FIXED THE BROKEN SOUL


FIXED THE BROKEN SOUL
PROLOGUE
Mula sa malayo tinatanaw ko ang isang lalaking nakaupo sa harap ng bartender stool dito sa bar. Halatang lasing na lasing na ito dahil sumisiring na ang kanyang balikat. Kanina ko pa sya napapansin mula pa pagpasok ko dito. Hindi ko alam pero sa kanya agad napokus ang paningin ko mula ng pumasok ako. Nakaitim itong tuxedo at nakalilis ang banda sa dulong braso. Gulo gulo ang buhok at halatang may pinagdadaanan.
Sinimsim ko ang hawak kong mojito pero ang paningin ay nandun parin sa lalaki.
Nakita ko itong tumayo at pasiring siring na naglakad , Tinungo nito ang labasan ng bar at tuluyan ng nakalabas. Dahil narin sa lasing na sya at nag aalala ako na mapahamak sya ay sinundan ko ito. Mabilis akong tumayo at naglakad palabas.
Hindi ako nagkamali. Nakita ko itong nakasandal sa isang itim na sasakyan at halatang hindi na kayang gumalaw o alalayan pa ang sarili.
Hindi ako nag dalawang isip na lapitan sya.
Tumikhim muna ako.
Unti unti syang nag angat ng tingin habang namumungay ang kanyang mga mata. Kahit medyo madilim dito ay kitang kita ang mahahaba nyang mga pilik.
” Nica!”. Namamos ang kanyang boses habang may binibigkas na pangalan. Pangalan na hindi pamilyar sakin.
” Nica, Please don’t leave me.. Choose me please.. I love you, please stay”.
Dahil sa mga narinig ko hindi ko na kailangang isipin kung bakit sya naglasing ng subra. Broken hearted. Hindi ko akalain na sa panahon ngayon ay may lalaki pa palang iiyak dahil sa isang babae.
” Hey! Are you alright?” . I asked pero wala akong narinig na tugon at nalaman kong tulog na ito. Nilibot ko ang paningin sa lugar. Alam nyang delikado dito at baka mapagtripan pa ng ibang lasing.
” Aray!”. Napaigik ako ng mauntog ang ulo ko sa sasakyan ko habang ipinapasok doon ang lalaki. Isinuot ko ang dalawang paa nito paloob. Nakahiga ito sa backseat ng aking sasakyan. Kahit na hindi ko sya kilala at baka may masama syang gawin sakin ay nangingibabaw parin sa isip ko na mabuti sya.
Umikot ako sa driver seat at nag...


umpisang magmaneho.
Pagkarating sa condo ay tinawag ko ang security guard para magpatulong sa pagbuhat. Inalalayan nya ako sa lalaking ito hanggang sa bukana ng condo ko.
Pinunasan ko lang ito at hindi na pinaltan ng damit. Siguro naman ay sapat na ang pag uwi ko sa kanya para hindi sya mapahamak at saka ang akward nun para sakin.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil may pasok ako sa opisina. Isa akong accountant manager sa Galvez Company.
Binisita ko ang guestroom at nandun parin ang lalaki habang nakadapa. Hindi ko man aminin ay halata ay maganda nitong pangangatawan dahil bakat sa t shirt nya. Tinagkal ko kasi kagabi ang tuxedo nya at tanging t shirt lang ang itinira para mas maging komportable sya.
Nagluto ako ng agahan at nagtimpla ng kape. Gusto ko mang gisingin na ang lalaki kasi paalis pa ako ay inaatake naman ako ng hiya.
Habang sumisimsim ng kape ay narinig ko ang mga yabag mula sa hagdan . Pababa ang yabag na ito. Tumayo ako at lumabas ng kusina.
Nakita ko syang naglalakad na pababa ng hagdan .
” Hey!Are you alright? Kumain ka muna. Saka ko ikukuwento kung bakit ka narito “. Bahagya kopang ikinaway ang mga braso ko.
Bumaling lang ito sakin bago dire diretong lumabas ng condo ko. Naiwan akong nakanganga.
” Ay ganun? Wala man lang ‘ Thank you’ kahit labag sa loob “. Umiling iling ako bago bumalik sa kusina.
Tinagkal ko na sa isip ko ang lalaki tutal ay hindi ko naman sya kilala.
_____
Naiiyak akong tumingin sa kanya .
” Alam mo yung masakit? Ay yung ako yung laging nandito pero hindi moko magawang piliin, Binuo kita eh! Binuo kita nung mga panahong wasak na wasak ka,,, Pero hindi ko akalaing yung taong binuo ko ang syang wawasak sakin. Ang sakit pala “. Patuloy lang ako Sa pagiyak.
I fixed him.. I fixed his broken soul.
A/N: Hi guys, this is my new story. Kung saan tatawa kayo.. Malulungkot.. Iiyak at masasaktan….Suportahan nyo po sana.
Comment NEXT !!
Vote and share
If you have a time visit my timeline other works






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top