I’m into you Chapter 9


Out of 20 applicants na na I screening, sinuwerte talaga si Kylin na sya ang napusuan ng HR department. Hindi nya talaga expected, Naki ride on lang sya sa interviewer tungkol sa nilalaman ng na review nya nang fake resume nya.
” Welcome to my office” masayang bulong ni Calvin sa kanya. Nakiliti sya sa mainit na hininga nitong tumama sa leeg nya kaya bahagya nyang inilayo ang mukha.
.. At ng mag tama ang kanilang paningin nakita nya ang sinsero nitong reaksyon. Di nya pa ito lubusang kilala, ang alam nya lang totoo ang nakikita nyang kasiyahan nito sa tuwing magkasama sila.
Calvin is a total stranger for her. Nakilala nya lamang ang background nito sa kakasearch nya sa account nito. Pero maswerte sya dahil nabigyan ng pagkakataong mas makilala ang totoong Calvin sa Paglipas ng mga araw na nakakasama pa ito. At hanggang sa mga oras na yon. Hindi pa rin mag sink in sa kanya na sila na secretly . Pakiwari nya, isang magandang panaginip lang ang lahat na anytime magigisingan nya rin at matatanto.
“Is something wrong Ky? ” nag aalalang tanong ng binata. Napakalakas ng dating nito, kahit sa paraan ng pagsasalita. Yong tipo ng lalaking di aakalain ni Kylin na nasa harapan nya at kinakausap sya. Binibigyan sya ng halaga, sino lang ba sya? Kumpara sa isang Calvin. Pakiwari nya lutang pa sya at the moment at di sya magising gising sa isang panaginip.
Nawala ang pag mumuni muni ng kanyang isip ng biglang bumukas ang pinto. mabuti na lang at maagap siya at agad Naka distansya pero masama na ang anyo ng babaeng bumungad sa pinto.
Napagitla sya at mas lalo pang lumayo nang mapagsino ang babaeng sopistikada, nakita na nya ito sa mga posts na katabi si Calvin, siya malamang si Alice, ang nobya ng binata. Di nya maikakaila ang biglang kirot na gumuhit sa dibdib. Nakayuko syang naglakad, lalabas na muna sya. . Bigla namang napasulyap si Calvin sa kanya”
“Sa Labas na muna ako sir. ”
” Wait”
Ang mga mata naman ni Alice ay palihim na palipat lipat sa kanila. “hi babe!” sabay smack sa binata nang makalapit. . Nahagip yon ng mga mata ni Kylin ngunit mabilis din syang nag iwas ng tingin. . Naiinis si Calvin sa nobya dahil di nito ugali ang kumatok.
” Hey! Sino sya? Nasan si Nikka babe?”
” she’s my new secretary. Just hired today.”
“What? Why? Why do you have to hire another one? Nikka is quite good, what’s the matter babe? ”
“Wala.. I – I just want a new ”
Pinasadahan nya ng tingin si Kylin. From Head to toe, tsaka napaismid. Tinapunan naman nya ng nagdududang tingin ang nobyo. Kampante sya kay Nikka dahil pamilyado na ito.
“I Want Nikka back.” mariin nitong wika.
“What? Stop being rude Alice, you can’t hold Nikka and don’t interfere with my decisions. ”
“Ok..just make sure that it’s just a plain business thing here babe..? Habang matalim ang tinging ipinukol kay Kylin. “Nilapitan nito ang nobyo at masuyong hinalikan.
Di naman makapalag si Calvin sa mabilis na galaw ng katipan. Hinawakan nya ito sa siko pagkatapos kumalas “Can you put yourself in place”
” of course! , I’m your lover? and there’s nothing wrong in kissing you around, I guess. Unless there is something bothering you right now, with your conscious reaction ”
“well anyway , I’m here to remind you personally na may dinner tayo mamaya with our both beloved parents, ok. Bigla naman itong naglambing..
I love you” pinupungay nito ang mga mata sa binata, na nawawala na sa mood. hawak nito ang pisngi nya habang nakayakap ang isang braso sa kanyang balikat.
Akmang Palabas na rin si Kylin.
“Excuse po sir, maam.”
. Nilingon sya ni Alice.. “you will just go? Without Introducing yourself to me? Such a rude.”
