ka ng achievement,’ nahihiya kong sagot. “Talaga lang ha. Eh noon nga congratulations hindi ako makatanggap sa’yo!” reklamo pa niya. “Dati ‘ yun. Tandaan mo, people change.” “Paano eh wala nga tayong pera,” lingon niya. “Libre ko.” Aaminin ko, I love her na. Mahal ko naman taalaga siya noon pa pero as a friend. But now, it feels like I can’t loose her anymore. “Ayaw kase titingin sa dinadaanan eh. Patingin nga ng tuhod mo? May sugat ba? Masakit ba?” nag-aalala ko agad na mga tanong sa kaniya nung madapa siya. Ang lampa kase niya eh. “Luiz ang OA mo! Gasgas lang to, malayo sa bituka!” I become sweet person, sa kaniya. Bakit baa ko nahulog sa babaeng dragon na ‘to? Haysst. Luiz; Mahalaga ka sa akin na babae ka. Mitch: Ano ba nakain mo at ang sweet mo? Luiz: Inubos ko kase yung isang kilong asukal na natapon dito sa lamesa. Inunahan ko na ‘yung mga langgam. Mitch: Utak mo blue Oh diba puro walang kwenta pinag-uusapan namin hanggang sa.. Luiz: I love you. Mitch: Yack sira ulo ka. Luiz: Weh di nga? Mitch: Bahala ka d’yan. Tutulog na ako. Hanggang sa dumating ‘yung PROM namin. Ewan pero excited ako an maisayaw siya. For yhe first time, naisayaw ko siya. Sa 8 years na friendship naming, ngayon ko lang siya naisayaw. “Maganda ka rin pala,” wika ko habang nakapatong ang mga kamay niya sa balikat ko at nakahawak ako sa bewang niya. “Matagal na,” tingin niya sa akin. Ang cute talaga niya. Halos hindi matanggal ang mga mata ko sa kaniya. Ano bang pinakain nito sa akin at naagkakagaito ako? “Mitch promise me na pipili ng manliligaw na katulad ko ha.” “What do you mean?” “Hahanap ka ng lalaking katulad kong gwapo,” asar ko. Siniringaan lang niya ako. “Ipangako mo sa akin na ngingiti ka pa rin lagi ng ganyan ha. At kahit anong mangyare, andito ako para sayo. Palagi akong masaya para sayo.” For the first time, nagsalita ako na parang ako na ang pinaka sweet at thoughtful na tao. Nasabi ko talaga ‘yun? “Mamamatay ka na ba?” tawa niya. “Hindi pa naman pero malay mo diba?” “Baliw! Hindi ko kaya kapag nawala ka. Kung mamamatay ka, sama na lang ako. Best friend forever diba? HAHHAHA.” Her smile makes me smile. Until, I need to leave her. “Sa Maynila na ako mag-aaral,’ balita ko sa kaniya. Nagbago agad ang reaksyon ng mukha niya. Galit siya. “Aw? Ang daya mo naman! Iiwan mo ako dito?” Paraa siyang batang paiyak na. Kahit aako ayaw ko anman talaga umalis eh pero kailangan. “Bukas na alis ko.” “Ha?” sigaw niya sabay hampas na naman sa akin. “Aray! Bukas na nga alis ko tapos hinahampas mo pa ako. Ediba dapat pinipigilan mo ako. “Kapal mo naman! Ang sa akin lang bakit mo ngayon lang sinabi? Ang daya mo talaga!” This is one of the unforgettable day in my life. Kase sa unang pagkakataon, iiwan ko si Mitch. Naiiyak ako habang nasa harapan ko siya pero pinipiglan ko talaga ang sarili ko. Parang siya pa ‘yung aalis kung makahagulhol sa iyak ang abbaeng ‘to. Akala naman niya mamamatay na ako. “Wala man lang bang yakap?” tanong ko. For the first time, nagkaroon ako ng lakas ng loob na humingi ng yakap sa kaniya. “Kelan ka pa humingi ng yakap?” asar niya ahbang umiiyak pa rin siya. Sinulat ni: Sophia Bianca “Ang dami mo pang tanong akala mo gold! Edi wag aalis na ako,” biro ko sabay talikod sa kaniya pero isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Niyakap niya sa likod. Ang higpit ng yakap niya na parang ayaw ako paalisin. “Mag-ingat ka don ha. Huwag mo akong ipagpapalpalit don. Ako pa rin to si Mitch na bestfriend mo,” bulong niya. “Oo naman. Ingat ka din lagi ha. Aral tayo mabuti. See you soon Mitch.” Umalis ako ng ni hindi man lang nasabi ang nararamdaman para kay Mitch. Ang totoo niyan, sa Maynila ako nag-aral para matupad ang pangarap ko, maging Architect. Dito kase sa Maynila ako nakatanggap ng scholarship kaya kahit mahirap iwan si Mitch, I grab the opportunity. Gusto ko maging Architect para may mapatunayan ako sa sarili ko, sa pamilya ko at syempre para kay Mitch. At maniniwala ba kayo kung sabihin ko na motivaton ko ‘yung sinabi ni Mitch na she wants to be Mrs. Santiago? Hhahahah grabe I can’t wait to marry her. Sana nga lang mangayre iyon. She’s an inspiration. Nagsikap ako sa pag-aaral at alam kong ganun din si Mitch kaya wala kami masyadong communication. AFTER 6 YEARS This is it! Ito na ang araw na pinakahihintay naming dalwa ni Mitch, ang wedding day. Pinagmamasdan ko lang siyang naglalakad ng nakangiti papalapit sa akin. She’s so gorgeous. That’s my girl! I can’t believe. “Finally, you’re now officially Mrs. Santiago. Ayiee!” pang-aasar ko pa habang kilig na kilig naman siya. She’s so cute talaga. “Kaya nga eh. Sinong mag-aakalang magiging totoo ‘yung sinabi ko.” Tawanan naming. “Congratulations, Mitch.” Ang boses ko’y tila napapagod. Ang hirap pala bigkasin nun pero stil maasaya ako sa kaniya. “Thank you Luiz. I Hope mahanap mo na ‘yung para sa’yo,” ngiti niya. I smiled at akmang magsasalita pa pero nagsalita muli siya. “Sige mauna na ako. Tinatawag na ako ni Ranz. Thank you ha!” ngiti niya. Isa naakong ganap na Architect pero never magiging husband ni Mitch. Yes, she’s now Mrs. Santiago. Naikasal siya sa pinsan ko, hindi sa akin. But still, I’m happy for her.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top