BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 7


BILLIONAIRE’S WIFE
Chapter 7
Nang nakarating sa kanilang Mansion ay Hindi parin ako pinapansin ni Riguel. Naubos ko nga ata ang pasensya n’ya.
“Kumusta ang lakad n’yo Hija?” Si Donya Winona ng napansin ang aming pagdating.
“May konting ‘di pagkakaunawaan po kami ni Riguel, Donya” sagot ko na nagpasinghap sa kanya.
“Ano ba ang nangyare Hija?”
“Iyung nanalo po kasi sa pageant napili s’ya upang maging partner sa Sayaw, ayaw ho sana sumali ni Riguel kaso pinilit ko po kasi andami pong nalungkot sa pag ayaw n’ya” pagpapaliwanag ko.
“Eh nagalit ko po yata” nahihiyang banggit ko dahil anak n’ya ang nagalit ko.
“Kakausapin ko s’ya Hija” Ani ng Donya at nagtungo na sa itaas, makalipas ang ilang minuto ay sumunod na din ako sa taas upang magpahinga sa kwarto. Ilang araw ko palang dito ngunit andami na naming Hindi napapagkasunduan ni Riguel, He’s just too much to take.
Kumain kami ng Hapunan at katukad ng mga normal na araw walang imik si Riguel ngunit mapapansin mo ang pag igting ng kanyang mga panga.
Natapos ang Hapunan ng Hindi kami naguusap kaya natulog nalamang ako.
Tinanghali ako ng gising kaya ang Donya pa ang umakyat sa kwarto ko upang ihatid ang umagahan ko.
“Napagod ka ata sa lakad n’yo kagabi Hija” tumango naman ako at inayos ang sarili.
“Anong balak mo sa araw na ito Hija?”
“Drawing po siguro ngayong umaga at swimming po sa hapon” nginitian naman ako nito.
“Sigeh Hija ipahahanda ko ang mga kakaylanganin mo, mayruon kapa bang gustong gamitin?”
“Wala na po, salamat po Donya”
Matapos kumain ay naligo’t nagbihis nga ako tsaka agad na nagtungo sa Library upang gawin ang plano ko.
Napasinghap ako ng nakitang nasa lamesang pahaba si Riguel malapit sa pagguguhitan ko.
Hindi ako pinansan nito at nagpatuloy lng s’ya sa pagtipa sa kanyang laptop.
Sinimulan kong iguhit ang Harap ng kanialng Mansion, because it looks majestic.
Nang malapit ng matapos ay naramdaman ko ang isang pigurang lumapit sa akin, Si Riguel.
“Galit ka parin ba?” Tanong ko.
“Yeah” namamaos n’yang Saad, tumango ako at nagsimula nanamang humingi ng paumanhin.
“I’m sorry, I didn’t mean to get you mad” I look like a puppy getting scolded.
“Hmm”
“I’m sorry if you didn’t like what I did, I’m really sorry Riguel”
“Enough sorrys Catherine” Ani n’ya
“Then you already forgive me?” Wala naman...


itong ginawa na para bang Hindi n’ya narinig ang aking tinuran.
“I’ll forgive you once you draw me” he said.
“Then sit there and I’ll draw you” pagpayag ko upang mapatawad n’ya na ako sa kasalanan ko. I’ve never try to draw a face but I’ll try my best.
Lumipas ang ilang oras at natapos ko nga Ang ginagawa ko, it’s indeed hard.
Tinignan ko ang kabuuan ng drawing ko at napagtantong Hindi n’ya Ito kamukha, ang panget.
“You’re done?” Tinanguan ko lamang s’ya agad naman itong lumapit sa akin, nahihiya ko namang ipinakita ang drawing ko at inagaw n’ya naman Ito sa akin.
“Who’s this Cathy?!” Napahalakhak s’ya ng makita ang drawing ko.
“I don’t even look like this, it’s not close” tumatawa paring Saad n’ya, Napasimangot ako.
“Edi kung ayaw mo akin na! Itatapon ko nalang!” Naiirita na ako, Hindi n’ya manlang maappreciate ung pinaghirapan ko.
“Sino nagsabing ayaw ko?” Ani n’ya at nagtaas ng kilay sa akin, Wala nga s’yang sinabing ayaw n’ya pero sa mga sinabi n’ya sa akin parang ganun na nga.
Itinago n’ya Ito sa likod n’ya at iniwan ako sa Library, nakasimangot ang mukha.
Tumayo nalang ako at nagtungo sa labas ng Mansion upang magpahangin.
“Senyorita kakain na daw po Sabi ng Donya” si ate Rose.
“Sige po susunod na ho ako. Ate, Cathy nalang po”
Sumapit ang hapon at hinanda ko na ang sarili ko upang mag swimming. Tinignan ko ang garahe ng marinig ang iilang tawanan.
“Cathy! Mags-swimming ka?” Sila Ezekiel lng pala.
“Ah oo eh”
“Sama ako, hintayin mo ako hah!” Ani n’ya at may pinuntahan sa luobg ng sasakyan nila.
“Inimbitahan ulit Kasi ako ni Donya dahil baka raw naiinip ka na rito” pagpapaliwanag n’ya
“Hindi pa naman ako naiinip pero okay lng na nandito kayo, kahit paano may nakakausap ako” tinanguan n’ya lamang ang sinabi ko.
“You’ll swim?” Ani ng baritong boses sa likod ko, nilingon ko Ito at nakita si Riguel na mariin ang titig sa kung nasaan si Ezekiel.
“Oo sana eh” sagot ko.
“It’s not the perfect time to swim, the weather is not good” malamig na Ani nito Hindi parin nawawala ang talim ng tingin n’ya para sa taong nasa likuran ko.
Nilingon ko naman ang ulap at napansing maayos naman Ito.
To be continued…
__________________
Thank you sm po for reading!💚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top