“Ahm.. “Napaharap sya uli dito. Di na rin maitimpla ang anyo ni Calvin.
Matapos mag shake hands at magpakilala lumabas na talaga si Kylin. No idea that, that day would be the beginning of their calvary.
Halos araw araw na itong pumupunta ng office. Minsan don na matutulog sa sofa pag nababagot. Kaya ang kagustuhan ni Calvin na makabonding ang dalaga, hindi nangyari. Kapag tulog ito, Mabilis nyang niyayapos si Kylin.
Sinasadya rin syang halikan nito kapag pumapasok si Kylin sa office nya para magbigay ng documents.
Minsan napipikon na sya kaya lage silang nag babanggaan ni Alice. At mas lalo lang itong nagdududa.
Kaya sinusulit nya na lang ang bonding nilang dalawa kapag nakakapagsolo na sila pag uwi sa bahay nya.
Pero hindi na tumigil si Alice, pati sa bahay bigla itong sumusulpot. Buti at alerto ang kanyang mga gwardya. Gulat na gulat sila isang umaga, habang kumakain sila ng agahan ay biglang naalerto si Calvin matapos basahin ang message sa phone nya.
“Ky, nasa guard house si Alice.”
“Huh?”
“Dali uminom ka muna. Itatago kita.”
Sa isang kwarto na di na inookopa nya inilock si Kylin.
Hindi Yata magandang ideya na naging secretary nya ito. Dahil nagdududa na si Alice.
Bay di nya iyon Inisip.
Kinuwestyon ni Alice ang pananatili nya sa bahay na yon ng bigla2.Samantalang matagal na syang hindi tumatambay Don. Nagkataon lang ba daw na sumabay sa pagkakaron nya ng bagong secretary . At baka nga raw hindi sa apartment ng babae dumidiretso ito pag uwi kundi sa bahay nya. Buti na lang nong na kidnap sila nagawa ng paraan ng papa nya na hindi maikalat ang balita, kaya hindi nito nakilala si Kylin.
Nauwi sila sa diskusyon, ayaw na ayaw ni Calvin na pinapakialaman ang buhay nya. Ni hindi pa nya ito asawa pero kung makaasta. Mas lalo namang nag hi hysterical si Alice, di nya matatanggap na ipagpapalit sya sa iba ng nobyo after 6 years of their long term relationship. Marami na silang pinagdaanan, at tiniis nya ang pagiging lapitin ng babae ni Calvin pero babakuran na nya ito ngayon. Hanggang sa masigurong sa kanya ang bagsak ng nobyo. Ang makasal ito sa kanya, yon ang ultimate agenda nya.
Kaya kahit napipikon na sya, nilalambing at sinusuyo din nya kaagad ang lalaking mahal nya. . Tinitiis nya na lang ang sigaw sigawan sya nito,kahit tagos na ang sakit.
Nang makaalis na ang nobya. Agad pinuntahan ng binata si Kylin.
Matagal silang nagkatitigan nang magtama ang kanilang paningin.
At sabay pang nag salita.
“Let’s stop this”- Kylin.
“I’m sorry..” – Calvin
“What? What do you mean Ky?”
“Gusto ko nang magising sa panaginip na to”
Matagal nakapagsalita ang binata.
Let’s have a break today. Mamasyal tayo. Let’s not ruin my birthdate.
Birthday mo?
Oo.
“Mamaya may party sa bahay. Pero ngayon I want to spend this day with someone so special.” kunwaring di apektado ang dalaga.
“Sana pagbigyan mo ko Ky”
So sya yon. Tumango lamang sya at ngumiti.
Hindi inaasahan ni Kylin ang plano ni Calvin ng araw na yon. Nagulat na lamang sya ng mapansin ang mga daang tinatahak nila. Kanina pa sya tanong ng tanong pero iniiba lang nito ang usapan. Later she notice that they are really heading to her place. Minsan na itong nagtanong tanong sa kanya patungkol sa kanilang lugar. At kanina ngduda na cya, medyo na bored nga sya sa byahe, nakatulog pa nga sya. Di niya akalaing iyon na pala ang araw na plano na nitong kilalanin ang pamilya nya. .
. Walang mapagsidlan ang kanyang saya ng makita ang kapatid nya. Nagtatakbo ito para Ibalita sa mga magulang ang pagdating nila. . nagulat ang mga kapitbahay ng makita silang dalawa, na palabas na ng SUV. Umikot si Calvin para pagbuksan sya.
