WHAT HAPPENED EVERY FRIDAY THE 13TH?


WHAT HAPPENED EVERY FRIDAY THE 13TH?”
tanong ko kay ate na nagmamaneho ng kotse,masaya ako ngayon dahil sinundo niya ako.Nasa backseat ako nakaupo at naisip kong itanong sakanya ang binabasa ko sa libro.
“Ate narinig mo ba ang tanong ko?”tanong ko sa ate ko,narinig ko ang mahinang pagtawa nito.
“Sabi ng mga katandaan sa araw na yan sa pagpatak ng alas dyes ng gabi may gagaya sa mahal mo sa buhay at pag hindi mo napansin ikaw ang mamatay”rinig kong saad ni ate sa seryosong boses,bigla naman akong kinabahan at hindi nakapagsalita.
Naniniwala kasi ako sa mga multo,dahil nung bata pa ako ay lagi akong may nakikitang hindi nakikita ng iba.
“Naniniwala ka ba sa ganun bunso?”tugon ni ate
napailing naman ako sabay sabing “M-Medyo ate pero takot parin ako sa buhay kesa sa patay”
Pagkatapos nun walang nagsalita at tahimik lang kami buong byahe.
Alas syete na ng gabi nang makadating kami sa bahay dahil dumaan pa kami sa mall para mamasyal.Napaupo agad ako sa sofa samantalang dumiretso naman si ate sa kusina upang magluto ng hapunan.
Bigla naman nag vibrate ang phone ko na agad kong tinignan.
“Bunso bukas pa makakauwi si ate,may bussiness trip kasi kami ng boss ko at ngayon yung flight namin,ikaw muna maiwan sa bahay,ingat ka”nanlamig ang buo kong katawan ng mabasa ko ang text ni ate.
S-Sino yung nagsundo sakin?
Nangingig na pumunta agad ako sa kusina ngunit hindi ko ito pinahalata.
“A-Ate?”tumigil siya sa pagluluto at nakangiting tumingin sakin.
“M-May project po pala kaming gagawin sa bahay ng kaibigan ko kaya dun na ako maghahap–”
“Hindi pwede”saad niya,nawala ang ngiti sa mga mukha niya at napalitan ito ng pagkaseryoso.
Akmang lalapit siya sakin ng tumakbo ako sa pinto ngunit hindi ko ito mabuksan,rinig ko ang yapak ng mga paa niya kaya’t patakbo akong pumunta sa kwarto ko at sinarado ang pinto.
agad kong tinawagan ang Kuya ko.
“K-Kuya tulungan mo ako”
“Ha? Bakit ano nangyari sis?”nag-aalalang tanong niya
ngunit magsasalita pa sana ako ng namatay ang tawag at nagvibrate ang phone ko.
Nanghina ako sa nakita ko,duguan ang katawan ni kuya at wasak ang tyan nito.
Napaiyak na lamang ako at napatakip ng bibig.


/> “LIANNA LUMABAS KA DIYAN!!”rinig kong sigaw nito at malakas na kumatok
“LUBAYAN MO AKO!!”sigaw ko
napahagulhul na lamang ako dahil patuloy parin ito sa pagkatok at palakas ito ng palakas kaya nagtalukbong ako ng kumot.
maya-maya ay tumigil ito.
“Bunso? Anong nangyayari? Buksan mo itong pinto,hindi na ako tumuloy sa flight ko dahil tumawag sakin si mama na wag kang iwan sa bahay”rinig kong saad ni ate sa malambing na boses kaya dali-dali kong binuksan ang pinto at naiiyak na yinakap siya.
“T-Teka anong nangyari sayo at namumutla ka?”tanong nito napailing na lamang ako
“nako ikaw talagang bata ka hanggang ngayon matatakutin ka parin,tara na sa kusina may binili akong pagkain”saad niya
Nagsabay kaming kumain ni ate at pilit ko na lamang kinalimutan yung nangyari kanina.
“Cr lang ako bunso”paalam niya,I nodded.
Napatigil naman ako sa pagkain ng biglang magvibrate ulit ang phone ko.
“Bunso otw na ako hindi na matutuloy yung bussiness trip namin,may dala akong pagkain hintayin mo ako”
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nabasa ko,doble ang kabang nararamdaman ko.
S-Sino yung kasabay ko kumain?
Dinig ko ang pagbukas ng pinto kaya’t agad akong kumuha ng patalim at tinago sa likod ko.
“Oh! Bunso bat ganyan ang mukha mo?”bungad nito sakin ngunit bago pa ito makalapit ay sinaksak ko na ito.
“W-Wag mong gagayahin ang kapatid ko”nanginginig kong saad
“A-Anong..g-ginawa mo *cough*”nanghihinang saad nito
Nagulat naman ako ng may biglang tumawa sa likuran niya,ito ay kamukha ng ate ko.
Tinignan ko ang babaeng sinaksak ko.
Nakauniporme ito ng pang-opisina.
Nanginig ang tuhod ko at tinignan ang ate ko.
ang totoong ate ko ang sinaksak at pinatay ko.
napahagulhul ako sa iyak at napaluhod.
“A-ANO BANG KAILANGAN MO?!!”galit na sigaw ko
nakita ko ang pagbago ng itsura nito,mahabang buhok at nanlilisik na mata.
“IKAW”saad nito at bago pa ako makatakbo ay hinawakan na niya ang leeg ko.
Nahihirapan akong huminga.
“ikaw ang ipapalit ko sa araw ng pagkamatay ko”mahinang bulong nito
napatingin ako sa kalendaryo.
Friday the 13th ang sinumpang araw.
Binasa ko ang aklat tungkol sa araw na ito at dahil doon sa akin napunta ang sumpa at napatay ko pa ang sarili kong kapatid.
//END//






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top