Meet Again Chapter 6


Written by: Anhellian27
“Magandang umaga sett!” Bati ko sa kanya sabay tanong
“Parang hindi pumasok si dhang?”
“Sabi nya siya daw papalit sayo maging student teacher”. Sagot sa akin ni sett sabay turo sa kabilang room.
“Ay oo nga pala nakalimutan ko,ngayon pala siya na magtuturo.” Sabi ko kay sett na may lungkot.
“Wala si sir yehey!” Sigaw ng isa naming classmate habang papunta sa kanyang upuan.
Lahat naging masaya puwera lang sa akin dahil sa pakiramdam ko magkakasakit, siguro dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
Nakatanaw lang ako sa bintana habang nakayuko sa upuan.napaisiip uli ako nung bigla ko naala ala ang sinabi ni dhang na simula pa lng itong nararamdaman ko at hahanap hanapin ko siya.
“Hala!”
” nakakatotoo nga sinabi ni dhang sa akin!”
Sabi ko sa aking sarili dahil sa napansin ko din na nag aantay na ako sa pag daan nya sa bintana ng amin classroom.
Bumalik ako sa pagkakayuko at muling nag antay sa kanya na dumaan.
” uy si jervey dumaan!” Nakita ko siyang dumaan,Sabay angat ko sa aking ulo para sundan siya ng tingin.
“Yes nakita ko siya!” Masaya kong sabi.
Biglang nagbell.break time na.
“Hi ashlee! Bati ni dhang sa akin.
“Hi dhang! Kamusta ang pagtuturo? Tanong ko sa kanya.
” Okay naman sila mababait naman at
Alam kong inaantay mo kung ano ginagawa ni jervey!” Tugon nya sa akin.
“Ha?hindi ah!” Sabi ko
” Si jervey kanina kausap Carol!”
” Close na close kaya sila, pinunasan ni jervey si carol kanina kitang kita ng mga mata ko.sumbong ni dhang sa akin.
“Wala akong pakialam sa kanila di naman kami at di nya naman ako nakikilala!
“Sino ba naman ako?!” Naiinis na sagot...


kay dhang. Sabay alis dala ko wallet ko.
“Nakakaasar!”
“Bahala sila wala ako pakialam!”yan lang nasabi ko pero parang diko na mapigilan ang aking mga luha kya nag disisyon akong pumunta ng cr namin.
Nagmamadali akong naglakad papunta ng cr ng bigla ko naman nakita uli si jervey pero dumaan lang siya sa harapan ko at tuluyang pumatak ang aking luha sa dala na siguro ng bigat ng nararamdaman ko.
“Kung alam ko lang paano turuan ang puso na di na umibig pa.
” tuturuan ko talaga pati ang isip kong kontrolin ang aking mga nararamdaman!”
“Ang sakit!”
“Ang sakit sakit!”
“Masakit lalo kasi siya masaya at hindi nya alam na nahihirapan ako dahil sa kanya”.
Umiiyak ako sa cr. wala na ako pakialam kung sino makarinig ng iyak ko.Gusto ko lang ilabas ang bigat ng pakiramdam ko.
Ayaw ko naman makita ako ng nanay ko na malungkot at umiiyak kasi ayaw ko mag alala siya at maka dagdag ng problema.
Pinunasan ko luha ko at huminga ng malalim, buti na lang at nakasalamin ako hindi masyado halata na lumuha ako.
Umakyat na ako at bumalik sa classroom.
Pag akyat ko hagdanan bigla ko naman nakasalubong ang grupo nila jervey.
Ang pagkakataon talaga.
Nagtapat pa kami ni jervey, siya pa baba at ako paakyat,nagulat ako dahil umiwas ako pakabila,umiwas din siya kaya hindi siya makababa at hindi ako makaakyat pataas.
“Hahaha sorry!” Sabi nya sa akin.
Marupok atah ako dahil sa natawa din ako at biglang nakaramdam na naman ng saya ang puso ko.
“Hahaha okay lang sorry din!”.tugon ko sa kanya.
“Sige” nag give way na siya para sa akin.
Hindi na ako nakapag salita tanging ngiti na lang ang nasagot ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top