Hindi nya alam kung paano ang sasabihin sa pamilya. Kung anong pagpapakilala ang gagawin nya kay Calvin.
At nakuha agad ng binata ang bumabagabag sa kanya.
Sinulyapan nya ang binata habang binabaybay nila ang medyo makipot na daan. Tiningnan nya ang reaksyon nito ng ituro nya ang bahay nilang gawa sa kawayan ang dingding at nipa ang bubungan At atip.
Matamis itong nakangiti sa kanya.. Nag a alangan naman syang ngumiti. Napayuko sya dahil nakadama sya ng hiya. Hindi nya naman kasi alam ang nasa utak nito, ni di nya ito ganon ka kilala.
Nagulat pa sya ng maramdaman ang mainit na palad nito, isinaklop sa palad nya, naiwaksi nya ito. Hindi pa sya handang ipakilala itong nobyo nya. Ni hindi nga mag sink in pa.
“Are you OK? ”
Tumango lamang sya. “pasensya na Calvin.. Hindi ko to napaghandaan. Di ko alam kung..
” I understand.”
Nagmano sya sa mga magulang ng makalapit at ganon na rin ang binata. Kita nya ang pagka gulat sa mga ito
” Anak? Sinorpresa mo naman kami.”
Magandang hapon po..
Ah.. Nay, Tay. Si sir Calvin po bo-
“Boyfriend po ako ng anak nyo.”
Nanlaki ang mga matang Napatingin sya kay Calvin. Habang nakikipagkamay ito sa mga magulang nya. Matamis na Ngiti lang ang ginanti nito sa kanya . Nagsisi sya at di nasabihan ang binata na hindi na muna sila aamin.
“Nobyo mo anak?...



“Po nay? .. Ah.. “Napatingin uli sya sa binata na nakangiti pa rin, Tumango ito sa kanya .
“O-ah.. Opo nay..” no choice nyang pag amin. Pero nakaarko na ang kilay nya.
” Halluh si ate may boyfriend na! ang pogi pogi! With cars pa! Swerte mo ate!” pinandilatan nya ang kapatid na babae. Yon tuloy nahagip ng teynga ng kuwago .
Muli nyang sinulyapan ang binata. Hindi na Yata nito magawang ihinto ang pagngiti. Samantalang sya pakiramdam nyay ginigisa na.
” O sya pasok na kayo, pasok ka iho sa munting tahanan namin, pag pasensyahan mo na dito sa amin.”
” Salamat po, wala pong problema sa akin tay..”
“Lagot ako nito kay nanay. ” tinapunan nya ng matalim na tingin si Calvin nag peace sign lang ito, nangingiti pa rin. “inaasar ba ako nito, akala ko ba” I understand? ”
” Ang galing naman ni Kylin! nakabingwit kaagad ng malaking isda. Kapag sinuwerte nga naman Amalia!”sigaw ng kapitbahay nila.
Muli syang napasulyap sa binata.
” never mind them, I’m so happy being here with you , Getting to know everything in you will always be worth it. ”
” Pasensya ka na. Pero yong Everything na sinasabi mo will just remind you. Na sadyang malayo ang mundo natin, ang gap natin. ”
” As if I would dare to care my baby.
Falling in love can really make people blind and deaf.”
” Psh..”
” Hehe..yan na naman, nagtataray na naman.” hindi sya makapaniwalang tanggap ni Calvin ang kalagayan nya.
Ang liit lang ng bahay nila kasya naman ang dalawang magulang, at tatlo nya pang mga kapatid. Mas inuna pala ng nanay nya ang tindahan na nasa likod ng bahay nila. Sinilip nya ito ng nagpaalam kay Calvin na mag babanyo. Ang daming laman. Na yakap nya ang ina. Napaiyak sya ng sinabi nitong hindi na sila mahihirapan at magmakaawang umutang sa kapitbahay dahil may pagkukunan na ng mauulam araw araw at pambaon ng mga kapatid nya sa eskwelahan. At masaya ang nanay nalilibang na sya nakakari long pa sya sa tatay ni Kylin.
“Anak.. Anong ipapakain natin sa nobyo mo? Siya ba ang nagpadala ng Pera anak.”
