“Let’s face this together. Hindi ko hahayaan iwan mo ulit ako.” aniya.
Tumango ako. Magkahawak kamay kaming bumaba .
“Where is my daughter, Ely?” Boses ni Mama.
Nakita ko si Mama, tuwid ang likod at prenteng nakaupo sa pahabang sofa. Pero ang mas ikinagulat ko ay makita sila Papa at Kuya Dartian na nakaupo din sa magkabilang-gilid niya.
Kaharap nila ang mga magulang ni Travis.
“Good morning, Ma’am, Sir.” Pormal na bati ni Travis sa pamilya ko.
Tinanguan naman siya ni Papa at Kuya Dartian.
“Ano’ng ginagawa niyo dito, Ma?” kunot-noong tanong ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano umarko ang kilay ni Mama no’ng bumaba ang tingin niya sa magkahawak-kamay namin ni Travis.
“Kailan ka pa naging suwail na anak, Candace? Why are you with him?” Walang preno niyang tanong.
“I already told you, Mama. I love him.”
I felt Travis’ tightened the grip of our hands in a possesive way. I turn my gaze at him, and he silently mouthed, ‘I love you.’
“Hayaan na natin si Candace, Adelaida. She knows what to do.” Si Papa iyon.
“Hindi, Alfonso. Masasaktan lang ang anak mo.” Mother said through gritted teeth.
“I love your daughter, Ma’am, Sir. I’ll never hurt her… wala sa isip kong saktan siya. Patunayan ko iyon kung hayaan niyo akong mahalin siya ng malaya.” Travis said firmly.
“Kung alam ko lang na nagtra-trabaho ka sa pagma-may-ari kong restaurant, sana nagawan ko ng paraan para hindi ka mapalapit sa anak ko. I trusted my daughter so much not to notice your presence after what happened before.”
“Ma, stop it. Don’t act like you are the villain of their story.” suway ni Kuya Dartian sa kanya.
“I’m not the villain here. I just want to protect your sister, Dartian. Why, you two looked relax while here I am… natatakot akong masaktan ang anak ko.” hindi makapaniwalang sabi ni Mama sa dalawang lalaking katabi niya.
“Ma, sinaktan mo na ako…” I said for her to remember.
“Maaga kong ginawa iyon para hindi ka lalong masaktan.” depensa niya sa sarili.
“Pero mahal-”
She immediately cut me off.
“Not with him, Candace!”
“Excuse me,” Si Ma’am Elyneia, getting my mother’s attention from me.
“You are talking about my son here, Adelaida. Ina din ako, at alam kong tunay ang nararamdaman ng anak ko sa anak mo. Bakit, hindi mo ba nakikita iyon sa anak mo? Ikaw dapat ang mas nakakaalam kung ano ang magbibigay kasiyahan sa anak mo. Hayaan mo na sila pero ang ayawan ang anak ko para sa anak mo, puwes ayoko din ang anak kong pinipilit ang sariling pumasok sa pamilya mo.”
Napasinghap ako. Umismid lang si Mama.
“Mama!” Pigil ni Travis sa kanyang ina. Napahilot ito sa batok niya.
“I know what’s better for my daughter,” tumayo na siya at tumingin sa akin. “Let’s go home, Candace.”
Umiling ako. Mahigpit akong kumapit kay Travis.
“Ayoko, Mama.” naluluhang sabi ko.
“I’ll marry your daughter, Ma’am.” Maski ako ay nagulat sa sinabing iyon ni Travis. Awtomatik napaangat ako ng tingin sa kanya. Gumalaw ang muscle nito sa panga, at diresto ang tingin niya kay Mama.
Then, his pitch-black eyes met mine.
“Marry me, Candace.” It’s an order more than a question.
Nagsimula ng magtubig ang mata ko, at nag-uunahan sa pagpatak ang luha. Pakiwari ko ay naririnig din niya ang lakas ng tibok ng puso ko.
“No, Candace!” angil ni Mama. Hindi ko siya pinansin. Sinuway siya ni Papa.
Sa kabila ng mga luha, my lips stretch into a sweet smile. Pinahid ng kanyang hinlalaki ang basang pisngi ko.
“Y-yes… Yes…. I’ll marry you, Trav.”
Sinuklian niya ng ngiti ang ngiti ko, at niyakap ako ng mahigpit.
“I can’t take this anymore! Your daughter is crazy, Alfonso. Kausapin mo ‘yan.” Narinig ko na lang ang huni ng takong na suot ni Mama palabas ng bahay.
Tama ka, Mama. I’m crazy…. I’m crazy inlove with this man. My man.
“Candace, anak.” tinig ni Papa.
Kumalas ako ng yakap kay Travis para harapin ko siya, at walang sabing niyakap siya ng mahigpit.
“I’m sorry, Papa, kung hindi ko sinunod ang gusto niyo. Alam kong ginawa niyo lang iyon para akin pero ito po… siya ang gusto ko… ang nakakapagsaya sa akin.”
“Hush, sweetheart. Makita kitang masaya ay sapat na iyon sa akin para ikapanatag ng kalooban ko. Sa nakikita ko ngayon, I know you are in the right path.”
“Thank you, Papa. Paano si Mama?” kahit ganoon si Mama, she’s still my mother. Nag-aalala pa rin ko sa kanya.
“Don’t worry about her. Ako na ang bahala sa Mama mo. Kaunting kalabit ko lang doon, bibigay din ‘yon.” natatawang sabi ni Papa. Napangiti na lang din ako sabay kalas ng yakap sa kanya.
Lumapit sa amin...