SELLina CHAPTER 49


“Momy!uuwe na po kami,”paalam ni carlita sa inang malayo ang tanaw..
“Momy paalam na!”humalik si carmona sa ina ngunit wala itong reaksyon..ilang linggo na ng mapansin nilang ganito ang ina..lagi itong tulala at ni hindi manlang sumasagot sa kanilang mag kapatid..
Tumalikod ang dalawa at akmang aalis ng..
“Carlita?
“Carmona?”tawag buhat sa ina,kaya agad silang napalingon ng sabay..
Lumapit ang dalawa..
“Momy?opo ako si carlita at ito naman si ate carmona!”maluha luha silang dalawa dahil muli nilang narinig ang boses ng ina, na hindi umiiyak o tumatawa..
“Momy?magsalita ka ulit please!!”si carlita na nakahawak sa kamay ng ina..
Ngunit wala ng namutawing muli sa bibig nito,dahil natulala itong muli..
Kaya tinanong ni camona ang nurse na nasa likod lamang ng kanilang ina..
“Nurse?hindi naba babalik ang dati naming momy??”
“Hindi namin alam,dahil akala namin noon ay bumubuti na sya,ngunit ngayon natutulala nanaman sya,..hindi namin maintindihan kong anu nga ba ang nangyayari sakanya..
Araw araw naman naming pininapainum ng gamot,ngunit parang wala itong ipekto sa inyong ina..”paliwanag nito
“Pero gagaling paba sya nurse?”si carlita iyon na mukhang maiiyak na anu mang sandali..
“Depende na iyan sa inyong momy!dahil sya lamang ang may alam sa kanyang sarili.!”humawak si carmona sa inang nakaupo..
“Momy!magpagaling ka huh?kapag gumaling ka,kukunin kana namin ni carlita..mahal ka namin momy!!”
Pagkatapos niyon ay humalik muli sila sa ina at tumalikod,
Habang si carlita ay nagpupunas ng luha
Sa susunod na linggo na naman sila makababalik dahil bawat punta nila roon ay kailangan ng perang pamasahe at syempre may trabaho din sila araw araw..
Panalangin lamang nila na sanay gumaling na ang ina upang maging nurmal na ang kanilang momy…
“Aaaay!!”hiyaw ni carmona ng bigla syang bungguin ng ….
“Ikaw?????”gulat na gulat ito dahil sa nakita
“Oohh nagulat ba kita?”saad ng lalaki habang nakangise..
“Bakit ka nandito??”pagtataray ni carmona ..
“Bakit?bawal bang pumunta rito?pagmamay ari mo ba ang mental?? kung gusto kung pumasok rito,may problema ba don??!”sabay tawa na may pang uuyam..
“Baliw!!!”hiyaw nito sa galit..
Ang totoo kasi may pinuntahan lang si drew na kakilala sa hospital na iyon..
Kaya naroon ito at nagkasabay sila..
“Tara na carlita!!!”hinila nya ang kapatid at mabilis na naglakad paalis ngunit tinawag ito ni drew na ngumingise ngise pa..
“Hoooy baka mabaliw ka,dito kana magpaconfine!!!!”
“Baka mauna kapa sakin!baliwww!”sigawan nilang dalawa….
“Baka sinusundan ka nya ate?”si carlita iyon na panay lamang ang sunod sa kapatid
“Manahimik kanga dyan..hali ka na,uuwe na tayo hayaan mo ang baliw nayan..!!
Mabilis ang lakad nila upang tumungo sa sakayan ng jeep….
“Papa?gusto ko yun..”sabay turo ng anak sa stufftoy na human size..iyon ang itinuro ni Elli kanina ngunit hindi binili ng ina dahil mahal at wala silang sapat na pera..
“This one??”lumapit ang lalaki at hinawakan ang pink hello kitty..
“Yes papa..pero ayaw bilhin ni mama ..”yumuko ito at sumimangot ang mukha..
“Bibilhin yan ni papa huh?,soo dont be sad na baby girl ko okay?”
“Really papa.ten yo!ten yo papa !”subra ang saya ng bata ng mga sandaling iyon dahil sa sinabi ng ama,habang si sellina ay taga masid lamang..
Si Alli ay ni hindi umiimik,at nakatitig lamang sa mga kasama na parang may kung anung iniisip..
Nahalata iyon ni demon kaya hinawakan nya ang kamay ng anak at hinila palapit sakanya..
“Anak?what do you want??”agaran nyang tanong..
“Nothing papa..”seryuso nitong sagot
Nagulat ang lalaki sa sagot ng anak..
“Why baby??”si sellina ang nagtanong,pumantay ito sa bata
“Ma,i dont need anything..kasi andito na si papa..dati wish ko kita amin si papa asi sabi mo,nagwork si papa sa layo.kaya di sya atin asama,but now papa is already here so hindi ona ilangan ng any toys,papa is enough !”seryuso ito habang nagpapaliwanag..kaya tumulo na lamang ng kusa ang luha ng ina dahil sa narinig buhat sa anak naagtatatlong taon pa lamang..
Hindi nya akalain na ganito na ang pag iisip ng kanyang panganay..
Hindi nya akalain na nasasabi iyon ng bata sa murang edad..
Kaya hindi na sya nakasagot pa,kinabig nya si Alli at binigyan ng mahigpit na yakap habang tahimik na lumuluha..
Naisip nya na mali pala talaga sya sa ediyang ilayo sa lalaki ang mga anak.dahil ang mga bata ang mas naaapektuhan..ngunit maibabalik paba nya ang mga nakalipas na taong nasayang?
Wala na syang ibang magagawa kundi ang sumunod na lamang sa gusto ng mga anak..
Ng araw ding iyon napagdesisyonan ni Demon na bumalik na ng manila kasama ng pamilya,syempre kasama narin si melodia ..
Wala narin namang magagawa si sellina kundi ang sumunod sa agos dahil nakikita nya kung gaano kasaya ang mga bata sa kandungan ng kanilang ama..
Masaya na sya sa isipang hindi pala talaga kukunin ng binata ang mga anak sakanya..
Habang pabalik sila sakay ng montero nito hindi maiwasang maluha ni sellina dahil sa mga desisyong namali..nasa frontseat ito ng sasakyan habang ang kambal at si mel ay nasa backseat.tulog na ang mga bata dahil siguro sa subrang pagod..kalahating araw ba naman silang hinayaang maglaro sa palaruan sa loob ng mall na iyon..
Halos mapuno narin ng mga stufftoys ang sasakyan dahil lahat ng nais ni Elli ay binibili ng ama ng walang pag aalinlangan..para tuloy silang magbebenta ng mga laruan..
Tulog narin si mel.siguro ay dahil sa kakasunod narin sa mga bata..
Sya kasi ang naging alalay ni sellina habang nag uusap ang mag asawa kanina..
Napatingin si Demon sa mga ito.. at ngumite,ngunit ilang sigundo lang ay
Bumaling naman sya sa katabi..
At napansin nitong lumuluha ng tahimik ang katabi
“Why are you crying honey?”malumanay nyang tanong habang panay ang titig nito mayat maya
Nagpunas ng luha si Sellina bago nagsalita
“Im sorry!!mahinang bigkas nito sapat upang silang dalawa lamang ang magkarinigan..
“For what??”kahit alam naman nya kung para...