“Sshh nay, baka may chismosang kapitbahay na naman na makarinig. ”
” Opo, sya po. Ah.. Ako na po bahala,”
“Meryenda anak.”
“Ah, pupunta ako sa malapit na bakery, sige nay dito muna kayo.”
“E may Pera ka ba dyan.”
“Opo, sinuswelduhan nya ako.”
“Nagtatrabaho ka rin sa kanya.”
Opo nay.. Sige nay Paki entertain mo muna nay.
“Ehh Nahihiya ako, si tatay mo na lang.Magaling naman yon makipagtsikahan.”
Pagbalik nya ng bahay na nasa likod ng tindahan.
Sumunod din ang nanay nya.
Lumapit sya sa nakangiting binata na kausap ng kanyang tatay.
Umupo sya sa tabi nito.
“Bibili lang ako ng Meryenda ha..”
“Hmm? Samahan na kita.”
“Huwag na.”
“Uhm.. Baka may aaligid sayo by, mahirap na.”
“Huwag ka na ngang mag baby baby dyan. KY na lang. ”
Napangiti uli ito. Nagngitian naman ang mga magulang nya, sa pag bubulung bubungan nila.
Nang matitigan sya ng ina ni Kylin bigla itong napatabon ng bibig.
Iho, anong apelyedo mo?
Nay? Reid po nay, ako po si Kleint Calvin Reid.
Tinitigan pa syang lalo nito.
“Anak ko, ikaw na ba yan, si Maam Sylvia at Sir Thomas ang mga magulang mo? ”
“Opo nay, kilala nyo sila? Magkakilala kayo?”
Oo iho! Noong sa Isabela pa kami nakatira, naging labandera ako ng pamilya nyo. Halla naman ang pagkakataon. Pitong taong gulang ka pa non. Alam mo bang nagwawala ka kapag hindi ko nasasama si Kylin na limang taon pa lang non. Pag di mo sya nalalaro, binubugbog mo ang papa mo at binabato ng unan ang mama mo. Dahil naadik ka kay Kylin ko, gusto mo syang laging kalaro. Kaya minsan binabalikan ko talaga sa bahay para madala sa inyo. Gabi na nga kami nakakauwi dahil gusto mo kasalo mo rin sya sa pagkain.
Hehe.. Ito na pala yong Kylin na yon? Hindi ko alam nay, di ko na matandaan pero yong pangalan nya at yong alaala na may kalaro ako noon na babae.tanda pa yon ng utak ko.” Bigla itong humarap sa kanya
” By? “tsaka sya niyakap ng mahigpit. Tulala lang si Kylin, di sya makapaniwala, lakas ng kabog ng dibdib nya, malay nya, wala naman syang maalala.
“Ikumusta mo ako sa mga magulang mo. Lalo na kay Maam Sylvia iho.”
Kumalas sya sa dalaga.” opo nay” muli nyang kinabig ang nobya at nagningning ang mga mata habang di na maawat ang ngiti.
Naamaze din ang mga kapatid ng dalaga.
“Ah tay, punta muna kami ng bakery.” pero kilig na kilig na si Kylin. Bakit ganon? May past na pala sila. Matagal na palang balyo ng kumag na to sa kanya… Waah!!! Gusto nyang I sigaw ang pakiramdam na parang ang daming paro parong nagliliparan sa diaphragm nya.
O sige, maglalakad lang ba kayo.
“Mamamalengke din ako e. Pero gusto mo. Mag tatraysikel lang tayo ”
“Oo naman walang problema, basta’t kasama kita baby ko. Ikaw pala yon e, “kinikilig din si Calvin di halos makapaniwala.
“Weeh.. Happy birthday ” bulong nya sa punong teynga nito ng mag umpisa na silang maglakad
” Nakikiliti ako Ky.. Huwag dyan”
“Pero thank You, ang saya ko. Promise. Saya saya ko, kaya pala pinagtagpo tayo ng gabing yon. Meant to be e. ”
Eehh… “”
HHWW sila. Hanggang nakasakay ng traysikel
Nakita ni Kylin ang dalawang kabAbata sa palengke. Ipinakilala nya ito sa binata. Pero di nya Inaming nobyo nya ito. Tuloy ang dalawa, todo hiling na ilakad nya ito sa binata. Nakipag selfie pa ang mga ito bago binigay ang regalo nila sa binata.
