HIS FIRST LOVE”
written by—Solene Terpischore
—take time to read this
“Mahal!” pagtawag ko kay Ken habang busy ito sa kaniyang ginagawa.
“Mahal!” ikalawang tawag ko at humanap naman ito sa akin.
“Gusto ko kapag ikakasal ka, dito mo dapat gagawin sa simbahan na’to.”
“Bakit naman ako lang, dapat tayo! kapag ikakasal tayo dito na’tin gaganapin.” wika nya habang hinahagpos ang aking mukha ng dahan-dahan.
“Mahal mangako ka na tutuparin mo ’yang pangako mo ah!” hinawakan nya naman ang kamay ko at itinapat sa dibdib nya.
“Pangako Feyre mahal ko.” tugon naman nito sa akin at ako ay napa-ngiti na lamang.
________________
Nandito ako ngayon sa simbahan kung saan tahimik na nakamasid sa kasal ng aking taong iniibig.
Oo, ikakasal na sya ngunit hindi na ako ang kanyang kapareha.
Minamasdan ko ang kanyang dahan-dahang paglalakad papunta sa may harap ng altar, ’yan ang lalaking mahal ko, sambit ko na lamang sa utak ko habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko.
Lahat naman ay napatingin ng biglang tumugtog ang isang awitin, at biglang pagbukas ng pinto, kasabay nitong pumasok ang aking kakambal na si Arielle.
Kahit masakit sa aking kalooban ay pinakita...