The Battered Wife CHAPTER 18


Author : Krista1307
Genre : Random
๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป ๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป
( ELISE – POV )
Isang linggo ko muna hindi makakasama si Franco.
Umalis siya ng hindi sinasabi sa akin ang dahilan.
Ewan ko ba pero simula nung pinayagan ko siyang ligawan ako tila ba mayroong nagbabago sa kanyang ugali.
Masyado niya akong pinagbabawalan na lumabas ng bahay at makipag-usap sa ibang lalaki.
Minsan nga natatakot na ako sa kanya pero binabalewala ko nalang.
Kinausap ko ang kanyang ina , sinabi ko na nakakuha na ako ng sarili kong condo unit dahil nahihiya na akong makitira sa bahay nila.
Pinipigilan pa nga niya ako dahil hindi daw niya alam ang kanyang sasabihin kapag dumating si Franco.
Pero hindi ako nakinig sa kanya.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit , lilipat na kase ako sa condo.
” Bella , talaga bang hindi kita mapipigilan na umalis ? ”
” Tita , nahihiya na po ako sa inyo lalo na kay Franco.”
” Bella , hindi mo naman kailangang lumipat pa.Malaki naman itong bahay.Alam kong hahanapin ka ni Franco kapag bumalik na siya.”
” Tita , bakit po parang natatakot kayong malaman ni Franco na aalis na ako dito sa inyong bahay ? ”
” Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan.Bella sana kapag may nalaman ka tungkol sa anak ko ay huwag mo siyang ipagtabuyan.”
” Bakit hindi nyo pa po sabihin sa akin yung totoo ? ”
” Si Franco na ang kausapin mo tungkol sa bagay na iyan.Kung talagang aalis ka , ikaw ang bahala basta mag-iingat ka palagi sa lilipatan mo.”
Kinakabahan naman ako sa mga sinasabi ng ina ni Franco.
May kakaibang nangyayari pero hindi ko malaman kung ano.
Saka ko na muna iisipin ang bagay na iyon …
” Tita , aalis na po ako.Salamat po sa pagpapatuloy nyo sa akin dito.”
” Ingat ka Bella.Tumawag ka agad sa akin kapag nakarating kana sa condo mo .”
Sumakay na agad ako sa taxi.
Habang nasa byahe ay nagtext ako kay Franco.
” Lilipat muna ako sa Condo unit na nakuha ko.Tutal nililigawan mo ako , hanapin mo nalang kung nasaan ako. ”
Gusto ko lang naman bigyan siya ng isang pagsubok.
Alam ko namang magagawa niya iyon.
( SKY – POV )
Araw-araw akong pumupunta sa tapat ng bahay ni Franco para makita si Elise.
Pero ngayong araw , aalis na ata siya dahil marami siyang gamit na dala.
” Sakto lang pala ang dating ko dito , susundan kita Elise.”
Napapangiti nalang ako.
Ang sarap pala sa pakiramdam na ” inlove ” ka lalo na sa taong kagaya ni Elise.
Palihim kong sinundan ang taxi na sinasakyan ng babaeng mahal ko.
Tumigil ito sa isang building na puro mamahaling condo unit.
Sinundan ko pa rin si Elise hanggang sa makarating siya kanyang unit.
Hindi na ako makapaghintay pang yakapin siya ng mahigpit.
Wala...


na ako sinayang na segundo , nag doorbell na agad ako sa unit niya.
Alam kong magugulat ito sa oras na makita ang gwapo kong mukha.
” Sky , anong ginagawa mo dito ? paano mo ako nasundan ? Bakit ba nagpakita ka ulit sa akin ? ”
Natatawa ako sa naging reaksyon niya.
Hindi ko muna sinagot ang kanyang mga katanungan sa halip ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng kanyang unit.
Makikipagkulitan nga muna ako.
” Maganda itong napili mo ”
” Tinatanong kita Sky , sagutin mo muna ako ! ”
” Galit ka na nyan Elise ? ”
” Oo ”
” Mag-isa ka lang dito ? ”
” Oo ”
” Mataas ba ang presyo ng unit mo ? ”
” Oo ”
” Mahal mo ako ? ”
” Oo ”
Ilang segundo siya natahimik ng marealize ang kanyang sinagot.
” Hoy Sky , iniisahan mo naman ako eh.Mali yunh sagot ko dun sa tanong mo , hindi kita mahal ”
” Wala nang bawian Elise , nasabi mo ng mahal mo ako.”
” Ano ngang ginagawa mo dito Sky ? wag mo akong galitin ”
” Sasamahan ka , di ba sabi mo mag-isa ka lang … sandali lang ipagluluto muna kita .. ”
Narinig ko pa siyang sinisigaw ang pangalan ko pero hindi ko na siya inintindi pa.
Pagsisilbihan ko muna ang reyna ng aking buhay.
Pagkakataon ko na ito para muling ibalik ang tamis ng pagmamahal niya sa akin.
” Wala ka ng takas pa Elise.Sinabi ko na nga ba mahal mo pa rin ako.”
Natatawang sabi ko sa aking sarili.
Dahil masyado akong kinikilig hindi ko napansing nahiwa yung daliri ko.
Kahit lalaki ako , takot pa rin ako sa dugo.
Napasigaw nalang ako at hindi na nakakilos pa.
Narinig ko ang mabilis na lakad ni Elise.
” Sky anong nangyari ? Teka may dugo , wag mo kaseng titingnan kaya namumutla kana eh.Sandali lang kukuha lang ako ng gamot.”
Hindu naman nagtagal ay agad siyang bumalik sa tabi ko at dahan dahang ginamot ang aking sugat.
Nawala na sa isip ko ang dugo na nakita ko sa halip ay nakatitig nalang ako sa maamong mukha ni Elise.
” Oh ayan wag mo muna basain ang sugat mo para hindi ka makaramdam ng kirot.Hoy Sky nakikinig kaba ? ”
” I Love You ”
Binatukan naman ako ni Elise.
” Anong I love you ka dyan ? Pumunta ka na nga muna sa salas at maupo ka lang dun.Ako na ang magluluto at baka kung anong mangyari sayo ”
” Elise , nag-aalala ka para sa akin ”
” Syempre tao ka pa rin at nasa lugar kita pag kase may nangyari sayong masama , ako ang mananagot .. ”
” Alam mo Elise kahit grabe ka magsalita … kinikilig pa rin ako.”
To Be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top