MY MOTHER HATE MY GIRLFRIEND


MY MOTHER HATE MY GIRLFRIEND
“Ang daming babae sa mundo andrew., tapos ang napili mo pa ay isang mahirap na babae.”ramdam ko ang galit sa boses ni mama dahil sa mga binibitiwan niyang salita.
“Anong masama kung mag mahal ako ng mahirap ma?”
Hindi ko talaga alam kung bakit galit si mama sa mga mahihirap.
“Ang mga katulad nating mga mayayaman ay para lang din sa mayayaman. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga kumare at kumpare ko? na ang isa sa mga anak ko ay pumatol sa isang mahirap at walang kwentang babae. Nakakahiya.”
Kahit anong sabihin ni mama sa girlfriend ko ay hinahayaan ko na lang dahil hindi naman mag babago ang nararamdaman ko para kay renalyn kahit na mahirap lang siya.
Agad ako napatingin sa kuya ko ng bigla siyang sumingit.
“Tama si mama, bro. Hindi siya nababagay sa atin.”sabay ngumisi siya sa akin.
“Ako naman ang mag mamahal sa kanya, hindi kayo.”
Hanggang kaya kung ipaglaban si renalyn ipaglalaban ko siya.
“Ano bang pinakain sayo ng babae na yan at siya ang nagustuhan mo. Makipaghiwalay ka na sa kanya andrew, dahil papakasalan mo si mika.”seryusong sabi sa akin ni mama.
“Hindi ako papayag pakasalan si mika ma, hindi ko siya mahal.”cold kung saad at umalis sa harap nila.
Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako nag abala pang lumingon dahil alam ko naman na ipipilit lang nila na hiwalayan ko na si renalyn.
“Mahal, bakit hindi mo na lang ako hiwalayan?tama naman ang mama mo. Hindi tayo bagay mayaman ka mahirap lang ako.”agad akong napalingon sa girlfriend ko dahil sa sinabi niya.
“Wala naman akong pake kung mahirap ka lang. Mahal kita at ipaglalaban kita kahit ang magiging kalaban ko pa ay ang sarili kung nanay.”hinawakan ko agad ang kamay niya.
Hindi ko kayang mawala sa akin si renalyn kaya lahat gagawin ko para sa kanya.
“Mahal na mahal kita.”napangiti agad ako dahil sa sinabi niya.
“Mas mahal kita.”agad kung hinalikan ang labi niya pagtapos ko sabihin yun.
Pinatuloy pa din namin ang relasyon namin ni renalyn. Naging masaya naman kami kahit hindi payag si mama sa relasyon namin pero akala ko tuloy tuloy na ang saya sa relasyon namin pero nag bago ang lahat nag bago si renalyn.
“Bakit ngayon ka lang umuwi mahal?anong oras na.”sabi ko agad sa girlfriend ko pag-uwi niya.
Lagi ko kasing napapansin na gabi na siya kung umuwi.
“May ginawa lang kasi ako kaya gabi na ako naka-uwi.”walang gana niyang sabi sa akin.
Wala na siyang ibang rason sa akin lagi kung hindi may ginawa lang siya kaya lagi siyang gabi umuwi.
“Pero bakit parang lagi?dati naman hindi ka palagi gabi kung umuwi.”muling tanong ko sa kanya.
Kita ko ang pag babago ng itsura niya dahil sa sinabi ko.
“Bingi ka ba!!diba sabi ko sayo madami lang akong ginawa. Ang kulit mo nakakainis ka na.”sigaw niya sa akin.
Gulat akong tumingin sa kanya dahil hindi siya sa akin ganyan. Ibang iba na talaga siya.
“Tumabi ka andrew, gusto ko nang mag pahinga.”cold niyang saad at nilagpasan lang ako.
Iniisip kung may iba na ba siya na baka sa iba na siya masaya kaya iba na ang trato niya sa akin. Mas lalong lumala si renalyn ayaw niya na hinahawakan ko siya o nilalapitan parang nandidiri siya sa akin.
Tiniis ko lahat ng pinapakita niya kahit subrang sakit sa akin no’n dahil mahal ko siya pero bigla akong nagulat sa kumalat na scandal dahil ang babaeng nasa scandal ay ang girlfriend ko. Lahat ng nararamdaman kung pag mamahal ay parang bigla na lang nawala dahil sa nakita ko.
“Tignan mo yan andrew, diba sabi ko sayo walang kwenta ang babae na yan!!”malakas na sigaw sa akin ni mama.
“Sabi ko na nga sayo noon pa lang na hiwalayan mo na ang babae na yan. Mahirap na nga siya maland-“agad kung pinutol ang sasabihin ni mama dahil mas lalo lang akong nasasaktan.
“Tama na ma!!”sigaw ko.
Mali ba na minahal ko siya? Mali ba?
“Wag mong sabihin na ipagtatanggol mo pa ang babae na yan. Gumising ka nga sa katotohanan tristan.”
Mag sasalita pa sana ako ng biglang nag salita ang kuya ko.
“Malandi naman pala ‘yang girlfriend mo.”tumawa pa siya ng sabihin yun.
Biglang nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Akmang sasapakin ko na siya nang pigilan ako ni mama.
“Tumigil ka...