saan iyon..
“For everything!!”pabulong na halos wala ng boses ang lumalabas sa bibig nito..ngunit narininig parin iyon ni Demon
“Ayoko ng sorry!”seryuso nyang sagot kaya napaayos ng upo si sellina at seryusong tumitig sa kausap
“I dont need your sorry!!hindi pwedeng sorry lang..kailangan mong pagbayaran ang lahat ng hirap na dinanas ko makita lang kayo ng mga anak ko!”nasa daan ang mata nito.habang seryusong nagsasalita..
“What??”bulalas nito dahil sa kaba
“Just close your eyes and take a nap..malayo pa ang byahe natin!”pag iiba nito..tumingin sa babae at hinawakan ang kamay…
“Im so happy that you’re here..na narito kayo ngayon…
I love you wife!!”ng bigkasin nya iyon ay halos sumabog ang puso ni sellina sa subrang saya..natitigan narin kasi at nahawakan nya ang kamay ng lalaking una sa lahat sa kanya..kahit hindi sya sumagot ay halata namang nagustuhan nya ang sinabi ng lalaki dahil pakiramdam nya ay namumula na ito sa subrang kinilig..
“Your blushing!!”sabay ngite nito..napaka gwapo ng asawa nya mula noon hanggang ngayon..
Hindi na sya sumagot dahil gumilid ito upang tumingin sa bintana at upang hindi mapansin ni demon na napapangite ito…
Pagdating sa airport agad silang sumakay sa private plaine na pagmamay ari ng bunata,tulog parin ang mga bata kaya kinalong na lamang nila ito..
Ipinasok na ng mga tauhan lahat ng kanilang mga dala.may dalawa itong kasama si andrew at anthon
Si andrew ang bago nitong tauhan
Si drew kasi ay nasa manila at day off nito,
..
Magkatabi si Demon at Sellina..
Syempre nasa kabilang upuan naman ang mga bata..si mel parin ang katabi nila..
“Para akong yaya aah!!”bulong nito..kaya nangite si Sellina at Demon ng marinig iyon..
Napakalaking tulong na ang nagawa ng kaibigan nyang ito,parang sya nanga ang gumawa ng lahat ng paraan noon kung paano sila mamumuhay ng maayos at hindi mahirapan si sellina,kung tutuusin ay napakaswerte nya sa kaibigan..
Saan kaba makakatagpo ng katulad nyang mas inuna ang iba kesa sa anak..ngunit hindi naman masasabing pabaya syang ina sa anak na si kiel..dahil lahat ay ginagawa nya para sa anak..wala man itong ama pero may ina itong kung ituring ay super woman..
Nakarating sila ng manila
May isang uras at kalahati rin ang byahe nila..
Habang pababa ng ereplono ay hindi maiwasang mapangite ni demon habang kalong ang mga kagigising lamang na mga anak…
May naghihintay na sasakyan sa di kalayuan..at ng makita ni mel kung sino ang driver,
ay mabilis syang tumakbo upang sanay bumalik ng eroplano ngunit..
“Melodiaaa!!”malakas na boses ni Drake na halos ikabingi nito..nagulat nalang si demon at sellina maging ang mga bata..
“Sellina!!pwede bang hanggang dito nalang ako..sige huh!kita nalang tayo tatawagan nalang kita…”at mabilis na inilapag ang mga dala,ang slingbag lamang nito ang dala at mabilis na kumaripas ng takbo sa magkasalungat na deriksyon ..
Ngunit hindi pa sya nakakalayo ng maabutan ito ni drake…
Nakapasok na ng sasakyan ang lahat ngunit ang driver ay wala pa,akmang tatawagin ni demon ng
