May mga tanong tayo na hindi kayang sagutin nino man. Hanapin mo man kung saan-saan, hindi mo parin ito mahagilap at makita. Ang sabi, βdarating ang panahon makikita at malalaman mo rin dahilan at rason. Kung bakit may mga pangyayari na kailangan mong maranasan.β
‘Yung p’wede naman, pero hindi muna. P’wede naman sa ngayon, pero sa susunod muna ‘yun. Ang daming pw’ede at ipagpatuloy pero kailangan mo munang pigilan ‘yun. Hindi pa kasi tugma. Hindi pa kasi tama, wala pa sa perpektong pagkakataon at panahon. Masakit pero hindi pa ‘yun ang tamang oras para sa inyo.
“Let’s break up, pagod na ako sa relasyon natin.” aniya na s’yang ikinatawa kong may malakas na kaba sa dibdib.
“Naulan ka lang e. Gan’yan ka na magsalita. Hindi ako papayag prank man ‘yan o hindi, Janrick.” sagot kong pinipigilan ang emosyon ko.
“Seryoso ako, Eliza. Maghiwalay na tayo. Hinihiwalayan na kita.” Sabi nitong nagpabasak sa mundo ko. Umiyak ako bigla. Tinarak bigla sa ‘kin ‘yung kutsilyo sa dibdib ko.
Tanong ko lang? Nasa maling panahon ba kami? Para ito ang maging hantungan ng relasyon namin? Nasa maling oras ba kami? Para dito magtatapos ang pagmamahalan namin. Hindi naman siguro ‘di ba? O ito ang tadhanan namin sa ngayon…
“Sabihin mong kaya mo. Sabihin mong magiging masaya ka sa araw-araw, kahit wala na ako. Sabihin mong kalilimutan mo muna ako para sa pangarap at sarili mo. Sabihin mo, Eliza,” matapang at matigas na sabi nito sa akin. At nasasaktan ako sa nakikita at nararamdaman ko lalo na sa mga sinabi niya. Tagos ‘yun sa kaibuturan nang kalamnan at buto ko.
“Hindi ko kaya ‘yun. At mas lalong hindi ko magagawa ‘yun. Hinding hindi, Janrick. Hindi ko kayang sabihin na kalilimutan kita dahil lang sa pangarap at sarili ko. Ayon sa gusto mo,” sagot kong umiiyak. Kahit anong sabihin niya, hindi ko kaya. Mahal ko siya. Isa siya sa dahilan ko kung bakit lahat ginagawa ko. Nagagawa ko lahat lalo na pagdating sa pag-aaral at sarili ko.
“Gusto ko makapag tapos ka, Eliza. Makapag fucos at makapag concentrate ka. Kasi, gusto ko doon lang iikot ang mundo mo. Iyon lang ang iisipin mo. Sarili mo lang at pangarap mo. Na iyon lang ang magiging priority sa buhay mo. Except sa pamilya at sarili mo,” paliwanag pa nito na parang Papa, ko na pinag taasan ako ng boses, pinangaralan akong may galit at paninigaw. Masakit. Tanging pagbagsak ng mga luha ko ang naisagot ko.
Bakit kailangan pang maghiwalay at magkalayo? Itataya at isantabi muna ang sariling pagmamahal at relasyon para sa pangarap at sarili. Para sa kabutihan at kapananan. Para sa magandang kinabukasan at buhay sa hinaharap. Bakit may mga ganong bagay pa? Bakit? Kung p’wede n’yo namang tuparin at gawin ‘yun ng magkasama.
“Bakit mo ba ito ginagawa? Bakit kailangan mo akong hiwalayan? Bakit? Janrick? Bakit? Kasi hindi ko kakakayanin. Alam mong isa ka sa dahilan ko kung bakit lahat nagagawa ko.” sigaw ko sa kan’yang umiiyak. Ang daya naman, e. Ang daya. Bakit gan’on? Bakit ganito?
“Maiintindihan mo rin ang lahat Eliza, kung bakit ko ito kailangang gawin sa ‘yo. Makikita at malalaman mo rin ‘yun pagdating ng tamang panahon. Kaya, gawin mo ang lahat. Maging malakas ka at matatag. H’wag mo akong iisipin. Para hindi ka malungkot o umiiyak. Dahil, gagawin ko ang lahat para makalimutan ka, kapalit ng mga pangarap natin sa buhay.” Mahabang lintaya nitong basag ang boses...