The use of Beauty chapter 4.2 Cont.


Habang hawak nila ang aking kamay na naglalakad patungo sa venue ay tumingin tingin pa ako sa palibot ng Campus. At nakita ko doon sa gilid ng madilim na parte ang lalaking bumangga sa akin na deritsong naka tingin sa amin nka bihis din ito para sa night ball. Kinilabutan ako sa kanya ng dumapo ang mata nito sakin. Pagdating nga namin sa Venue ay bumungad sa amin ang napaka gandang red carpet na lalakaran namin papuntang loob at nakaka hilong ilaw. Alas 7 pa um pisahan ang ball at 6:45 pa lang kaya nag pa tugtog muna sila. Hindi ako sanay sa ganitong klase na ilaw, masyadong nakakahilo. Humanap kami ng mauupuan at ng maka kita na ay agad nga kaming umupo. Nilibot ko ang aking paningin puro magaganda ang kanilang sout na nababagay din sa kanilang kagandahan. Pati ang mga lalaki. May ilan na sumayaw at may ilan din na naka upo lang at nag hihintay na mag umpisa ang program. Masyadong madilim ang palibot kaya hindi ko pa ma aninag ang iba kung mga kaklase. Maya maya ay biglang nagliwanag ang kabuoan ng gym at may umakyat na babaeng may bit² na microphone na sa tingin ko ay emcee. Estudyante din ito kagaya ko. “Hello ladies and gentlemen, our beautiful and handasome. Students tonight” Masiglang bati ng emcee. ” Before we start our party tonight I would like to remind everyone that you can able to drink alcohol as long as can but never get drunk, and for some guys who don’t drink we have some juice here. ” Paliwanag Ng emcee marami pa itong sinabi na mga rules and nga special...


thanks nila sa mga sponsor dito ngunit nababagot na ako.
Muling mabuhat Ang energy Ng lahat nang muling sumigaw Ang emcee. “Let’s party everyone! Enjoy the night!
” And this song dedicated to you guys. Boys pick your girls whoever you wanted to dance with you”. Naka ngiting lintanya ng emce at muling nag dilim Ang paligid at pumalit Ang nakaka hilong ilaw.
Lahat ay nag sisayawan na si Criss at Kayla ay may kasayaw nang mga lalaki sa dance floor. Tahimik akong umiinom Ng juice nang biglang lumapit sa akong Yung lalaking bumangga sa akin noon ” can I have this dance with you.?” Hindi ko alam ang feelings na may nag aya. Parang masaya ako na kinabahan. ” Sigurado kaba,?” Palinga² kong tanong dito dahil kinabahan na ako. Ngumiti lamang ito sakin at tumango. Sa huli at pumayag din ako. Pagtayo ko ay nakita ko si Tanya at Clair na masamang naka tingin sa akin. Naka ngisi Ito na may Pina Plano. Habang nagsasayaw kami Ng slow dance Hindi ako mapakali masyado nang malakas Ang jab na aking naramdaman. Mahina Ang tugtog, naka tayo lang kami habang Ang iba ay nagsasayaw sa paligid. Hinawakan Niya Ang aking kamay na nanlalamig. Mahigpit Ang pagka hawak nito nang biglang bumuling sa king tenga. ” Can we go out for a while? I have something to tell you privately.” Umiiling ako sa sinabi niya. ” Don’t be afraid I just have something to tell you. A confess?” Ang lambing Ng noses nito na parang nanunuyo. Hindi pa ako naka pagsalita ulit nang kinaladkad niya ako patungo sa likod ng School. Natatakot na ako dahil masyado na kaming malayo sa gym.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top