“Hayaan mo muna sila,kahit ngayon lang !”seryuso sya sa sinabi habang nakahawak ang kamay sa braso ng lalaki..
Kaya umayos nalang ng upo ang lalaki na katabi lamang ang kanyang mga anak..nasa gitna kasi ang kambal at nasa magkabilang gilid sila ni sellina…
“Aalis na sya!”seryuso nitong sambit
“Si drake??why?”
“Dahil pinasundo na ito ng kanyang lolo,YAKOZZA ang kanyang lolo na mag mamay ari ng mga matataas na kumpanya sa japan..matagal syang hinanap dahil ayaw nyang magmana ng kahit anu sa mga iyon kaya sya nagtago sya at nagpalit ng katauhan,.ngunit nakita parin sya,at isa pa dahil pinagbantaan ng matanda ang anak at si mel.
kaya sasama ito kahit ayaw nya sana..walang alam si mel sa lahat..kung bakit hindi nya hinanap ang babae,ayaw nya dahil kapag nalaman ng lolo ni drake baka kung anu ang gawin nito sa kaibigan mo!”mahabang paliwanag ni Demon
Hindi makapaniwala si Sellina sa mga nalaman ang akala lang kasi nya ay simpleng tao lamang si drake,ngunit hindi pala..paano na ang kanyang kaibigan?
Paano na?
“Bitawan monga ako!!”pagpupumiglas ni mel sa pagkakayapos ng lalaki
“Please mel makinig ka sakin,!”
“At bakit ako makikinig sa sinungaling na kagaya mo huh???”
“Magpapaliwanag ako mel!makinig kanga!!”napalakas ang boses ni drake
Kaya kinagat ni melodia ang kamay nito dahilan upang mapabitaw si drake sa pagkakayakap sa babae
“Araaay!!;”
“Anuu huh?ginamit molang ako eh,napaka sinungaling mo .magsama kayo ng fiencee mong mas maganda pa ang talampakan ko!!!!!”hiyaw nito sa galit at akmang tatalikod..ngunit hinawakan ni drake ang braso at akmang hihilahin..
“Paaak!”wagkanang magpapakita sakin kahit kelan sabay lakad paalis..
Nakita iyong lahat ni sellina at Demon,napapangiwe nalang din ang mga ito sa eksinang iyon…
Pumasok ng kotse si melodia..
“Hindi tayo kasya!”reklamo ni sellina
“Hooy demon,doon ka sa harap baka kasi pag duun ako hindi tayo makaabot sa mansyon nyo at mapatay ko ang alalay mo!!!”galit na galit ito kaya ang lalaking wala sanang balak bumaba ay sumunod na lamang dahil tumango si sellina na ibig sabihin..naniniwala sya kay mel..
“Tita?para kang dragon!”saad ni Alli sabay tawa nilang magkakambal
“Umuusok ang nose ni tita mel “dugtong ni Elli
“Sssh,quit mga anak..bad yan huh??”ngiteng suway ng ina kaya nanahimik na lang ang mga bata…
Habang pauwe sa mansyon wala silang imikan,ni walang boses na maririnig sa bawat isa..ang ugong lamang ng kotse mula sa labas ang tanging maririnig…
Ngunit ng akmang liliko na sana ang sasakyan..ng.
“Bang!”
“Bang!”
“Bang!”
Alingawngaw ng mga bala na galing kung saan at tumatama sa salamin ng kanilang sasakyan..
“Yukooooo!!”hiyaw ni demon habang sinisipat ang baril sa ilalimng upuan…
“Drake!!fassssteeerrrr!!”muling sigaw nya at mabilis na umandar ang kotse habang nayuko ang lahat…
“Not my family alejandroooooo….
Binuksan nito ang bintana at nagpaulan ng bala mula sa kanyang armalite na dala❤️






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. buhay ka pa alejandro ang tibay mo ahh next po🙂🙂

Leave a Reply


top