andrew, sinasabi ko na sayo makipaghiwalay ka na sa babae na yun.”muling sinabi ni mama bago nila ako iwan dalawa.
___
“Alam mo ba na sikat ka na?”bungad ko agad sa girlfriend ko pag-uwi niya.
Kita kung naguguluhan siya sa sinabi ko.
“Anong sinasabi mo?”
Agad akong lumapit sa kanya at binigay ang cellphone ko. Kita ko ang gulat sa mata niya ng mapanood niya ang video.
Agad siyang tumingin sa mata ko ng mapanood niya ang video.
“Mah-hal mag-g papa-aliwana-ag ako.”akmang hahawakan niya ako ng umatras ako.
“Ilang beses kitang ipinaglaban sa mama ko kasi mahal kita pero ito pa yung isusukli mo.”hindi ko maiwasang hindi umiyak sa harap niya.
“May kulang ba sa akin renalyn? kaya nagawa mo sa akin ‘to.”nanghihina kung tanong sa kanya.
Gusto ko siya saktan pero hindi ko magawa.
“Mahal-l ma-akini-ig ka hindi-i ko gu-usto ang nangyar-“agad kung pinutol ang sinabi niya.
Mapait akong natawa dahil sa sinabi niya.
“Hindi mo gusto? Pero kita sa video renalyn, na nagustuhan mo yun!!”sigaw ko sa kanya.
“Tang ina naman renalyn!! tiniis ko kahit yung pag trato mo sa akin parang hindi mo ako boyfriend.”napahilamos na lang ako sa mukha ko.
Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako pero hindi ko magawang yakapin siya pabalik.
“Pleasee!! pakinggan mo lang ako mahal.”pagmamakaawa niya.
Gusto ko siya pakinggan pero hindi ko pa kaya makinig sa paliwanag niya.
“Ayuko na pakinggan ang paliwanag mo renalyn.”agad kung tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak. Pinikit ko mo na ang mga mata ko bago ko sabihin na makikipaghiwalay na ako.
“Tapusin na natin ‘to, ayuko na.”mabilis akong umalis sa harap niya at iniwan siya.
It’s been 3 weeks since i and renalyn broke up. Dahil sa nangyari napapayag ako ni mama na pakasalan ‘ko si mika kahit hindi ko siya mahal dahil kahit niloko ako ni renalyn siya pa din talaga.
Nandito ako ngayon sa park habang iniisip ang nangyari noon. Hindi ko pa din maiwasan na ma-miss si renalyn siguro kung hindi nangyari yun masaya pa din kami ngayon. Balak ko na sana umalis ng marinig kung may tumawag sa akin.
Andrew? Iho?”nagulat ako ng makita ang mama ni renalyn na nasa harap ko.
“Pwede ba kitang maka-usap? kahit saglit lang.”nag aalinlangan man ako pero pumayag din ako.
Agad kaming umupo sa isang bench.
“Kung tungkol po ito sa panloloko sa akin ni renalyn, napatawad ko na po siya. Sige po, aalis na ako.”akmang tatayo na ako ng ma-pahinto ako sa sinabi ni tita.
“Hindi ka niluko ng anak ko andrew…”biglang kumirot ang puso ko dahil sa kasunod na sinabi ni tita,”ginahasa ang anak ko.”Hindi na napigilan ni tita na lumuha.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi matanggap ng utak ko.
“Paanong ginahasa siya tita?kita sa video na nagu-“agad pinutol niya ang sasabihin ko.
“Hindi niya yun gusto Andrew, inutos sa kanya na umarte siya na nagugustuhan niya yung ginagawa sa kanya dahil kung hindi ako ang mapapahamak.”hindi ko maiwasang hindi mapatulala dahil sa sinabi ni tita.
Mali ako ng akala? Hindi niya talaga gusto yun. Tang ina ang tanga at gago ko.
“Sinong nag-utos tita?sino?”
Parang tumigil ang mundo ko dahil sa sinagot niya.
“Ang mama mo, siya ang kumukuha ng video habang ginagahasa ng kuya mo ang anak ko. Ginawa nila yun para iwan mo ang anak ko at pakasalan mo ang babaeng gusto nila para sayo.”
Gusto ko sumigaw dahil sa nalaman ko na ang mama at kuya ko ang may pakana ng lahat at sila ang sumira sa masayang relasyon namin ni renalyn. Kaya pala nag bago siya dahil may ginawa sa kanya si mama. Ang sakit.
“Saan si renalyn, tita?samahan mo ako sa kanya hihingi ako ng tawad.”at agad kung hinawakan ang kamay ni tita.
Gusto kung maging bingi ngayong araw na ‘to. Gusto kung isipin na panaginip lang ‘to na makakasama at makikita ko pa siya.
“Huli na andrew…”doon na ako tuluyan na paluha dahil sa sinabi ni tita.”Pupuntahan ka sana niya uli para sabihin ang totoo pero naaksidente siya habang papunta sa inyo. Pero alam mo andrew sa huling hininga ng anak ko pangalan mo pa din ang sinasabi niya. Wala na ang anak ko andrew, patay na siya.”
Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil ang babaeng mahal ko ay wala na.
By: Manunulat Athena






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top