KATE’s POV:
“HANDA KA NA BA PARA SA PLASTIC SURGERY MO, KATE?”, tanong ni Derick mula sa likuran ko.
Nakaharap ako sa malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili.
Kahit sa huling sandali, gusto kong makita ang Kate na pinahirapan nila.
Isang linggo na rin ang nakalipas, matapos mamatay ang dalawa kong anak.
Nailibing na rin namin si Michael sa maayos at mamahalin na cementeryo.
Gumaan ng konti ang pakiramdam ko, pero hindi ibig sabihin ay okay na ako.
Dahil ang totoo, sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari.
Habang naiisip ko si Michael, I can’t control my emotion.
Bigla akong umiiyak at halos gabi-gabi akong lumuluha bago matulog.
Ina ako. Kaya sobrang sakit mawalan ng anak.
Yung anak ko, halos siyam na buwan ko siyang dinala.
Pinaliguan, binihisan, pinakain, pinalaki at higit sa lahat pinaaral ko siya.
Tapos papatayin lang nila?!
“Kate?”, bigkas ulit ng lalaki.
Hinawakan nito ang balikat ko para humarap sa kanya.
Pero nagmatigas ako dahil patuloy akong tumingin sa mukha ko.
“Naghihintay na ang Doctor sa ibaba.”, he continue.
“Sige, susunod na lang ako.”, tanging bigkas ko kay Derick.
Gusto ko munang pag-isipan ang pangalan na ipapalit ko, kung sakali na maging successful ang operasyon na magaganap sa panibago kong mukha.
“Okay. Hihintayin na lang kita sa ibaba.”, he replied.
Bumaba na si Derick at naiwan ako sa loob ng kwarto.
Plastic Surgery ang naisip kong paraan para hindi nila ako makilala.
I take a deep breath, at nilakasan ko ang aking loob.
Mahirap din ang surgery. Hindi mo basta masasabi na magiging okay ang lahat kapag natapos ang operasyon mo.
Dahil madalas, nagkakaroon din ng problema.
“Goodbye Kate. And welcome to my new life, Sandra.”, sambit ko habang may ngisi sa labi.
Sandra ang naisip kong pangalan.
Dahil tunog palang nito, halatang manunuklaw ng mga pesteng tao.
Gaya...
nakakatakot….sandra