Ako Naman Kabanata 47


Kinabukasan ay nagising ako sa paghaplos ni tita sa buhok ko..
Ngumiti ako ng makita ko si Tita..
“Bakit po?? ” nakangiting tanong ko..saka ipinikit ulit ang mga mata ko
“Masaya Lang akong magiging masaya ka na.. “, narinig kong turan ni tito.
Ngumiti lang ako at di na nagkomento..
Pagkatapos ng tanghalian ay dumating si totoy kasama ang mga magulang nya..
Pinapasok ko ito saka pinaupo sa sala..
Tinawag ko sila tito.. At tita..
Noong kompleto na ay nagsimuLa na kong magsalita..
“Kelan po kayo lilipat ng IsLa ?”, nakangiti kong tanong sa mga magulang ni totoy..
“Ah lilipat pala kayo Mareng Marites??? Gulat na tanong ni tito..
Tumango silang ng sabay.. ” baka pagkatapos ng ksaL sa huwes ng panganay namin.. “, nakangiting sagot ni ante Marites..
“Sino na maiiwan sa bahay nyo? ” tanong ni tita..
“Ako po.. “, sagot ni totoy.. “pansamantala ay doon muna kme titira ni Marya..
Tumingin sila sa akin.. Tila inaantay ang sasabihin ko..
Ngumiti muna ako bago nagsalita..
” ok lang po sa akin pero balak ko po munang wag muna kme magsama ni Totoy pagkatapos ng kasaL kung inyong mamarapatin… Balak ko po sanang maipagawa muna ang bahay khit maliit lng po.. Khit po kalahati semento at kalahati ay kahoy lang po bago kme magsama.. “,
Nakita kong pinag iisipan nila ang sinabi ko..
“pero wala pa kmeng pera pampagawa ng bahay “, sabi ng tatay ni Totoy..
Ngumiti ako..
“kame na po ang bahala ni totoy dun.. Pag uusapan po namin kung pano paplanuhin.. “, sagot ko
Di nakaimik ang mga magulang ni Totoy..
“Nakakahiya nman sa inyo.. Tanging Lote lng ang maireregalo ko para sa kasal nyo “, nakayukong saad ng tatay ni Totoy..
Ngumiti ako.
“Malaking bagay na po yun.. “, sabi ko..
“ano sigurado ka na ba talaga Marya sa desesyon nyong magpakasaL? “tanong ni tito.
Di ako kumibo .”parang kagabi lang sila itong nagdesesyon na ikasal agad ako tapos ngayon ako pala ang nagdesesyon nun.. “, sabi ko sa isip ko..
“Marya.. “, bulong sa akin ni totoy..
Ngumiti ako..
“opo..
“pero mag uumpisa kayo sa walang wala.. Alam mo namang wala nmang profession yang anak ko.. “, sabi ni ante Marites..
Ngumiti lang ako saka hinawakan ang kamay ni totoy..
“mas maganda nga po yun e. Para po malaman namin ni totoy kung hanggang saan ang kaya naming ibigay para sa pagsasama namin.. ” sabi ko ” saka pwede naman po kmeng maghiwalay kong d talaga kaya “, seryuso kunyare ako sa sinasabi ko ..


/> Napatingin sila sa akin..
“di pwede ang ganyan Marya.. “,turan ni tita.. “Ang pag aasawa ay di biro ..di yan katulad ng kanin na pwede mong iluwa kpag ikaw ay napaso “, panenermon ni tita..
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni totoy sa kamay ko..
“Di po ako papayag na mangyari yun”, serysosong sabi nito na nakatingin sa mata ko..
Kinilig talaga ako sa sinabi ni totoy..
“Pero sana kayanin nyo… “, sabi ni tito sa amin “binibigay ko na ang Basbas ko.. “, nakangiting saad nto..
Tumingin si tita kay Totoy
“ikaw totoy ok lng ba yung plano ni Marya pagkatapos ng kasaL nyo? “tanong ni tita kay totoy
“Opo.. Mas maganda po yung plano ni Marya.. Kaso “, huminto ito sa sasabihin na tila nahihiya..
“Kaso ano.. “, sabay sabay na tanong ni tito at ni tita pati narin mga maguLang ni Totoy..
“Ano kse.. Db po pagkatapos ng kasal may… “, tila nahihiya pa itong sabihin..
Agad din nmang naintindihan nila ang ibig sabihin ni totoy..
“Oo nga nman Marya.. Pano na yun.. Ano nyo ..”, sabi naman ni tito..
Ngumisi ako..
Ito na yun..
Ang paghihiganti ko kay totoy..
“Db po sabi nya may nangyare na sa amin… So bakit pa kaiLangan ng Honeymoon.. Saka nlng po kapag maayos na ang lahat.. Tama na po muna yung nangyare sa aming dalawa “, nakangiti kong saad..
Nakita ko ang pagtutoL sa mga Mata ni Totoy pero tinaasan ko Lang ito ng kilay..
“oo nga nman toy.. Saka nlng totaL nagawa nyo na rin nman e “, sabi ni tita..
Tumango tango nman si Tito ” oo saka na at baka mabuntis pa si Marya pano na ang bahay nyo “, biro ni tito..
Ngumisi ako at tiningnan si Totoy ..
NiLapit ko ang bibig ko sa tenga nya para bumulong
“AKALA MO HAH! ”
saka mahinang tumawa..
Di mo naiisahan si Marya!
Napalakas ang tawa ko ng makitang halos mamuLa na sa asar si Totoy..
Madami pang pinag usapan bgo nagpaalam ang mga maguLang ni totoy na umalis..
Pangiti ngiti pa ako habang tinatanaw ang papalayo nilang pigura..
“Marya.. Pwde ba tayong mag usap “, seryusong sabi ni totoy sa akin..
“Saka na.. Gusto ko munang matulog “,
Pag iwas ko dahiL alam kong gagantihan naman ako ni totoy kapag pumayag ako.
Malay ko baka ano pang gawin nya sa akin ..
“Ayaw mo?? ” di ko ibibigay ang selpon mo “,
Agad akong napalingon..
Oo nga pla ang selpon ko!
-itutuloy.
Last update ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top