Todo tawa si Calvin sa mga kaibigan ni Kylin, nasabi nga nya sa dalaga na dito daw pala ito ng mana sa kakingkuyan nito.
Si Kylin… May iniregalo din sya sa binata. Pero gusto nyang sa bahay ng binata ito buksan.
Namasyal din sila matapos magkulitan sa pamamalengke. Ang daming nanibago at nakatingin kay Calvin. Long hair silang tatlo dahil may kasama daw silang modelo.
Matapos magluto kasama ng nanay at mga tyahin nya, dumiretso sila sa isang beach resort na malapit. Nag renta ng videoke at nagkantahan . May mga nagsidatingan pang ibang kamag anak si Kylin dahil request ng binata. At meron na ring mga catering pa na dumating. Nagtaka man si Kylin ay di na nya pinansin. Dumami na kasi ang mga naroon.. Nag awitan at nagsayawan pa ang iba, ang iba nakiligo na. At maging sila ay nakisali nang lumangoy..dahil nabingi na sila sa mga kumakanta. Pero sa tuwing may kakanta. Binabati ang birthday boy. Pakiramdam ni Calvin, iyon na ang pinakamasayang birthday party nya. Na nakasama nya ang mga taong ito ang mga minamahal ng babaeng mahal nya.
Ang mga totoong tao. Na may totoong pakisama at totoong ngiti sa mga labi. Para sa kanya. Worth it ang naging pasyal nya sa lugar ng dalaga.
masaya din ang dalaga, at di pa rin makapaniwala na kasama nya ngayon ang taong, napamahal na nga ng lubos sa kanya. Na tanggap ang kalagayan at pagkatao nya, at sadyang ramdam. Nyang mahal na mahal sya. Sarap sa pakiramdam,kung sana hindi na lang sya magising sa kanyang panaginip.
Masaya silang naghaharutan sa ilalim ng tubig dagat ng may tumawag sa binata dahil may tumatawg sa phone nito
Hinahanap na sya ng kanyang mama.
Kaya nauna na silang bumalik ng bahay pati ng pamilya ni Kylin. Naiwan ang mga kamag anak na tinapos pa ang mga naiwang serbisyo sa party na yon. Bago umuwi ang mga ito, isa isang binigyan ng kinunsabo ni Calvin na tyahin ni Kylin.Pinabigyan nya ng pera na nakalagay sa sobre ang bawat kamag anak ng dalaga.
Halos maiyak na ang iba sa pagpapaabot ng pasasalamat dahil naging instrumento ang binata upang makatanggap sila ng grasya dahil may mangilan ngilan na nghihikahos talaga, ni walang pambili ng bigas.
Napangiti ang binata ng tumawag ang tyahin ni Kylin at sabay sabay nagpasalamat ang mga kamag anak ng dalaga. Walang alam si Kylin don. At di rin alam ng mga kamag anak nya na isang CEO sa isang Insurance company ang binata.
Sa isang araw naranasan nyang maging si Calvin, imsa ibang mundo. Sa mundo na sobra syang napasaya. Walang pagkukunwari ang mga taonh nakasalamuha.
Padilim na at nabigla si Kylin nang dinala uli sya ng binata sa may beach resort. Andon pala naghihintay ang chopper. Para hindi sila mahuli sa party.
Bago sumakay, nakita ni Kylin si Baldo. Ito ang magmamaneho ng sasakyan ni CAlvin pabalik ng Manila .
“Planado nga ng kumag ko”tanging naiusal ng utak nya.
Nakasandal sya sa dibdib ng binata habang nakaupo sa loob ng chopper, naroon pa ang ibang kamag anak niya kumakaway sa kanila.
” Panaginip lang talaga to no”
Hehe.. I love you..
I feel you so deeply Ky.”
I love you so much Calvin, damang dama na din kita dito.” itinuro nya ang dibdib.
“Talaga?thank you.” dahil ba yon sa kinuwento ng nanay mo kanina. ”
Ewan, na touch lang ako na may ganon tayo, may nasimulan na. At wala pa akong malay non.
Nakatukod ang mga daliri ng binata sa baba nito, habang ang tamis ng mga ngiting nakatitig sa kanya
” Di ko makakalimutan ang araw na to. Grabe”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top